Erotic 14

3.3K 9 1
                                    

Viena's POV

Present.. (2018)

Napa buntong hininga ako ng manumbalik sa akin ang itsura ni Karma at nung babaeng kasama niya na lokohin ako.

Sariwa pa sa alaala ko ang mga nangyari matapos ang gabi'ng yon.

I went back to the Philippines right after that. I told my parents that Karma cheated on me pero hindi man lang sila nagalit. Hinayaan nila ako na gawin ang gusto ko pati na rin ang bumalik sa Pilipinas.

Sinundan ako ni Karma at dalawang taon na sinuyo pero naging manhid ako. Pero nung nakita ko siya kanina nawala ang lahat ng galit ko dahil tatlong buwan siyang hindi nag pakita sa'kin. Akala ko nagsawa na siyang suyuin ako kaya iniwan niya na'ko.

At sa t'wing naaalala ko si Cali.. Naguguluhan akong muli. One question.. Isang tanong sa isip ko ang nag papadalawang isip sa'kin sa nararamdaman ko para kay Karma.

'Paano si Cali, hindi mo ba siya gusto?'

Sa totoo lang.. Alam ko na nagugustuhan ko na dun siya. Sa sandaling panahon na nag kasama kami ay alam ko na nagugustuhan ko na siya. Pero.. Arggg! Naguguluhan nako!

Napaigtad ako nang bigla ako'ng halikan ni Karma. "You're spacing out."

Napakurap ako. "S-Sorry.."

He just nodded and smiled as he continue to eat. Na guilty naman agad ako.

"Sorry talaga. May naisip lang ako. Pasensya na.."

"It's okay. Eat up, babe."

Nababuntong hininga na lang ako at kumain na. Napakunot ang noo ko nang bigla'ng may mga lalaki'ng lumapit sa'min at tumugtog habang kumakanta ang isa sa kanila.

Mas nagulat ako nang tumayo si Karma at inilahad ang palad sa'kin. "Shall we?"

Naiilang na tinanggap ko ang kamay niya kahit nakakahiya dahil kami'ng dalawa lang ang nag sasayaw.

He pressed his body against mine and slowly, we danced to the rhythm of the song.

"You do know that I love you, right?" Bulong niya sa tainga ko.

Tumango ako at inilapat ang pisngi ko sa dibdib niya. Naramdaman ko'ng hinalikan niya ulo ko at marahang sinuklay ang buhok ko'ng nakalugay lang.

"Alam mo, matagal na kita'ng gusto una palang kitang nakita. No, scratch that.. I think I loved you the first time I laid my eyes on you." Napangiti ako. "What more can I say? I just wanna ask you one more thing, Viena."

Umayos ako ng tayo at tumingin sa kaniya. Kumunot ang noo ko dahil mukha'ng kinakabahan siya. "What is it? Are you okay? You're starting to get pale."

He puffed a nervous breath before kneeling infront of me.

Napasinghap ako sa gulat. Oh my God.. "K-Karma.."

May kinuha siya sa bulsa ng coat niya at napatakip ako sa bibig ko nang makitang isa 'yong red velvet box, at sigurado ako sa laman n'on.

"Casthidy Viena Fuente, would you like me to be your husband? Will you marry me?" He said that nervously. His hands are slightly shaking.

Kinakabahang natawa ako. Hindi ko 'to ini expect! What to do? What to do?!
Wala sa sariling napatango ako. "Y-Yes.."

He blinked. Tsaka siya biglang tumawa at tumayo tsaka ako niyakap ng mahigpit. "THANK YOU!"

Niyakap ko siya pabalik pero saglit lang 'yon dahil humiwalay din siya agad at nanginginig ang mga kamay na isinuot sa'kin ang sing sing. It's a white gold ring with pink diamonds that are formed into a rose with black pearls designed as a chain.

One Erotic NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon