CHAPTER 2
SCARED TO LOVE YOU
KHALIFA POVs
Tinungo ko ang kinapaparadahan ng kotseng naging dahilan ng pagkasira ng mood ko sa araw na iyon. Nakita ko ang pagbaba ng isang maskuladong lalaki. Habang palapit ako ng palapit sa kanyang kinaroroonan ay malaya ko pang napagmasdan ang kanyang kabuuan. May pagkatsinito ang kanyang mga mata. Mga matang ang sarap titigan. Mga matang makapangyarihan. Ang kanyang kilay na malalantik ay mas lalong nakapagbigay ng kakaibang aura at nakadagdag sa kanya ng kakaibang karisma.
Ang ilong...ayyyyyyy goshhhh!!!! lumalabas ang kakeringkingan ko nito sa lalaki eh.
Bongga ang ilong!!!!
Ang tangos.
Perfect.
Ang sarap. Malinamnam. Manamis-namis....Sarap higupin......
YAyyy Ano ba yan diri lang ang peg ko. ILONG??? Masarap.....Ayieehh!!!! Yukkssss!!!Ano ba yan. Anong sarap higupin???? Pero bakit ba ilong ang napagtripan ko. Parang kaiba naman. Bakit ganun eh alam ko sa sarili ko mas inlove ako sa mga tsinitong mata. Dahhhh....hindi naman mga intsik huh.
Speaking of mata....Nakatitig siya sa akin. Gosshhhhh!!!! Ako ba talaga. Ako ba talaga ang tinitigan niya. Sa akin ba talaga siya nakatitig. Eiiiiiii hindi ko na ito kaya. Pik!!!! Pak!!!! Boom!!!!.Talbog ang puso sa balon.
Infairness ang gwapo niya. Sa tagal ko na ditong nag-aaral sa University ay ngayon ko lang nakita ang lalaking ito.
Gosshhhhhh!!! Ang gwapo niya.
Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Ehhhh kinikilig ba ako. Aysus....dyusmiyo Marimar Mercedes napapasayaw ako ang puso kong virgin. Waahhhhhhh!!!!!!!!!! Ano ba itong nararamdaman ko. Para namang lumalabas na manyak ako sa mga pinagsasabi ko at naiisip ko. Diri lang ang peg. Bakit ba ako nakakaramdam ng ganito. ???
Ang humanga sa lalaki.
Napatingin ulit ako sa kanya.
Napansin ko naman ang kanyang labi. Goshhhh!!!!! Hindi ko na talaga kaya ito. Parang yung panty ko lumuwag...Aisssssttttt! Noh ba yan. Ramdam ko parang kumapal ang mukha ko sa mga naiisip ko. Dahhhh! Bakit ba ako nagiging ganito.
Sh*ttttt!!! Labi mo bagay sa labi ko sigaw ng puso ko (@________@) Ay ramdam ko parang namula ang mukha ko sa mga pinagsasabi ko sa sarili ko.
“Hindi” Sabay iling.
Hindi ko pwede maramdaman ang feeling na ito. Hindi ako dapat nagkakaganito. ANg humanga sa lalaking antipatiko. I know who I am. Matapang ako. Mataas ang quality standards ko pwedeng i-register sa ISO. Saka hindi ako dapat ganito...I mean Hindi dapat ako nagkakaganito para lamang sa isang lalaki.