PUTI

505 6 0
                                    


        
       

        
       

Note: This is a true story..

        
       

        
       

Ako si Rose, 26, I will share my experience when I was 18 or 19 I guess.

        
       

Hindi na bago ang mga kababalaghan sa compound namin kasi medyo bundok ang barangay namin and ang likuran ng mismong bahay
        
       
namin ay dating sementeryo. Naniniwala naman ako sa mga nangyayari at nakukwento sa amin at mismong ang pamilya ko ay may kanya kanyang experience na sa mga kababalaghan dito pero hindi ko akalain na mangyayari sa akin ito..

        
       

Ang Bahay namin ay pwede mong ikutin sa labas..meaning kahit saan ka dumaan, sa likod o sa harap ay pwede ka pumasok. Merong puno ng santol sa harap naming at may tatlong puno ng manga sa likod.. meron ding puno ng baligang (jambolan fruit) sa gilid ng bahay namin..

        
       

Isang gabi, naka higa ako sa kwarto ko ng marinig kong tinatawag ako ni mama. Hindi ko malaman kung saan galing ang
        
       
boses nya kaya bumangon ako para lumabas..

        
       

Dumaan ako sa sala kasi akala ko ay nasa harap sya..pag daan ko ng sala, hanggang pintuan lang ako, nagbabakasakali na matanaw ko na si mama.. pero bigo ako, hindi ko sya matanaw kya inakala ko na kina-tita sya. Kaya no choice ako kundi lumabas ng bahay..bahagya akong lumabas dahil natatakpan ng bahay ng tita ko yung bahay naming kya hindi ko matanaw ang daan.

        
       

Nakaharap ako sa daanan at sa mga bahay at nakatalikod aq sa bahay namin at tinatanaw ko si mama.. bigla ko ulit narinig si mama na tinatawag ang pangalan ko at ang boses nya ay galing sa likuran ko na parang sa may kusina. At dahil napag tanto ko n sa kusina galing ang boses ay humarap ako sa direksyon ng kusina (na nasa likod ko).. laking gulat ko ng may nakaharang sa harap ko. Puting puti n parang usok, parang tela na
        
       
transparent dahil nkikita ko ang likod, parang tela ng damit. Pero ang mas ikinagulat ko ay nang marealize ko na hindi lang simpleng puti o damit ang nsa harap ko..dahil sa damit na iyon ay may mahabang buhok. Napalunok ako ng Makita ko ang buhok..napatingin ako sa baba
        
       
dahil hindi ko alam kung saan tlaga titingin
        
       
at kitang kita ko ang paa nya na nakalutang! Nanginginig na ako sa oras n iyon. At alam kong hindi tao ang nasa harap ko kindi isang Multo!! At konti na lang at didikit na ako sa kanya! Hindi ko maigalaw ang katawan ko sa gulat.. maiihi na ako sa takot, habang inaangat ang mukha ko
        
       
para
        
       
makita ang mukha nya..
        
       
mararating na ng mata ko ang mukha nya,pero pumikit ako at nagdasal.. biglang sumigaw ulit c mama at napamulat ako, wala na xa. Tumakbo ako papasok sa bahay at
        
       
hinanap si mama sabay akap sa kanya..
        
       
sobrang naginginig kaya nagtaka siya.. nang nagtanong siya kung ano nangyari,Ikunwento ko, naniwala naman siya dahil hindi na raw iyon bago dito sa amin.. hindi rin ako nakatulog ng ilang gabi. Hinding hindi ko iyon makakalimutan.

        
       

(Marami pa po akong is-share na short BUT TRUE horror stories based on real people)..
hope you liked it :)

TRUE HORROR STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon