Chapter 19 " Leaders "

12 2 0
                                    


Tobby's POV

Galit na galit ang mukha at mga mata ni Kyle, dumeretso siya sa cr at kame naman dito ay nagtataka kung ano ba ang pinagusapan nila?

Ilang minuto lang ang nakalipas at lumabas na si Kyle mula sa cr. Mas okay na ang mga mata niya ngayon at parang mas kalmado na siya.

"Maghanda tayo, may labanan na magaganap"sabi ni Kyle.

Ha?

"Ano naman 'yon, Kyle? "tanong ni Sir Jake.

"The wife of the leader of Red Lion Mozart Gang has Erin and di sila titigil hanggat di nila mapapasakamay ang espada ng Ruthers"sabi ni Kyle.

Hawak ng Wife ng Leader ng Red Lion Mozart Gang si Erin? Paano yun? at gusto nilang mapasakamay ang sword ng Ruthers? nii wala ngang taong nakakahawak non, maliban nalang sa mga official na miyembro ng Rutherians. Ano naman ang pakay nila sa sword?

"Gusto nila ang sword? "

"Ni di nga yun mahahawakan ng katulad nating mga Ruthers? " sabi ni Dap.

"Di ba nila alam ang tungkol dun?na bawal yun hawakan ng katulad nating mga simpleng Ruthers lang? " tanong ko?

"Mukhang hinde... Desperado na ata silang makuha ang espada. Tingin ko, gusto nilang mapasakamay yun para sila ang maging pinakamalakas na gang dito sa campus. "sambit ni Kyle.

"Wala pa ang mga grupo mo dito Kyle at kakaunti lang kayo, makakaya mo ba sila?, dinig ko na malakas na ngayon ang asawa ng leader nila. Magaling siya sa pagkontrol ng mga skills niya. At isa pa, may dugo siya ng mga tunay na Ruthers. "sabi naman ni Sir Jake.

May kaunting katahimikang nangyare.

"Dadating na ngayon ang mga kasamahan ko galing sa misyon nila, pero di ako sigurado kung anong oras sila dadating... May sampung oras pa tayo para maghanda at maghintay sa kanila... "

"Kailangan ko ng tulong niyo.."dagdag ni Kyle.

"Willing ako.Pero,Paano ang sword ng Ruthers? Saan natin yun makukuha?"tanong ni Dap.

"Wag kayong mag-alala ako nang bahala"tugon ni sir Jake.

"Tara na at magpunta na tayo sa field para magpraktis. Maiiwan ka dito Kyle. Take a rest,Erin will not be so happy If she sees you like that. Take a rest. We'll just be back Luke,magpagaling ka."sambit naman ni Kyle kay Luke.

"Mag-ingat kayo." ang huli kong narinig bago kame umalis.

Erin's POV

"Ano bang gusto mo sa akin? "
Nakahiga na ako sa sahig sabay nakatali sa isang silya.
Aalis na sana siya pero natigilan siya sa narinig na sabi ko.

"Hindi ikaw ang gusto ko..."lumapit siya sa sahig at inilapit ang mukha sa akin.

"Mas importante sa akin ang aking magiging trono bilang asawa ng pinakamalakas na gang sa buong Ruthers"napatingin siya sa taas na para bang iniimagine niya ang araw na mangyayare yun...

Di naman yun mangyayare... Ambisyosa.

"Anong sabi mo? " tinignan niya ako na para bang gusto na niya akong patayin.
Nagulat ako.
Nasabi ko pala 'yon ng malakas.

The Chosen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon