CHAPTER 5
SCARED TO LOVE YOU
Lord Friam POV
“Sarap mo babe.” Bulong ko sa taenga niya pagkatapos kong gawin ang dahilan ng kanyang pagkabigla. Sabay tawa ko ng marahan bago tumalikod.
What a sweet revenge…yun ang nasa isip ko habang naglalakad palayo sa mga babaeng iyon.
Matapos ang halik na iyon sigurado ako sa sarili ko na hindi pa dun matatapos ang gulo sa pagitan naming dalawa. Alam ko na sa susunod naming pagkikita ay higit pa ang kanyang gagawin kumpara sa ginawa niyang pagsira sa kotse ko. Isang paghihiganti na manggagaling sa kanya. Alam kong hindi rin magpapatalo ang isang iyon. Makikitaan sa kanya ang pagiging isang palaban.
Hanep ang babaeng iyon. Talagang pinabibilib niya ako. Ngayon lang ako nakaranas ng ganito. At ang nakakatuwa pa dun ay isang babae pa ang naglakas ng loob na kalabanin ako.
Dumiretso ako sa susunod kong klase. May isa pa kasi kaming subject bago pa ang mag-uwian pero bago pa man iyon ay tinawagan ko ang aking alalay para ayusin kung ano man ang nangyari sa aking kotse.
Habang naglalakad ako pabalik sa klasrum ay may pumasok na ideya sa akin. Isang plano. Plano kung paano ako makakaganti sa babaeng yun. Khalifa Zchire a.k.a. ZK Shaeka – it’s my turn to give you my sweetest revenge. At napangiti ako sa naiisip kong plano.
Umpisa pa lang ito….
Siguro nagtataka kayo bakit alam ko ang pangalan niya…pwes sa akin na lang iyon.
After the class…
Pinagplanuhan ko na ang susunod kong hakbang para sa tinatawag kong OPERATION: REVENGE 1.0. Kakaiba man tingnan at isipin kung ano man itong aking gagawin but I found an unexplainable feelings within me.TOTOO. WALANG HALONG PAGHIHIGANTI. BUT only a PURE HAPPINESS. Iba yung feeling na kahit ako I can’t even explain to myself what feeling is this. First time lang na nangyari ito sa buong buhay ko. FIRST TIME.
P-ucha nakakabading man tingnan kung ano ang naiisip kong ipangalan sa aking plano. OPERATION: REVENGE 1.0 na ito pero ito ang naisip ko eh. Parang natagpuan ko ang sarili ko na mag-eenjoy ako sa larong ito.
More thrilling and more Exciting lalo pa ang kalaro ko ang hindi lamang isang simpleng babae, hindi pipitsugin. Ito ay PALABAN. HINDI MAGPAPATALO. An extra-ordinary girl in town.
“Bakit tila masayang masaya ka pa ngayon. Nakakapagtaka ka. Imbes na ngayon ay naghuhuramentado ka dahil sa nangyari sa kotse mo eh ngayon ay nakangiti ka pa.” sabi ni Jan na lumapit sa aking tabi na kanina pa pala ako pinagmamasdan dahil sa kakaiba kong kilos.
“Hindi ko nga rin alam eh. Basta iba ang pakiramdam ko. Siguro dahil makakaganti na rin ako sa babaeng yun. Papaligayahin ko siya sa sarili kong mga kamay hanggang siya ay magmakaawa sa akin.”tugon ko habang may nakaplaster na makahulugang ngiti sa aking mga labi.