34. Envy

9 0 0
                                    

Nagising ako sa maingay na si aimy na humahalakhak pa. Inaantok pa ako, di kasi ako nakatulog sa gabi dahil sobrang init sa tent.



Nilabas ko nalang ang ulo at yung katawan ko nalang ang nasa loob ng tent.


"Goodmorning lexyy!" Aniya at niyakap ako. Nakahiga parin ako sa tent at niyayakap ang throw pillow.



Ang sweet talaga ni aimy kahi kailan.



"Mag e-exercise daw muna tayo bago kumain" Aniya at hinila ako.



Nagbihis lang kami ng short at nag rubber shoes na nike, di ko lang tinanggal ang jacket ko kasi naka spaghetti lang ako.




After namin mag exercise ginutom na ako. Marami rin kasing pinagalitan dahil sa mga violation ng mga lower years. Buti nalang di nakita na doon natulog sa amin si rush.



After kumain ay nagpatuloy ang mga activities, next activity ay ang pag gapang sa putik. Di naman ako nandiri dahil isa rin to sa challenge para makapadok ka sa 'black terra'





"Yuck nakakadiri look at that ken oh baka may uod jan" Ani ysa at yumakap sa braso ni ken.



Tiningnan niya ako, binigyan niya ako ng nag aalanganing tingin, yumuko nalang ako ng bahagya dahil umiinit ang dugo ko kay ysa.



Nagsimula na kaming gumapang at nangunguna si cholo sa amin sumunod ako at si ken. pagka labas namin sa tunnel na ginawa nila ay kinuha na namin ang flag namin tumingin ako sa dulo, di pa sumasalang sila ysa at steph nakakainis



Ang ginawa ko ay bumalik ako sa dulo at gumapang ulit bilang representative nila, di ko to ginagawa para sakanila, ginagawa ko to para sa team namin.



Sa pangalawang pagsalang ko ay natusok ang binti ko ng basag na bote, mahapdi na ang sugat at sinusundan pa ito ng putik na dumadapo sa balat ko.


Nagpatuloy na ako sa pag gapang hanggang sa makuha ko na ang last na flag.



Nadeklara na second kami, first sila aimy.



Umupo ako sa sobrang sakit ng binti ko, agad na lumapit sakin si mary , cholo, rush at ken, sumunod naman si aimy, gian, roynaj, at jerome.


"Okay kalang lex?"Sabi ni mary



"Okay lang mahapdi lang ang binti ko" sabi ko.



"Masakit pa ba? gusto mong mag pahinga na muna? may 15mins break pa naman eh. Wag ka nalang sumali sa ibang activities" sabi ni ken.



No. Hindi pwede, hindi talaga.



Nginitian ko nalang siya.



Agad nila itong hinugasan ang nilinis ang mga putik na pumasok ron, kasing laki ng hintuturo ko ang guhit ng sugat.



"Yan kasi nagmamagaling" Ani ysa at tinapunan ako ng matalim na tingin



"So sad girl, buti nga sayo!" Ani stephanne at sumunod kay ysa.


Tinikom ko nalang ang bibig ko dahil kahit kailan di ko talaga sila papatulan.


Kinarga ako ni ken na pang kasal at pina upo sa duyan malapit sa tent nila.


"Are you okay?" Panimula niya.


"Okay lang ako, ken. Sumabay ka sa kanila oh" sabi ko.


Ayaw na ayaw kong may nag aalala sa akin, at binabalewala ang lahat kapalit ko.


"No. Di ko kakayaning ngumiti kasama nila kung nakikita kitang ganyan ang sitwasyon" He said.


"Salamat" sabi ko at ngumiti.


Bakit ang saya saya ko pag si ken ang kasama ko? bakit nawawala ang sakit pag kasama ko siya? bat ko ba to nararamdaman? feeling ko nag tataksil ako kay potchii eh. Hanggang ngayon siya pa rin ang iniisip ko. Tama ba to? na mag mahal ako ng iba kung alam ko namang may iba ring nagmamahal sakin? Tama ba to? di ko alam. Ang alam ko lang ngayon is, mahal ko na rin nga si ken.

"Next activity na daw " Ani cholo.


"kaya mo ba?" sabi ni ken.


"Oo" maikling sagot ko.


Inalalayan niya ako pababa ng duyan at hinawakan ang magkabilang braso ko habang naglalakad. Tangina naman eh' parang lola na tuloy ako nito.



natapos naman ang camping ng maayos, medyo naiirita lang ako sa ka artehan at ka O.A'han ni steph, nakaka inis talaga siya kahit kailan!



"Alex!" Sigaw nito.



And yes, speaking of the devil.


"yes?" Mahinahon kong sagot.


"I'm sorry." she said.


"For?" Sagot ko naman habang naka taas ang kilay sakanya.


"for everything, it's just that ugh! I'm so envious you know? Coz you have ken, cholo, xander and some true friends, basta yun na yon! no.more churva, friends?" She said.

"Friends" sagot ko at nilampasan siya.



Agad na akong lumabas ng social hall at inayos ang mga gamit ko, pagkadating ko sa parking lot ay naka abang na saakin si ken, agad niya namang kinuha ang mga gamit ko nung nakita akong papalapit sakanya.




"Thankyou" saad ko.


Nanibago lang ako ng bigla niyang binuksan ang pintuan para saakin.



"Hmm" ngiti ko.



"For my queen" he said.



Umayos na ako ng upo at isinabit ang seatbelt, ilang sandali lang din ng napadpad na kami sa bahay nila.





"Nakakapagod haaaays" saad ko ng biglang humilata sa sofa nila.


"Wanna go to the beach?" He said seriously.


"Anong beach na pinagsasabi mo? Gabi na ah?" Sabi ko naman.


"Sinabi ko bang ngayon na?" Saad naman nito.


"Sabi ko nga" sagot ko at tumahimik nalang.


Umakyat din naman ako sa kwarto niya ng mapagtantong kakain na, gusto ko pa sanang tumulong pero sabi niya maligo na raw muna ako kaya sinunod ko din naman.


Nagising ako sa isang ingay na nagmumula sa labas. Unti unti kong minulat ang mata ko at sinubukang pihitin ang doorknob, paglabas ay maingat ako sa paglalakad, tiningnan ko kung sino yung nasa labas.



Teka? Totoo ba to?


Mabilis din naman akong umakyat ng narinig ang pag sirado ng gate nila. Bigla kong tinakip sa buong katawan ko ang kumot ng naramdaman kong hinagod niya yung likod ko, nagpatuloy ako sa pag kukunwaring tulog at pinakinggan siya sa mga sinasabi niya.

"I'm sorry baby" he said.


"I'm so weak!"



"But I promise that di ka nila maaring saktan, please understand me. Ginagawa ko to lahat para sayo"

My First Love❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon