CHAPTER 6
SCARED TO LOVE YOU
Khalifa POV
After a week, muling nagpatuloy ang ikot ng mundo ko. Tuluyan na ring nawala sa isipan ko ang lahat ng nangyari sa akin sa unang araw ng pasukan sa semester na iyon. Grabe, I CAN'T really imagined up to now na naging ganun kagrabe ang mga nagyari sa first day of school para sa semester na ito. (A/N: Ako nga rin sa sarili ko eh, Nalito at nagulat ng bonggang bongga sa flow ng story ko. Biruin mo mula Chapter 1 up to Chapter 5 , lahat ng happenings dun nangyari lamang sa loob ng isang araw.Boom! paneess!!! Hihihi) And until this moment, clueless pa rin ako kung sino ang may pakana nun. Kung sino ang may lakas ng loob para gawin ang isang walang kwentang pangtitrip sa akin-ang kidnapin ako at idala sa isang lugar tapos iiwanan. Nakakapanggigil!
Hindi na rin ako nagkaroon pa ng panahon para ipagpatuloy ang aking naisip na plano para sa lalaking iyon na nagnakaw sa akin ng aking first kiss. Pero syempre hindi ako makakapayag na hindi ako makakaganti sa lalaking iyon. He needs to pay for what he did to me. Isang malaking pagyurak sa aking pagkatao yun. Kahit pa sabihin na iba yung pakiramdam ko kapag nakikita ko ang lalaki na iyon.
After the class in the morning, dumiresto na ako sa may library. Doon na lang siguro ako magpapalipas ng oras habang hinihintay ang susunod pang mga subjects ko para sa araw na iyon. Ayaw ko naman tumambay sa cafeteria baka magmukha lang akong tanga dun, nakaupo lang mag-isa, so it’s better na nasa library na lang at nang makapagbasa-basa pa ako. Hindi kasi pumasok ang dalawa kong frends for I don’t know things na inaasikaso nila kaya mag-isa ako ngayon.
Pagdating ko sa library, nagfill-up ako ng forms para makagamit ako ng aklat. After nun tinungo ko na ang mga lagayan ng mga historical books. Yun kasi ang favorite past time ko. Magbasa ng mga historical books.
Palibhasa hindi naman masyadong nagagamit ang mga books na iyon ay nakalagay iyon sa may pinakasulok na. Wala masyadong mga students na nagagawi dun kaya medyo tahimik. Kaso, yun nga lang hindi maalis sa akin na baka may magparamdam sa akin na multo dun. Hahaha sa katanghalian ganito ang naiisip ko , Ano ba yan. Kahit naman kasi at my age right now natatakot pa rin ako sa mga multo multo na iyan.
Naghahanap na ako sa mga nakasalansan na mga books sa mga estante na pwede kong basahin, marami naman ako nakita ngunit wala pa rin ako mapili. Kaya sa paghahanap ko ay mas lalo akong napadpad pa dun sa pinakasulok.
Pagliko ko para pumunta pa sa isang bookshelf ay napatigil ako sa aking nakita. I found something…ohh I’m wrong…it’s not something…I found someone lying on the floor. Natatabingan ng isang estante ng libro ang kanyang ulo kaya hindi ko marecognized kung sino ang lalaki na iyon. Yeah lalaki ang nakita ko.
Lumapit ako ng bahagya para tingnan ng maigi. Kasi there is something within me na nagsasabi para usisain ng mabuti kung sino yun. Kung buhay pa ba or patay na. Hindi ko pa rin nakikita ang kanyang mukha. Mukha kasing hindi gumagalaw.
Lumingon-lingon ako sa paligid kung meron ba na mga estudyante ang nagawi malapit sa kinaroroonan ko. Wala naman ako nakita. Tahimik ang bahaging iyon ng library.
