Erotic 4

11.3K 52 0
                                    

Hindi ako mapakali, ano bang pinagsasabi nong Cali nayon? Ipinilig ko ang ulo at marahang napailing.

"Nababaliw na ata ang lalaking yon." Nanghihina kong anya.

Mas diniin ko ang pagtapak sa Gas at nagdirediretso na pauwi ng nagtataka pa din.
Pagka park ko ng kotse ay agad nakong lumabas at pumasok na.

Magsasalita na sana ako at magtatanong kung ano ang ulam ng mapatigil ako. I no longer have a family and maids. I'm living alone.

Napapikit na lang ako at pumunta na sa kusina. Phew, I no longer have someone with me.

Nagsalin na lamang ako ng malamig na tubig at nagdirediretso na sa aking kwarto para makapag pahinga.

☺☺☺☺☺☺☺

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Maaga rin akong pumasok sa sarili kong opisina at hindi na nagabala pang mag almusal.

Pagpasok ko pa lamang ay bumungad na sa akin ang samut saring 'good morning, madam'. I'm used to it though. Nang makarating sa tapat ng office ko ay hinarang ako ng aking secretary at aligagang tumingin sa akin.

"What's your drama?" Bagot kong tanong sa tila sinisilabang babaeng to. "Ma-Madam, m-mamaya nalang po kayo pumasok, pl-please?" Nagmamakaawa nitong anya.

Marahas ko naman syang tinignan at tinarayan, "Kapag ba mamaya pako pumasok, ikaw ang gagawa lahat ng gawain ko ha? At isa pa, bakit? Opisina mo ba yan? Kapal ah." Inis kong pahayag. Nanggigigil ako dahil nasasayang na ang oras ko!

Bumagsak naman ang mga balikat nito at tila ba katapusan na nya. Hindi kona ito pinansin at tutuloy na sana sa loob ng makitang nagmamadali itong nag dial sa telepono at kumakagat labi pa.

Huminto na muna ako saglit at pinanood ang ka-abno-an ng sekretarya ko.

"He-Hello, S-sir." Panimula niya, "Sir,sorry sorry! Papasok na si Madam Vienna, hindi ko sya napigilan!" Kinakabahang anya.

Ako naman ay nagulantang at nagmamadaling pumasok sa loob upang makita kung may lapastangang pumasok sa office ko ng hindi ko alam.

Pag bukas ko ng pinto ay isang bulto ng lalaki ang nakatalikod sa akin. May hawak itong telepono at naka pamewang pa.

At the sight of his manly back, I already know who he is. Nagsalubong ang aking kilay at nag halukipkip habang pinapanood sya.

"Anong hindi mo napigilan? ... Tsk, okay. I can handle her." Anito at inis na ibinaba ang phone. Aba't, kasabwat pala nya yung babaitang yon. I will fire her later.

Humarap ito sa akin at may gulat sa mukha. "Mr. Cali, what are you doing in my office?" Mataray kong tanong sa tila nag yelong lalaki.

He made some hand gestures at itinuro ang desk ko. Tumingin naman ako roon at nakita ang mga supot ng isang fast food restaurant. Pinagsalubong ko lalo ang aking kilay upang itago ang pagkatuwang nararamdaman.

"Ano yan?" Painosente kong tanong kahit na sa loob loob ko ay gusto ko ng sunggaban ang mga yon. How I love Jolly!

Napakamot naman ito sa kanyang batok at alanganing ngumiti. "I thought you'd still like that, Annie told me you still love eating those foods."

Ang babae talagang iyon! Humanda sya sa akin. "What do you mean, that I still love that? And you called her Annie, are you close wih her? Are you here for her?" Malamig kong anya. I suddenly felt a small pang in my chest. Dang, I can't beleieve it.

Defensive naman itong mabilis na umiling. "No, I came here to have breakfast with you. Baka kasi hindi ka nag agahan." Anya at ngumiti ng matamis, pero hindi nya sinagot ang iba kong tanong. Hindi ko na ito pinansin pa.

He came here early just for that? Parang nakikipag karera ang puso ko sa bilis ng pagtibok nito. Hindi ko na naitago pa ang sinusupil kong ngiti at tuwa.

Agad akong umupo sa visitors chair at sinimulang kumain. Pag subo ko ay napapikit pa ako at ninamnam ang lasa. Okupado ang aking isip na kumain ng may maalala ako.

Nag angat ako ng tingin at nakita si Cali na nakangiting naka tingin sa akin. Nakatayo lamang sya at tila ba nasisiyahan sa nakikita.

Agad naman akong pumormal at umayos. "Amm, upo kana. Sabayan mo kong kumain." Mahinahong sabi ko. Tumango naman ito at umupo sa swivel chair ko at kumain na din.

"Tama ako, hindi ka pa nga kumakain." Pag kausap nya sa akin. Napatigil naman ako sa pag subo at nagtatakang tumingin sa kanya.

"Bakit parang ang bait mo yata at nagabala kapang puntahan ako dito? Parang kahapon lang you're weird." Sabi ko sabay subo ng sundae at kain ng fries.

Marahan naman itong umiling at uminom ng float, "As I said, I will make you remember me. Kung araw araw na pagpunta sayo ang paraan, then I won't stop." Sabay punas ng tissue sa bibig.

Napabuntong hininga naman ako at nanlulumong tinignan sya, "Ano bang ipapaalala mo sakin, Mr. Cali? As far as I remember, wala naman tayong past relationship nor intimate relation. Kaya naman, what's the point of doing all this?"

Ngumiti lamang ito, ngunit sumilay ang lungkot at pangungulila sa kanyang mata. "I know you will remember me soon, Vienna. I know you will."

Inismiran ko na lamang ito at hindi na pinansin pa. Nagpatuloy na lamang ako sa pagkain. He's being weird again. Phew.

Tapos na akong kumain at ililigpit na sana ang mga pinagkainan ng tapikin ni Cali ang kamay ko. "Let me do it. Just sit there." Tinitigan ko sya ng masama ngunit nag paubaya na lamang.

Kung ano mang espiritu ang sumanib sa kanya, nagpapasalamat ako dahil hindi sya ganon ka abno. -.-

~Litanyaaa ❤

Continue to vote,read and comment,Erotics!
I'd be really happy and flattered if you'll do that. 😊

One Erotic NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon