Itago ko niyo na lang ako sa code name na BRBG. Tungkol sa school namin ito,di ko na sasabihin kung anong pangalan. Nangyari to nung lumindol at pinauwi lahat ng estudyante kahit sa ibang schools. Idedescribe ko muna ang school namin. Maliit lang ang school namin, katabi ng palengke tsaka mga bahay, pa square lang ang design nito as in pagkapasok mo sa school namin makikita mo na lahat. Napagigitnaan nang mga classrooms ang court namin, kahit nga nasa room ka lang makikita mo na yung mga kaganapan sa school. So yun nga katapat nang room namin ang court, nung araw na yon ay exam day. Siguro naman may nabalitaan kayong lindol na may pasok? So yun nga tahimik kase nag eexam sa bawat classroom.Yung classroom namin ay two storey building lang, parang bahay lang siya na pa square?Gets niyo? Nasa baba namin ang canteen tapos kami ang nasa taas non. Sa lahat nang classrooms ang room pa lang namin ang hindi pa na rerenovate. So yun nga dumating yung breaktime nang g7, kasabay namin sila g9 ako.May nag deliver nang tubig gamit ang truck so, pwinesto siya sa court sa tapat nabg ring.Sobrang ingay na non kaya hindi kami makapag focus nang maayos.Maya maya lang ,may malakas na tunog kaming narinig syempre sa sobrang liit nang school namin rinig nang lahat.
Syempre kaming mga nag eexam nagulat.Akala namin natumba lang yung bakal na ginagawang harang kapag may program.Nakatoka sa aming magbantay ay yung adviser at co adviser namin.Lumabas sila para silipin lang,hindi na nila kailangang bumaba kasi may parang maliit kaming hallway doon,sumilip sila at bumalik ulit,sabi nang teacher namin na nabangga lang nung truck yung ring nang court.
Tapos nag balikan kami sa ginagawa naming pagsagot sa exam.Nakita kong napahinto siya pag sagot yung classmate kong babae, tapos parang nakikiramdam lang, tumingin siya sa katabi niya tapos nagsabi nang "lumilindol?" .Tas nakisingig ako sabi ko "Hindi".
Bumalik na lang siya sa pagsagot. Pero napahinto kaming lahat nang may napansin kaming kakaiba. Sobrang tahimik sa school as in!Break time nang grade 7 tapos ang tahimik, eh madalas silang mag ingay.
Maya maya lumabas yung teacher namin sa cubicle sa room namin, may dalang cp tas sinabi niyang "lumindol pala?" Napatingin ako sa classmate ko na kaninang nagtanong . sabi niya " sabi na eh, lumindol". Sumilip ulit yung teacher tapos sabi wala nang tao sa baba.Syempre kami gulat na gulat, so kami na lang ang naiwan sa school namin? Pero nung kaninang nag iingay pa ang buong school may nakita akong babae na umakayat sa room namin tapos nakatingin sa direksyon namin. Parang may hinahanap siya.
So kami bilang yung tinuro sa amin yung procedure kung anong gagawin pag lumindol ,ginawa na muna namin.Bumaba kami nang room namin na nakapila .May nakalubong pa kaming alert team. Tapos sabi nila, "bilisan niyo na po", pero yung utak namin lumulutang pa ,iniikot namin yng paningin namin sa buong school.Wala na nga talagang tao.
Sa gate naman nang school namin nandoon lahat nang teachers at guards nang school.Sabi pa nang ibang teachers "may naiwan pa?" Tapos yung ibang mga estudyante nasa tapat nang school ,nagulat din sila ,tapos yung iba hinihintay yung kaibigan nila. Sinabihan pa kami nang ibang students na "ang sipag niyo naman?" Pero pabiro yun. Tinawanan na lang namin yun kase tulad nila nagtataka din kami eh.
Lumipas ang mga buwan nagkwentuhan kami nang nakakatakot, yung mga klasmate ko pa rin nung lumindol. Tapos may kiniwento yung isang klasmate ko. "Nung lumindol pala, hindi tayo nakita". Syempre kaming nakikinig na shookt kami. "Weh?". Sabi ko pati nung iba.Pinagpatuloy niya yung kinikwento niya, sabi niya "Kilala niyo yung matabang alert?Umakyat siya dito kasi nga diba nag eevacuate na yung iba? Ang sabi niya wala ng tao na dito sa classroom natin. Pinaglalaban niya yung hindi niya tayo nakita sa room."
Naalala ko yung nakita ko siya room na parang may hinahanap siya,kami pala yun. Nakatingin pa ko sa kanya eh.
Kinilabutan ako nun eh. May nabalitaan din kaming laging napagiiwanan yung room namin sa lahat nang classrooms sa school namin .
So yun lang sa susunod na lang ulit!Marami pa kong baon dito pero sa susunod na lang!
BINABASA MO ANG
TRUE HORROR STORY
HorrorITONG STORYA NA ITO AY PAWANG KATOTOHANAN ISANG KAKABAVALAGHAN KUNG MAHAL MO PA BYHAY MO WAG MONA ITO basahin..