Yunde's Point Of View
Tapos ng magpakilala yung Rathke.
At kami?
Heto't nasa labas parin. Naghihintay ng grasya. -___-
Naku, nakakainis si kuya. Niyayaya ko siyang pumasok sa classroom pero ayun.
Hindi ako pinakikinggan. Kainis talaga. Ang init paman din. ><
Kanina lang atat na atat s'yang pumasok. Tapos ngayon parang dumikit naman ang mga paa nya sa kinakatayuan namin.
Maya-maya pa hindi ko namalayan na nasa harapan na pala namin yung teacher.
"You are?" tanong niya samin.
Napatingin ako kay teacher.
Bigla namang natauhan si Kuya pagkarinig kay Ma'am.
"Good morning, Ma'am. Is this the room of 4-Prosperity?" tanong ni Kuya sakanya.
"Yes. Bagong estudyante din ba kayo ng 4-Prosperity?"
"Yes, Ma'am." sagot ni Kuya.
"Why are you late? Hindi n'yo ba alam ang tamang oras ng pagpasok?" medyo galit na tanong ni Ma'am samin.
"I'm sorry, Ma'am. May kinuha pa po kasi kami sa dati naming school. At kinausap pa po kami ng Principal dito. Kaya medyo nalate po." pagpapaliwanag ni Kuya.
Mabuti nalang at magaling s'yang magdahilan.
"Ok, come in. Then introduce yourselves." sabi ni Ma'am.
Pumasok na kami. At gaya ng sinabi n'ya, magpapakilala kami. Nakatayo kami ngayon sa harapan.
"Class. Tahimik na. May bago pa kayong kaklase na magpapakilala." saway ni Ma'am sa mga magiging classmates namin.
"Hello. My name Youfuqui James Sandoval." pagpapakilala ni Kuya sa sarili n'ya.
After nyang magpakilala ay binigyan nya ako ng 'magpakilala kana' look.
"Hi! Ako po si Xingyunde Princess Himenez." pagpapakilala ko.
Hindi pareho ang surmpname namin ni Kuya. Hindi kasi kami magkapatid sa Ama. Matanda ng tatlong taon sakin si Kuya. Nagstop kasi s'ya ng 2years sa pag-aaral nung grade 5 s'ya kaya magkabatch kami ngayon. Pero matalino yang si Kuya. Nasa top s'ya lagi. Unlike me. -___-
"Okay, by the way I am your english teacher and adviser. I am Mrs. Rodriguez." sabi ni Ma'am "May vacant chairs pa sa may bandang likod. Pansamantala, doon na muna kayo maupo. Bukas natin aayusin ang permanent seats ninyo."