Khalifa PoVs
Kanino kaya ang cellphone na ito? Bakit merong ganito sa loob ng bag ko. Wala naman akong matandaan na meron akong ganito o kaya ay merong tao na nagbigay ng ganito sa akin. Patuloy sa pag-ring ang aparatong nasa kamay ko. Nag-aalangan ako kung sasagutin ko ba iyon o hindi. Nagtatalo ang isip ko at ang puso kung sasagutin ko ba….
Puso: oo.... (maya ito na pala ang destiny ko.)
Isip: hindi... (maya rapist yan o kaya ay manloloko mapagtripan pa ang brain cells ko.)
oo....
hindi....
oo....
Goshhhh.......bakit ko ba pinapahirapan ang sarili ko para lamang dito. I'm matured enough para sa ganitong childish thing. Ehhh ano ba mangyayari sa akin kung sasagutin ko ito diba.
Dali-dali kung ini-slide ang key para masagot ang tawag. Gusto ko rin malaman at makatiyak kung bakit tumatawag ang number ko sa phone na hawak ko. Nasaan ang cellphone ko at sino ang gumagamit nun.
"hello."
Pinakinggan ko nang mabuti ang linya para mabosesan ko kung sino ang tumatawag sa akin. Pero lumipas pa ang ilang segundo ay wala akong marinig sa kabilang linya. Naiirita na ako. Mukha yata na pinagtitripan lang ako nito.
"hello?"pasigaw kong tono.
"hello!"pag-uulit ko na may halo nang pagkairita talaga.
"hello...kung sino ka man pwede ba magsalita ka. Wala akong panahon para makipagbiruan sa iyo. Kung wala kang magawa sa buhay mo… lunurin mo ang sarili mo sa isang timba na may lamang tubig o kaya languyin mo ang isang tabong may tubig… baliw ka ba hah at wala kang magawang tama....wala kang nagagawa sa iyong kapwa na maganda." galit kong sigaw habang hawak ang cellphone, pressing the end active call ang sinunod kong ginawa.
GrrrRrrr kakainis. Uminit na naman ang ulo ko. Hindi pa ako nakakaget-over dahil sa mga nangyari kanina sa school. Sa pamamahiya ng walang modo slash manyak slash pangit ng ugali slash gwapo------(@-@) bakit nasali yun--- back space... back space... back space... ulit ulit..... walang modo slash manyak slash pangit ang ugali slash feeling gwapo slash antipatiko. Grabe talaga... kanina ko lang naranasan ang sobrang pagkapahiya ng ganun at dahil pa yun sa lalaking yun. Hinding-hindi ko siya mapapatawad everrrrr!!!!!
Pagdating sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Pagod ako at feeling naiirita sa mga nangyari . I need to take some rest. Need ko ng pahinga ng bonggang bongga…
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay inihagis ko ang bag at iba ko pang mga gamit sa kama. Itinapon ko na rin kung saan ang cellphone na hawak ko. Wala akong pakialam kung mabasag yun o masira. Kaya ko naman palitan yun kahil ilang units pa.