Unang kita ko palang sayo,
Atensyon ko ay napukaw mo,
Kaya't di na ko nag-aksaya ng oras at agad kong inalam ang lahat ng tungkol sayo.
Ako'y walang pag-aalinlangang nakipagka-ibigan,
Dala ang pag-asang nararamdaman ko ay iyong masuklian ,
Di man ngayon,
Malay mo dumating din ang tamang panahon.
Ito man ay walang kasiguraduhan,
Puso ko naman ay patuloy na lumalaban,
Sa isip ko nakatatak ang mga katagang "di kita susukuan".