The next day...
Nagmamadaling makalabas ng kotse si Cara.
Cara: (kay Enya) Bye, ate! (kay Shelley) Bye, ate!
Enya: Wait, wait, wait! Why are you so hyper today?
Cara: (ngumiti at tumingala sa langit) Because the sky’s so beautiful today.. (lumapit kay Shelley na kakalabas lang ng kotse) Ate, cheer up!
Shelley: What happened to you, Cara? Sinaniban ka ba ng kung ano?
Cara: Ito naman oh! Gusto ko lang mapasaya kita, minamasama mo naman.
Enya: Oh sige. Mauna na ako ha? Goodluck!
Cara/Shelley: Bye, ate!
Sabay sila naglakad papuntang main building ng school. Sa hallway, nakita ni Cara si Renz na mukhang may inaabangan.
Cara: Renz!
Renz: (smiling) Cara! Good morning! Heto nga pala iyong notebook mo. (sabay abot ng isang notebook). Thanks!
Cara: You’re welcome. Ah! Ate, this is Renz.. my classmate... Renz, this is my ate Shelley.
Natulala si Renz kay Shelley. Napansin iyon ni Cara.
Cara: Uhm.. Renz?
Renz: Ha?
Shelley: (ngumiti kay Renz, flirtatiously) Nice meeting you, Renz. See you later, Care!
Lumakad palayo si Shelley. Hinahabol siya ng tingin ni Renz. Maya maya, hinampas siya ni Cara ng notebook sa braso.
Renz: Hey! What was that for?
Cara: May gusto ka ba sa ate ko? (kumunot ang noo)
Renz: What?! Oh c’mon. She’s older than me.
Cara: Eh kasi titig na titig ka sa kanya.
Renz: She looks familiar eh. Parang nakita ko na siya dati.
Cara rolled her eyes. Akala mo lang iyon, gusto niya sabihin.
Cara: Tara na nga! Baka ma-late pa tayo.
Renz: Teka, nagseselos ka ba?
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Cara. Napahinto siya sa paglalakad. Suddenly, tumawa siya ng malakas.
Cara: Hahaha! Hahaha!
Renz: Oh bakit ka tumatawa?
Cara: Renz, kakakilala lang natin kahapon. Wag kang assuming. Tara na nga!
Hindi naka-imik si Renz. Sinundan niya nalang si Cara papunta sa classroom.
---
Samantala, sa 4-A Tourism classroom, maingay.. nagkwekwentuhan ang iba.. pero si Ralph hindi mapalagay. Hindi niya alam kung paano haharapin si Shelley kung sakaling magkita sila ulit.
Steph: Hey, Shell!
Napatingin si Ralph kay Shelley na nasa labas ng pinto. Kumaway ito kay Steph. May nakaakbay na lalake sa dalaga. Nagdadalawang isip si Ralph na ilayo ang tingin niya pero hindi niya magawa. Nakitang niyang nakangiti si Shelley habang kausap ang lalake. Maya maya, hinalikan siya ng lalake sa pisngi at biglang umalis. Sa pagkakataong iyon, gusto ni Ralph magwala.
Pumasok si Shelley sa classroom at umupo sa harap ni Steph.
Steph: Hey, girl! Sino iyon? Iyong kasama mo kanina.
Shelley: Ah.. si Mike, ka-year natin.
Kent: Oh! Siya ba iyong MVP ng basketball team?
Shelley: Yup!
Steph: Ikaw na maganda!
Shelley: Mana lang sa iyo.
Nagtawanan ang magkaibigan. Hindi kinausap ni Shelley si Ralph buong araw. She acted na parang walang “Ralph Park” sa school na iyon.
Nang pauwi na ang mga estudyante, narinig ni Ralph ang isang usapan habang naglalakad malapit sa Locker Room ng basketball team.
Mike: Finally!
Justin: So talagang nakuha mo na si Shelley Han?
Tumigil si Ralph sa paglalakad at pinakinggan ang mga boses na nanggagaling sa loob ng Locker Room.
Mike: Oo naman! I also kissed her.
Dan: Talaga? Sa lips?
Mike: Hindi. Sa cheeks lang.
Dan: Hindi iyon magpapahalik sa lips kahit anong gawin mo.
Mike: Paano mo nasabi?
Dan: Naging kami for a week. That was last year. She told me that I should never kiss her on the lips.
Mike/Justin: What?!
Mike: Naging kayo?
Justin: Ganun ba talaga siya ka-play girl? Ang dami na niyang naging boyfriend sa school na ito.
Hindi matiis ni Ralph ang kanyang narinig. Pumasok siya sa Locker Room. Nakita niya ang tatlong lalake.
Ralph: Don’t you ever call Shelley a playgirl!
Justin: Teka, sino ka ba? This room is restricted for the basketball team. At isa pa, known playgirl si Shelley sa school na ito. Hindi mo ba iyon alam?
Ralph: Wag kayong mag-judge ng hindi niyo alam ang totoo.
Dan: Bakit? Ano bang totoo? Pa-iba iba naman talaga siya ng boyfriends.
Mike: (tinignan mabuti si Ralph) You’re the transferee. Classmate mo si Shelley, diba?
Ralph: So?
Mike: Classmate ka lang. Ako boyfriend niya. Ano bang pakialam mo?
Lumapit si Mike kay Ralph.
Mike: Or baka gusto mo din siya? Too bad. Hindi niya ako ibe-break. I’ll make sure of it.
Ralph: You look like you don’t love her.
Mike: That’s true! I don’t love her. Maganda at sexy lang siya. Pag na-inlove siya sa akin, dun ko siya ibe-break.
Ralph: So, lolokohin mo lang siya?
Mike: Dude, mas worst pa nga ang ginagawa niya sa mga nagiging boyfriend niya. May kilala akong ex niya na niligawan siya ng ilang months. Naging sila. Tuwang tuwa yung lalake. Then, after a day, brineak niya lang.
Ralph: Lolokohin mo siya dahil dun?
Mike: Let’s just say.. it will be a sweet revenge, in behalf of all the guys she hurt.
Ralph: (shaking his head) You’re crazy.
Biglang sinuntok ni Ralph si Mike at tumakbo palabas ng Locker Room.
Ralph: Gusto mo ng revenge? Yan! Para sa iyo.
----------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Studies, Career or Lovelife?
RomantikStudies, Career or Lovelife? What will you choose? This is a story about the Han sisters: * Enya - the hard-working secretary * Shelley - the popular play girl * Cara - the sweet and studious sister Each of them have their own priorities.
