Mahal kita, dalawang salita.
Ipinapaliwanag aking nadarama, makikita mo sa aking mga mata ngunit di ko masasabi sayo sa salita.
Mahal kita, kaya wag mag taka kung ako sayo'y handang magpaka-tanga, at pikit matang susuportahan kang magmahal ng iba.
Masaktan man, bahala na dahil mahal kita.Mahal kita, kaya't maging masaya ka lang okey na, kahit kapalit nito'y aking pagdurusa.
Mahal kita wala ng tanong-tanong pa, kung bakit, paano at kailan pa ito nagsimula. Dahil maski ako di ko alam ang sagot sa tanong na "bakit mahal kita?"