This is my 2nd story, kung una is sa bahay namin, ito naman ay experience namin ng mga kaibigan ko habang nag oojt kami sa isang 5 star hotel dito sa Cebu.
So sisimulan ko nung December, habang busy ang lahat dahil December 25, biglang nagkagulo sa pool dahil may isang 2 year-old na batang nalunod and fortunately the kid survived, salamat sa isang doctor na nagbabakasyon. Sabi nung nakakita, bigla nalang lumutang ang bata sa tabi nya kaya hinila nya ang bata upang maka-ahon, 2 feet lang pala ang pool, mataas na bata kasi foreigner.
Lifeguard agad ang kwenwestiyunin diba? So nung ni-review ang cctv, ang sabi nung manager namin is di nila mapaliwanag. Malayo ang bata sa hagdan ng pool kaya lang may biglang itim na dumaan at nawala yung bata, lumabas ang bata sa pool na. Di lang yan, nasundan pa ng isang pagkalunod that week and guess what, the video is the same as the first drowning incident.
Ligtas pala ang bata dahil nasagip agad. Nung kami ng kaibigan ko ang nagswimming, syempre closed na ang pool, after namin sa pool pumunta kami ng locker in which kaming dalawa lang kasi di ka pwede pumunta ng locker pag di mo pa out, sa oras namin kami lng may ganung schedule. Ang ingay namin sa locker room as in tapos pinasok namin ang mga cubicle so feel na feel namin ang moment ng biglang my umubo ng malakas, tayuan agad balahibo ko, di pinansin ng kaibigan ko pero ako nakahanda nang tumakbo sabay sabing "narinig mo yun?" sabi niya, "letchi ka, di ko nga pinansin" sabay takbo namin dalawa. Dali-dali kaming umuwi.
Next is yung zipline, may 2 assigned lifeguards dun or lets say sports and recreation team. Alam na nilang may 3 batang papunta with 1 guardian, pero pag tingin nung isang lifeguard, 4 yung bata, so ayun nga gumawa sya ng resibo para sa 4 na bata, sabi nung guardian di sya kasali, sabi niya " yes mam, you have 4 kids with you" binulungan sya ng kasama nya na 3 lang ang bata, kaya naman tinignan nya ulit yung isang bata at dun na nya napansin na ang bata ay basa, at nakayuko lang. Sa isip nya, parang ito yung batang nalunod few years ago, naghanap ata ng kalaro. Buti at di niya pinakailaman yung mga batang nag zipline.
Next experience, yung isang kasama namin, sila na naman yung na assign sa gabi, papunta sila ng locker, may maliit na hagdanan yun at laking gulat nya kung bakit nilipat talaga sa hagdan yung mga maliliit na statwa. Dahil madilim, kumuha sya ng flashlight para makita ang dinadaanan, na curious sya sa statwa kaya inilawan nya mula ulo hanggang paa at laking gulat niya, gumalaw ang paa, dun nya narealize na hindi statwa yun, walang guest na pwedeng makapunta dun dahil tago ang locker at dis-oras na ng gabi,tumawag sya ng security sa pag-aakalang magnanakaw at laking gulat nya, walang mga statwa na nakaharang sa hagdan, kaya hinila nya kasama nya at tumakba palabas ng gate ng hotel pra umuwi.
Yung isa kong kasama sa room service na assign, nakita nya ang bata na tumatakbo pero laking gulat nya kung bakit ang bilis, nung nahulog ang panyo nya, nakita nya ulit ang bata, at kaya pala ang bilis kumilos kasi lumulutang ito.
Yung supervisor ko gumagawa ng schedule namin for the week dun sa office na kahit sino sa aming mga nag ojt walang mag dare pumunta pag walang kasama, baka mka salubong ka bigla ng ataul o di kaya yung batang nalunod sa pool, so ayun nga habang nag susulat, may nag sitsit at dahil baliw din yung sup namin ginantihan din nya ng sitsit, mga tatlong beses syang nagsitsit at ang hinihintay nya is ang pagbukas ng pintuan, pero wala talaga, kaya tumayo na sya at tumakbo dahil alam na nya kung sino sumisitsit sa kanya.
Iba talaga ang aura nung office namin sa ibaba, ang bigat sa pakiramdam. Nung minsan may nahulog na tao dun sa hotel na ang ulo ay naiwan sa 2nd floor, minsan ngpapakita yung ulo doon nakalutang.
Ang daming kababalaghan ng hotel pero kahit anong mangyari, that was the best hotel ever in Cebu.
BINABASA MO ANG
TRUE HORROR STORY
HorrorITONG STORYA NA ITO AY PAWANG KATOTOHANAN ISANG KAKABAVALAGHAN KUNG MAHAL MO PA BYHAY MO WAG MONA ITO basahin..