Erotic 11

3.1K 6 0
                                    

Viena's POV

Naka awang pa rin ang mga labi ko hanggang sa makalabas si Cali.

What the effin fudge just happened?!

"I hate him, babe. S'ya na ba talaga?" May bahid ng inis na pahayag ni Karma.

Tsaka lang ako napa balik sa realidad dahil sa kanya.

"Ha?"

"That man. He's annoying." Ulit nya.

Napa kurap kurap naman ako at napangiti ng bahagya. "I think I have to go."

Pinandilatan nya naman ako ng mata, "Babe? Kadarating ko lang, iiwan mo na agad ako?"

"Oh, Karma. I have all the rights to go." Sagot ko naman.

Napa buntong hininga na lang s'ya at pilit na ngumiti sa'kin. "Okay. Sabay na tayong bumaba. I'll stay at your place, is it okay?"

Gustuhin ko mang tumanggi ay hindi ko kaya.

Napatango nalang ako at nanguna na na bumaba. Habang pababa ay naramdaman kong naka sunod sa'kin si Karma.

Tumabi siya sakin at hinawakan ang kamay ko. He intertwined it.

Napatingin ako sa kanya at babawiin sana ang kamay ko pero.. "Just let me hold your hand for a while, Viena. Just this time." He smiled sadly.

Napa iwas nalang ako ng tingin at hinayaan na lang sya.

Hinatid ko s'ya sa bahay. I was about to go but then he pulled me for a hug.

"I missed you.. so fucking much. Viena, I c-can't. Hindi ko pa rin kaya.. Please, come back to me.." His voice cracked.

I was shock. Hindi ko nagawang makapag salita o gantihan sya ng yakap. I'm speechless. For 2 years of being in a loveless relationship with him, he finally said his feelings.

"K-Karma.."  I can't.. I'm already lost. Hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil ayokong saktan s'ya.

But still, I managed to hug him back.

Bumitaw s'ya sa pag kakayakap at sinapo ang mukha ko. "Can't you love me again? Is it hard to give me another chance?" His voice is shaking, it seems like he was about to cry.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ngayon lang n'ya sinabi ang mga 'to sa'kin. Sa ilang taong magkasama kami, he always pretend to be happy and carefree.

Tinitigan nya ko at diretsong tumingin sa mata ko, "Can't you.. forgive me? I want you back, Viena. I love you. Ako nalang ulit, please?"

Napa iwas ako ng tingin nang may luhang pumatak sa mga mata n'ya. This is the first time I saw him cried!

Pero sadyang makulit si Karma, hinawakan n'ya ang baba ko at muling nakipag titigan sa'kin, "Please?"

I was about to answer but he pressed his lips on mine! Dahil sa gulat ay umawang ng kaunti ang bibig ko dahilan para mas lalo n'yang palalimin ang halik.

His tounge started to wander. Naging mapusok ang pag halik n'ya at mas hinapit ako papalapit. Nang makagat n'ya ang ibabang labi ko ay tsaka lang ako natauhan.

I pushed him away and glared at him. "What the heck did you do, Karma?!"

Sarkastiko siyang napangisi, "You know what I did, Viena. And I assume you also know the reason behind it."

Wala sa sariling nasampal ko s'ya. "I hate you!" Naiiyak na sigaw ko sa kanya.

Mukhang natauhan s'ya dahil lumamlam ang mga mata n'ya. "Fuck! I-I'm sorry. Babe, sorry.."

Sa galit ko ay nawalan nako ng gana na akitin si Cali. Sa halip ay nagtatatakbo ako patungo sa kwarto ko at ni-lock 'yon. Masama na, baka makapasok pa si Karma.

Napasandal ako sa pintuan at napadausdos ng upo tsaka ako napahawak sa labi ko.

Mariin akong napa pikit at frustrated na napa suklay sa buhok ko. "Damn.. I'm still on the process. Masama 'to."

Ang akala ko ay nakalimutan kona ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero nang dahil lang sa isang maka salanang halik ay bumalik ang lahat ng galit, pagka suklam, pangungulila at pag mamahal ko sa kanya. Napatawa ako sa inis sa sarili ko. Nakipag talik ako sa iba, samantalang siya pa rin naman. Pakiramdam ko ay ang dumi dumi ko na. Na napaka makasalanan ko.

Napa iyak na lang ako. Naiinis ako!

Pinahid ko ang mga luha sa mata ko at nag tungo sa banyo para mag hilamos. Tsaka ako lumabas only to get shocked.

Outside my room is Karma. Standing there with his begging eyes.

"Karma.."

"Viena." Binanggit nya ang pangalan ko nang punong puno ng emosyon. At ang mga mata n'ya ay medyo namumula.

"Karma.."

"Viena.."

"Karma."

"Viena."

"Karma...",

"Vien-"

"Sige, ituloy mo'ng lintek ka." Iritang pigil ko sa kanya.

Nangiti naman s'ya at natawa ng kaunti, "Bati na tayo?"

Inis ko s'yang inir3apan at nag patuloy sa pag baba. Rinig ko namang patakbo s'yang humabol sa'kin at hinatak nanaman ako pabalik.

"Hobby mona bang hatakin ako?" Gigil na tanong ko.

"Babe.. Please, pansinin mo na ulit ako. I promise, hindi ko na ulit gagawin at sasabihin 'yon." Maiyak iyak na pakiusap n'ya.

I bit my lower lip to hide my playful smile. "Promise?"

Mukhang napipilitan lang s'ya dahil ilang seguondo muna bago s'ya dahang dahang tumango. "P-Promise.. So, bati na ulit tayo?"

I smiled, a genuine and a loving smile. "I love you, Karma."

His smile faded. His eyes widened in shock and his lips parted. Nakatingin s'ya sa'kin na para bang wala akong ulo kaya natawa ako.

"W-What?" He asked na gulat na gulat.

Dun na'ko humalakhak. His face was epic!

"I said, I love you. I still do." Nangingiting ulit ko.

Napangiti s'ya hanggang sa matawa at humagalpak ng tawa. Ako naman ay napaka kunot ang noo. Nababaliw na ata 'to. Tsk.

"Dammit! If I only knew that kissing you again can make you fall for me again, I would've do that a thousand times!" Tuwang tuwang anito. Tsaka sumeryoso at hinawakan ang pisngi ko, "I love you, too. Too damn much. I promise, I won't let you go again. I'll be better." Then he kissed my Forehead.

It took him some seconds before looking at me in the eye with so much happiness. I tiptoed and gave him a peck on the lips. "Don't make me regret this." I whispered.

"I won't." Aniya at hinaplos ang buhok ko at niyakap ako ng mahigpit.

To be continued~~

A/N: Kainers ba? I feel you, Erotics. 💔😂

One Erotic NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon