Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are either products of my imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental. Enjoy reading!
**********************
KRIIING!!! KRIIIIING!!! Malakas ang tunog ng alarm pero hindi pa rin bumabangon si Shelley. Bigla niyang narinig ang sunod sunod na katok sa bedroom door niya.
Enya: Shelley! Shelley, anong oras na oh! Male-late na kayo for school.
Hindi pa rin bumangon si Shelley. Pumasok si Enya sa kwarto at nagulat sa kanyang nakita.
Enya: What the?! Shelley, ang kalat ng kwarto mo. Ano bang pinaggagagawa mo?
Lumapit si Enya sa kanya. Nakita niya ang sirang makeup sa mukha ng kanyang kapatid. Ginising niya si Shelley.
Enya: Shelley! Pag hindi ka pa rin bumangon at nag prepare, wala kang allowance for a week!
Napadilat si Shelley at biglang bumangon. Dumeretso siya agad sa bathroom. Napansin ni Enya ang suot ng kapatid. Fitted green dress. Bumaba siya at pumunta sa dining room kung saan naroon ang bunso nilang kapatid na si Cara.
Enya: Care, do you know what happened to Shelley? Nung ginising ko siya, naka makeup siya at naka party dress. Ang gulo pa ng room niya.
Cara: Ah! Nag-bar na naman siguro. Kagabi napasilip ako mula sa bedroom ko at nakita ko siya kakauwi lang eh... Wait.. hindi pala gabi yun.. kaninang 2AM lang.
Enya: Umaabuso na naman si Shelley ahh.
Pagkalipas ng 15 minutes, bumaba na si Shelley sa dining room. Nakaligo na at nakabihis. Kumuha siya ng toasted bread at nagsimulang kumain.
Enya: Shelley, late ka na naman umuwi. Bakit ka pumupunta sa bar eh alam mong first day of school ngayon?
Shelley: (humarap kay Cara) Sinabi mo, Care?!
Cara: Tinanong ni ate eh!
Enya: Well, kahit di ko naman tanungin, halata naman sa hitsura mo kanina. Makeup at naka-dress pa. Alagaan mo naman ang sarili mo, Shelley. Alam mong dangerous umuwi ng ganung oras. Babae ka.
Hindi pinansin ni Shelley si Enya. Kumain siya ng salad at tinignan si Cara na nagbabasa ng makapal na book.
Shelley: Graduating ka na ba? First day of school tapos nag aaral ka na.
Cara: Advance reading lang sa Basic Math.
Shelley: Hay naku. Kung laging ganyan, mababasa mo lahat ang books sa library. Wag kang palaging lalapit sa akin sa school ha. Baka kumalat na ako ang ate ng isang 1st year nerd.
Cara: Sure! Ayaw ko din naman masabihan na kapatid ako ng isang 4th year play girl.
Shelley: Anong sabi mo?!
Cara: Wala.. sabi ko lang maganda ka.
Shelley: Haha. Thanks! I know that already.
Enya: Bilisan niyo na kumain. May work din ako.
30 minutes later... sa Brighton University.
Enya: Shelley, sabay kayo ni Cara mag lunch. Sunduin ko kayo ng mga 5PM ha.
Shelley: Whatever. (sabay bukas ng car door at lumabas)
BINABASA MO ANG
Studies, Career or Lovelife?
RomanceStudies, Career or Lovelife? What will you choose? This is a story about the Han sisters: * Enya - the hard-working secretary * Shelley - the popular play girl * Cara - the sweet and studious sister Each of them have their own priorities.