kasambahay

579 5 0
                                    


        
       
This story is about our House somewhere in Bicol. Tho, yung lugar namin is hindi ganun ka puno. Pero lahat ng nakatira sa bahay namin ay nakakaramdam ng kakaiba. Kahit yung mga nakikitulog lang, nakikinood ng tv o nakikitambay lang. Hindi naman to nakakatakot. Pero totoo to. Share lang kumbaga Hahaha

        
       

Sabi ng mama ko, nagsimula daw magpakita ang mga YUN sa amin simula nung maputol ang Malaking puno ng Manga dahil sa bagyong Sisang. Yun siguro ang tirahan nila dati kaya nung naputol biglang lumipat sa bahay namin. Laging kinukwento sakin ng Kapatid ko na may dumadalaw sakanya na babaeng napaka puti. Pero hindi daw niya nakikita mukha nito. Para daw siyang gustong isama sa lugar nila. Minsan daw ay may sumusundo sa kanya, kaya ginagawa niya ay tinatadyakan niya ang panganay kong kapatid para magising. One time, dinalaw siya nung babaeng napaka puti, may kasamang lalake, parang iniimbitahan siya sa kasal ng dalawa. Nag iwan pa ng puting rosas. Pag gising niya hinanap niya yung puting rosas, pero wala siyang makita. Mag mula noon, di na nagpakita sakanya yung babaeng naka puti..

        
       

Maging ako ay laging nakakakita sa aming bahay.Mapa kaluluwang ligaw man yan o Engkanto. Madalas akong dalawin ng engkanto na nakatira sa Puno ng santol sa likod ng bahay namin. Hindi naman siya nananakit, parang binabantayan niya lang ako. Minsan may
        
       
  dala pa siyang puting rosas. Lagi siyang naka upo sa lamesa na katapat ng higaan ko, naka sideview lang, never ko pang nakita yung buong mukha niya. Minsan, nararamdman kong katabi ko siya sa pag tulog. Yung tipong parang nalubog yung kama mo siempre ramdam mo yun diba? Halos gabi gabi siyang nandun. Naalarma lang ang aking kapatid ng magpakita sakanya sa panaginip ang lalake at nagpapaalam na manligaw sakin. Pero ayaw ni ate kaya pinatawas agad ako.
Nakapunta na ako sa Lugar nila, puro Ginto ang nakapalibot, napaka gandang lugar. natakot ang nanay ko na baka daw kuhanin ako. Kaya pina punta niya ako sa Batangas para makaiwas. Napapanaginipan ko parin naman siya, pero hindi na ganun kadalas. Kada uwi ko ng bicol ay Para nila akong sinasalubong.

        
       

Hindi naman sila mapanakit, lagi na lang tayong magpasintabi kahit saan tayo magpunta.

TRUE HORROR STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon