TEASER

500 16 7
                                    

TEASER

Yunde's Point Of View

"Yunde .." humarap ako sa likod ko at hinanap ang tumawag skin.

Si Jenny pala. A friend of mine.

"Wait lang guys ah.." sabi ko sa mga kateam mates ko.

After that, lumapit ako kay Jenny na nasa may 'di kalayuan samin.

"Why ?" tanong ko sakanya .

Humugot muna siya ng malalim na hininga, halatang pagod na pagod. Siguro dala narin ng pagtakbo nya.

"May nagpapatawag sayo. *sigh* There, sa rooftop. *sigh* Punta ka daw dun." she said with a tired voice .. Halatang pagod na pagod nga, hawak-hawak n'ya dibdib nya habang sinasabi yon.

Wait, sino naman yung nagpapatawag na yun ? 'Bat kailangan sa rooftop pa ?

"Who's that?" I asked.

Nagkibit balikat lamang s'ya.

"Tsk. Tell-- him? or her?.. Basta, kung sino man siya... Sabihin mo busy ako.." I said.

Yes, it's true. I'm busy , kailangan pa naming magpractice for our incoming Volleyball Tournament..

Tumalikod nako at nag-umpisa ng maglakad pabalik sa mga kateam mates ko na naglalaro ng volleball.

"YUNDE !!"

Someone called me. So napatigil ako sa paglalakad.

That voice. I know him. Bakit siya nandito? What is he doing here ?

Dahan-dahan akong lumingon sakanya.

At nang pagharap ko, nakita ko ang galit sa mga mata nya.

Lumakad sya ng mabagal papalapit sakin habang titig na titig parin sa mga mata ko.

"We have to talk." he said coldly.

I don't know why, pero napatango nalang ako pagkasabi n'ya nun.

Tumalikod na siya at nagsimula nang maglakad.

Sinundan ko lang s'ya.

Habang naglalakad nakatingin lang ako sa likod niya, hindi ko maiwasang mapaisip sa kung anong ginagawa niya dito.

Kinakabahan ako, I think, something bad will happen.

Maya-maya pa ay hindi ko namalayang nandito na pala kami sa rooftop.

Nakatayo lang kami but this time nakaharap na ulit siya sakin. Kung kanina ay galit ang nakikita kong ekspresyon sa mga mata n'ya, ngayon naman ay wala na akong mabasang ekspresyon sa mukha nya. I thought there is something wrong.

Nagtititigan lang kami. As if nagkakaintindihan na kami sa mga titig nato.

It takes a few seconds na wala ni isa samin ang nagsasalita when someones broke the ice..

"Ano ba ? Haha, ayoko na.. Pagod na ako..."

Napatingin kaming dalawa sa babaeng tumatakbo..

"No baby, we're not yet done. Hahaha. Humanda ka pag nahabol kita." sabi nung guy na humahabol sakanya.

Maya-maya pa ay nahabol na n'ya ang babae at pinagkikiliti nya ito.

"Hey, st-- hihihi... Stop it !" the girl said habang humahagikgik ..

"Sabihin mo muna na Mahal mo ako." the boy said habang kinikiliti parin si girl.

"Ok Ok... hihihi.. Mahal MO ko." -girl

"tsss, wag pilosopo babe.." sabi nung guy sabay pout . Pinagkikiliti ulit nya si girl.

"Hihihi... Hihihi... Hihi---"

"YOU TWO!!! GET LOST !!"

Nagulat ako sa pagsigaw na nasa harapan ko.

Natigilan sa pagkikilitian yung dalawa at sabay na napaharap sakanya.

Galit nanaman s'ya. :////

"Sino ka para pagsabihan kami ng ganyan, pre ?" tanong nung lalaki.

He just stare at that guy. Yung tingin na parang anytime manununtok s'ya.

The guy smirk, "Eh, g*go ka pala eh.."

Akmang susugod na sana yung guy sakanya, pero hinarangan ko siya.

"Please, pagpasensyahan mo na.. We don't need war.." sabi ko sabay yuko, "Sorry .."

"Oh, Yunde.. Ikaw pala.. Sige, pagbibigyan ko siya, pero pagsabihan mo yang kasama mo... Masyadong maangas.." sabi nung guy. At niyaya na n'yang bumaba ng rooftop yung girl na kaharutan n'ya.

Buti kilala n'ya ako, kung hindi ay gulo na ang aabutin namin.

Hinarap ko na siyang muli, "B-Bakit nandito k-ka nga pala?" tanong ko.

"Maghiwalay na tayo. We have to end up our relationship. " he said..

Natigilan ako sa sinabi nya. Parang nanlambot bigla ang mga tuhod ko.

Maghiwalay? End up our relationship?

Ganun nalang ba kadali para sakanya yon?

Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. Hindi ko s'ya kayang tanungin kung bakit.

Natatakot ako. Ayoko. Please. Ayoko.

Hindi sya nakatingin sakin habang sinasabi n'ya yon. May galit parin sa mga mata n'ya.

Naninikip ang dibdib ko pag nakikita ko syang ganyan.

"Hindi totoong naaalala na kita. Nagsinungaling ako sayo. Sinabi kong naalala na kita kahit na ang totoo ay di talaga kita maalala. Hindi kita mahal at hindi ko alam kung bakit minahal kita noon." sabi n'ya habang nakaiwas ang tingin n'ya sakin.

Hindi. Hindi totoo yan. Please. Bawiin mo ang sinabi mo. Magaling kana e. Naaalala mo na ko. Bakit mo ginagawa to? Ano ba talagang nangyari?

Umiiling lang ako. Hindi ko mapigilan ang iyak ko. Hindi parin ako makapagsalita. Hindi ko kaya.

"Kalimutan mo na ako. Hindi ako ang kailangan mo at hindi ikaw ang kailangan ko. Tapusin na natin to. Ayaw ko sayo."

Iyon ang huli nyang sinabi bago sya umalis. Lalo akong napahagulgol sa sinabi n'yang yon. Wala na. Wala naba talaga?

Akala ko ba hindi s'ya magsasawang mahalin ako? So, all this time pala nagpapaniwala nanaman ako sa isang lalaki na magagawa din pala ako saktan ng ganito.

Napaupo nalang ako sa sobrang panlalambot. Hindi ko maintindihan. Bakit ngayon pa? Kung kailan naayos ko na ang lahat. Bakit ngayon pa kung kailan natututuhan ko na s'yang mahalin? Kung kailan natutuhan ko na ulit magtiwala. BAKIT?

-END OF TEASER-

NO MORE TEARS (A Cotton Turns into A Hard Rock)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon