Chapter 21 " The One "

8 1 0
                                    


Nakalabas kame sa lugar at pinagmamasdan namin ngayon ang unti unting pagbalot ng apoy dito .

Nabigo ako sa pagsagip kay Erin.
Sinipa ko ang kahoy na nasa harapan ko , puno ako ng galit na di ko siya nakuha at di ko siya nasagip .
Sinara ko ang mga mata ko at nagpakawala ng mabigat na hininga.

Kami palang ang nandidito kanina ngunit pagkaraan ng ilang minuto nakita namin sila Sia at Lucas na hingal na hingal sa paglalakad, si Sia ay sugatan ang mga kamay habang si Lucas ay may kaunting  galos sa mukha .

Sinenyasan ko si Lian na pumunta sa kanila at tulungan sila.

May napansin akong kakaiba sa paligid , parang may nakamasid sa akin. Kinuha ko ang kutsilyo ko at tinira ito sa kaliwa pero...walang nangyare kukunin ko na sana ng may nakita akong paparating na blade sa harapan ko agad agad akong umilag at nahawakan ko ang blade.

Familiar ang blade.

Biglang tumunog ang kampana sa kaharian hudyat ito na alam na nila ang nangyari dito, sinenyasan ko si Lian na umalis na at magtago na susunod lamang ako ngunit di pa sila nakalayo ay isa isa na silang natumba.

May naramdaman akong hinga sa likod ko kaya lumingon ako di ko alam kung magagalit o magiging masaya ako sa taong nasa harap ko puno ako ng pagkalito sa isipan ko.

"Sorry Kyle" huling sabi niya bago ako sinuntok sa mukha.

Nahilo ako at natumba na ng tuluyan .

After Three Weeks

Nagising ako sa sobrang hitik ng araw sa mukha ko bigla akong nasilaw kaya lumingon ako agad. Pinagmasdan ko ang paligid, "kwarto ko to ah?" pero bakit ang bango?

Aktong tatayo na ako ng may bumangga sa ulo ko.

"Ano ba yan!" napamura ako at hinawakan ulo ko.

May nakita akong steel plate sa harapan ko may nakasulat pa na
"Eat this - E :") " napatawa ako.

Erin...

Tatayo na naman sana ako ng nabunggo ko na naman ang plate.

"Aray!Kainis!!" napamura na naman ako.

Biglang gumalaw ang plate at papunta ito sa mesa na nasa kabila ko lang.

Hinay hinay na nagkaroon ng kulay ang nasa taas ng plate ...

"Sam?" nakatalikod ito sa akin.

Si Sam nga to!

"Sam!!" gumalaw ang maliit na pwet niya at nakatalikod pa din.

"Halika na Sam..."humarap na 'to sakin pero may distansya pa din.

Ang cute niya talaga.

"Galit ka ba Sam?Nagtatampo kaba?"

"Sam...Namiss kita..." di pa ako natapos ng bigla kong naramdaman na may tumama sa dibdib koo.

Niyakap yakap ako ni Sam talagang namiss niya ako.

"Namiss kita Sam!" hinawakan ko siya sa magkabila at binigyan siya ng isang malaking kiss sa noo.

Nangagalaw siya na parang kinilig .

" Sus , Ikaw naman lalake ka dapat di ka kinikilig " di na siya nagsalita at nagstay lang sa harapan ng dibdib ko.

Nagulat ako ng biglang bumukas at sinira ang pwertahan.

Sino kaya 'yan?

Napatingin ako sa may pwertahan.
Napatingin lang din si Sam sa side ng  may pwertahan at nagaabang kame kung sino ang dadating.

The Chosen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon