Napatingin ako sa kaliwa, kanan, likod at harapan ko,
ngunit di ko na siya makita,
maari bang totoo ang mga sinasabi niya?
Pero bakit? bakit parang naramdaman ko na totoo ito..."Erin!, Ano ba kanina pa kame naghihinty dito sayo oh, nahuli na lang tayo" pagsusumangot sakin ni Nicole.
"Hay, buti nalang" tugon ni Brat sabay hawak sa dibdib niya
"Saan na tayo ngayon?'' Sambit ni Luke.
Ahhhh-Ahhhh---
Tulong! Tulong!Nagsisigawan,
Nagtatakbuhan,
Lahat ng tao na galing sa gym,mukhang may nangyayareng ambush sa gymnasium ng H.H.S.
Ngunit wala namang mga putok na naririnig.Papunta na sana si Luke sa direksyon ng gym ng pigilan ko siya.
"Titignan ko lang kung ano ang nangyayare''
"Wag na, hindi natin alam kung anong Meron dun." Pagsusumamo ko.
"Itinakda'' lahat ng tao napahinto sa boses na narinig, pati kame napahinto lalong lalo na ako.
Maraming bulong na naririnig sa bawat sulok ng campus, mga bulong kung sino ang itinakdang pinag-sasabi ng taong nasa mikropono.
"Magtago kana, at kame'y paparating na!''
Pananakot ng taong nagsasalita sa mikropono.Bigla nalang may mga lalakeng tumatakbo ng malakas papunta sa mga tao dito. Tinitignan ang kanilang mga braso at kung wala silang nakitang interesado itinataboy nila.
"Umalis na tayo dito"sambit ni Brat.
Kahit naguguluhan ako alam ko sa sarili ko na kailangan na naming tumakbo.
Tumakbo na kame at salamat naman at nakarating na kame sa minivan ni Brat.
"Teka paano ang mga sasakyan namin?''
Tugon ni Nicole."Babalikan lang natin yan,siguraduhin muna natin na makaka-alis tayo dito'' sambit ko.
Inandar na ni Luke ang sasakyan at dumeretso na papalabas ng campus,palabas na sana kame nang may humarang sa amin.
Mga lalakeng may tatoo sa tenga at kamay.
"Labas!"sambit ng lalakeng may tatoo sa tenga at lumapit na ito sa sasakyan namin kasabay ang iba pang may tatoo sa kamay.
Gigibain na sana ng lalakeng may tatoo sa tenga ang pinto sa passenger seat ng suntukin siya ni Brat sa mukha."Mark!''tugon ni Nicole, na halatang natatakot.
Ngunit parang wala lang itong tabla sa mukha ng lalake, bigla niya lang inikot paharap ang mukha niya at dinig na dinig namin ang pagtunog ng buto sa kamay niya.
Giniba niya ang pinto ng passenger seat ng walang kahirap-hirap at bago pa man niya mahawak si Brat.
Pinaandar na ito ni Luke ng pinakamalakas.
Makikita mo sa rearview mirror na walang kibo ang lalakeng gumiba sa pinto, makikita mo rin na nanlilisik ang kanyang mga mata kasabay ng paglaki ng kanyang mga ngiti.
Nagulat ako ng biglang may sumipot sa likod ng van.
"Bilisan mo pa Luke!" Sambit ni Nicole.
Binilisan ni Luke ang takbo ngunit parang di napapagod ang lalakeng humahabol samin.
Mas bumilis pa ito at ngayon ay nasa side na ito ni Brat.
Kinuha ni Brat ang kanyang bag at tinira ito sa lalake.
Bahagyang humina ang takbo ng lalake ngunit bumilis lang ito ulet.
Pag dating niya ulet sa side ni Brat ,biglang niliko ni Luke pa kanan ang sasakyan, at nahagip nito ang lalake,dahilan ng pagtama ng lalake sa pinakamalapit na puno.
Napabuntong-hininga kame lahat .
"Salamat naman"sambit ni Brat .
"Walang anuman'' sambit ni Luke sabay tingin samin sa likod.
Ang malaki niyang ngiti ay napawi at biglang nanlaki ang kanyang mga mata, dahilan ng pagtingin narin namin sa likod.
Pati kame ay nanlaki ang mga mata sa nakita namin.
"Holy Shit'' sambit ni Brat.
"Bilisan mo pa Luke, dali, dali!''
Sambit ni Nicole.Marami na ang sumusunod sa amin .
Tumatakbo ng mabilis ang mga may tatoo sa kamay at naka-angkas sa kanila ang mga may tatoo sa tenga."Katapusan na natin!" Sigaw ko.
Binilisan pa ni Luke ang sasakyan, ng paunti-unti na itong tumitirik.
"Ano nang nangyayare Luke?'' Sambit ko.
"Hindi na kaya ng minivan''
"Ano?''sabay na sigaw namin ni Nicole.
"Paano na yan?''takot na takot na sambit ni Nicole.
"Let me think" sambit ni Luke.
Bago pa man kame nakareact may tumigil na sa sasakyan.
Hindi ito dahil sa wala ng baterya ang sasakyan ...
Kundi...
Hininto ito...
Ng isang taong...
Nakahood...
Spiderman...
-------
A/N:Third Chapter.*_*
Thank you.
BINABASA MO ANG
The Chosen One
FantasyA girl who lost her parents But gained some friends who treats her more than a family. Not by blood but by heart. Through thick and thin they survive. As long as they have each other , They will Survive. Let's join their story as they search , T...