Ayoko na

2 0 0
                                    

Isa,
Dalawa
Tatlo
Tama na
Ayoko na
Di ko na kaya.

Tanga
Bobo
Walangkwenta
Walanghiya
Mga salitang paulit-ulit lumalabas sa inyong mga bibig,
Sa utak ko ay nakatanim at nagdudulot ng dilim,
Sa puso ko ay uti-uting bumabaon tila mga patalim.
Nagdadala ng walang katumbas na sakit sa aking damdamin

Bawat kumpas ng inyong kamay na tila latigong nag-iiwan ng marka sa aking kaluluwa,
pilat sa aking puso,
bangungot na habang buhay na sa aking ala-ala.

Pagkatakot ay nanunuot sa aking buong pagkatao,
Lungkot at galit namamahay sa aking puso
Hanggang aking isipan ay unti-unti ng nagiging blangko,
Dumating na ang punto kung saan ako'y sumuko,

Marahang kinuha ang patalim sa harapan ko,
Walang pag-aatubiling isinaksak sa aking puso,
Munting ngiti sumilay sa aking labi sa huling sandali,
Malaya na ko rito na magwawakas ang lahat nang hinagpis ng aking puso.

PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon