29.Best Man

22 0 0
                                    

Pagkatapos naming mag cr ni aimy ay dumiretso na kami sa room, papunta palang kami sa pintuan ng room ng maaninag ko na maraming naggtitiliang babae.

"Anong meron?" tanong ni Aimy sa babaeng tumatakbo.

"Narinig kasi naming may nililigawan si cholo at ken, kaya yun andun yung dalawa sa harapan ng room nila may hinihintay." Tumili ulit siya at tumakbo papalayo sa amin

Ang bilis nga naman kumalat ng balita. Ang ingay ingay kasi namin kanina sa canteen eh.

"Omg Girl! Ganda mo talaga!" sabi ni aimy at hinampas pa ako sa braso. Isinawalang bahala ko nalang yun at dumiretso ng lakad.

Pagdating ko sa harap ng room ay andun nga si cholo at ken naka sandal sa pader.

"Anong ginagawa niyo?" Nagtinginan silang dalawa, humalukipkip ako habang nag hihintay ng sagot.

"Ah eh pasok ka na" Sabay nilang sabi. Ano ba naman oh

"Pano ako makakapasok eh naka harang kayong dalawa jan?" Pagmamaldita ko at tinaasan sila ng kaliwa kong kilay.

Umalis naman sila sa harapan ko at napakamot nalang ng ulo. Pumasok na ako at sumunod naman dun si aimy, uupo palang ako pero dinig na dinig ko na ang pagbabangayan nilang dalawa.

Sumunod na rin silang umupo at nagsimula ng mag tanong ng kung ano-ano

"Alex pwedeng pumunta sa bahay niyo?"

"Alex ano kaya ang pwede nating tawagan pag naging tayo?"

"Alex ang ganda mo"

"Alex anong gusto mo sa lalake?"

"Alex may naging boyfriend ka na ba?

I-ilan lang yan sa mga tanong nilang dalawa. Ang ingay talaga nila. Library time nga rin pala ngayon, kaya naman pala walang teacher na pumapasok.

Seryoso talaga sila sa panliligaw nila? Hays. Kung alam lang talaga nila, hanggang ngayon hinahanap ko parin si potchii. Ano na kayang nangyari sakanya? May girlfriend na ba siya?

Tama nga si aimy. Nasasayang lang ang oras ko sa paghahanap sakanya? bubuksan ko na ba ang puso ko? Wag baka mamatay ako.

Ay speaking off.. Si Aimy? Ayun andun kay rush-.- As always. Hays. bahala nga sila, matatanda na sila.

Love is a b*tch. Malandi ang pagmamahal. Parang etong dalawang katabi ko, kaya naka depende na sayo kung pano mo ito haharapin, kung pano ka makikipag laban rito at kung pano mo ito malalampasan. Sabi nga nila masarap magmahal, pero yung sarap daw na yon' eh may katumbas na sakit sa huli. Yah it's true wala namang nagmamahal na di nasasaktan diba?

Napansin kong nag aaway nanaman sila cholo at ken kaya matalim ko silang tiningnan

"Hi babe" Sabi ni cholo at  nag aalanganing kumaway pa.

"She's not your babe" mariing sabi ni ken.

"Babe is not my name." maikli kong sagot at inirapan sila.

"Mapagtanong nga kay kuya xander kung pano manligaw" at dahil sa wala ngang teacher humagalpak ako sa kakatawa sa na banggit ni cholo.

"Ayoooon! manliligaw-ligaw di naman pala marunooong!" naki salo narin si rush at hunalakhak rin.

"Mukhang mananalo na ata manok ko eh!" Sambit naman ni aimy

"Marunong ka ken?" Tanong ni cholo.

"Yes. Easy. Old School. As what Alex said, gusto niya yung old style ng panliligaw kaya gagawin ko yun. Eh ikaw?" Pagtataray ni ken. Ang kyut ni ken pag nagtataray.

My First Love❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon