"Paglimot"

9 1 0
                                    

Gusto kong kalimutan ka,
Ngunit hindi ko nga alam kung saan magsisimula,
Tuwing kasama kita lahat bumabalik sa umpisa,
Puso ko ay nagagalak sa tuwa Pag-aalinlangan sa isip ko ay parang bulang nawawala,
Sabihin mo kung paano!
Paano mo nagagawang lituhin ang puso't utak ko!
Paano ko mapipigilan ang nadarama ko? Alam ko ito'y walang patutunguhan, Maliban sa sakit at purong kalungkutan, Dahil iyo ito'y hindi masusuklian,
Kaya't sana sabihin mo kung paano ito matutuldukan.

PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon