Hintay

19 2 0
                                    

Maghihintay. Naghihintay. Naghintay.

Hintay.. isang salitang maraming nakaugnay
Hintay sapagkat kailangan kong magpahinga
Hintay 'pagkat ako ay pagod na
Isang salitang hindi ko nasabi kahit kailan
Sa kadahilanang akala ko ay masasabayan ko ang lahat.

Maghihintay.. isang pandiwang akala ko ay magagawa nating dalawa
Pero ikaw lang ang nakagawa
Dahil hindi ko pala kaya
Natakot sa ideyang bigla ka na namang mawawala
Nang hindi alam ang dahilan at parang isang bula

Naghihintay.. naghihintay ako na magbalik ang nakaraan
Kung saan ang mga ngiti sa ating labi ay 'sing liwanag ng araw sa umaga,
Kung saan ang bawat halakhak na inilalabas ay tila ba isang oyayi sa pandinig,
Kung saan ang bawat kislap sa mga mata tuwing nakatingin ay tila ba isang bituin mula sa langit

Naghintay.. ipapasawalang-bahala ang atrebidong posibilidad
Na masama sa samahang naghintay sa wala
'Pagkat kung sayo lang rin naman,
Walang masasayang dahil karapatdapat lang sa lahat.

All for YouWhere stories live. Discover now