33. Bloody Camping

29 1 1
                                    

3:00 A.M

Ang aga kong nagising. Nag aalala parin ako, dahil nasa bahay ang iba kong gamit at nag dadalawang isip kung sasali ba sa camping. Eto ding si Aimy kahapon pa text ng text na excited na raw siya, naka paghanda naba daw ako, dun nalang daw ako sa tent niya matulog at kung ano ano pa. Pano na kaya to? Aish! Bumaba nalang ako sa kusina nila ken para uminom ng gatas. Nakita kong gising na rin siya kaya kinausap ko na.

"Ken yung mga gamit ko... uhm kasi nasa bahay pa eh" Sambit ko.

Imbis na sagot ang makuha ko, tinuro niya lang yung pack bag at paper bag sa may sala. Letche ang aga aga ken!

"May problema ka ba ken? May problema ba sa akin? Sa atin? Parang nung isang gabi lang umamin ka, ok na man tayo diba? bat ba ganyan nalang yung inaasta mo?"

Sht. Hindi dapat yun lumabas sa bibig ko, bat ba kasi ganito nalang ako mag react. 

At sa pangalawang pagkakataon, nilagay niya lang ang baso niya sa sink at tumungo sa sala. Hindi parin ako naka tanggap ng salita galing sa kanya. Aish bahala nga siya! Bwiset yuun!

Tumungo na rin ako sa sala para tingnan ang mga gamit ko. Kompleto yon, may mga flashlight, first aid kit at iba pa. For sure, inabala niya nanaman si kuya dahil ron' bat ba kasi di pa niya ako pinapauwi? Di ba siya nagsasawa sa mukhang to?

nung tiningnan ko ang wristwatch ko, 3:40 na kaya umakyat nalang ako sa kwarto niya at maliligo na shemaaay! makikipaglaban nanaman ako... sa malamig na tubig. Buti nalang may heater siya rito kaya gagamitin ko nalang muna.

Habang nilalasap ang maligamgam na tubig, may napansin ako sa shelves sa gilid. Isa yong maliit na halaman na nakalagay sa isang maliit na pot. Omg?! sign no.1? Ay hindi. Na alala ko yung sinabi ni cholo kahapon.

"Hindi kita iiwan no may kinuha lang akung basura don' tinutulungan ko lang naman ang mother nature "

mother nature

mother nature

mother nature

mother nature

paulit ulit yon na pumapasok sa utak ko. So it means? Sign no. 2? Isang sign nalang talaga Lord.

Pagkatapos kong maligo nadatnan ko si ken sa sofa sa gilid ng kama hawak hawak ang kanyang cellphone. Agad siyang tumayo nung nakita niya ako at nilapag ang cellphone niya sa desk nito. Bahala siya! bahala talaga siya.

Kinuha ko nalang ang bag ko at nagbihis na. Pagkatapos non' ay napagpasyahan ko na di nalang sumabay sakanya. Sa school nalang din ako kakain total 4:30- 5:30 naman din ang registration. Bahala siya sa buhay niya. Malaki na siya di niya ako kailangan.

Unti unti kong pinihit ang doorknob ng front door para di gumawa ng malakas na ingay, pagkatapos non lumabas na ako at ni lock ulit yung pinto. Naglakad lakad pa ako hanggang sa makarating na dun sa gate nila. Pagdating ko don' agad namang may dumaan na tricycle kaya pinara ko yon at sumakay na.

"Hillton kuya" sabi ko at nilagay ang mga gamit ko sa harapan.

Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa front gate nito at agad ko namang nakita si aimy at gian na excited na excited.

"Lexyyy" sambit ni aimy at agad akong niyakap.

"Kamusta?" Gagang to' parang kahapon lang eh magkasama kami.

"Okay lang' gaga, kahapon lang tayo magkasama eh" Sambit ko.

"Ay oo nga pala hihi" Aniya

"Gigi!" sabi ko at niyakap siya, niyakap niya rin naman ako pabalik.

My First Love❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon