III - Leave
Finally!! This is it, tinupad na nga ang dream ko! Thank God.
*Flashback*
I opened the envelope and di ko na inaakalang na ganito ang laman, nanatili akong sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang gulat.
Yessss!! Hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko nang tinakbuhan ko si dad at sinabi sa kanya yung good news. "Dad! I can't wait na makasama na kita sa trabaho mo! " Tiningnan naman ako ni dad habang tumatalon ako dahil sa sobrang saya "Good job son. Aalis na pala tayo next week, so you should be ready" sabi niya. Kaya pumasok na ako sa kwarto ko habang may ngiti parin sa labi ko.
*End of Flashback*
Binagsak ko ang aking katawan sa malambot ko na kama at sa sobrang saya ko ay tinawagan ko na si Lee. Una kong tawag sakaniya ay hindi siya sumagot pero sa ikalawa kong tawag ay sumagot na siya.
*On the phone call*
"Hello?" ang una niyang sinabi sa tawag.
"LEEE!!!" Sambit ko naman.
Hindi ata siya nakasagot agad dahilan para mabingi siya sa sigaw ko haha.
"Hmm, mukhang may sasabihin ka na good news ah?tsaka pakihinaan ng volume yung bunganga mo kyle ah? May nabibingi dito eh hehe"
"Ahehe sorry Lee,pero tama ka may sasabihin ako sayo na good news, at yung ang.... NAKAPASOK NA AKO SA TRABAHO NI DADDD!!! ETO NA YUNG DREAM KO LEEEE!!"
And she end the phone call.
"Hello?" Paulit-ulit kong sinasabi sa phone para malaman kung nandyan pa ba siya. Pero ang nakuha ko ay walang response eh kaya napaisip ako kung bakit niya pinatay ang phone call.
Tinext ko siya ng ilang beses pero wala pa rin siyang sagot. Siguro hihintayin ko nalang , kaya ko namang maghintay eh. Busy siguro yung baliw na yun.
*****
Makalipas ang ilang araw ay naghahanda narin kami ng mga gamit na dadalhin namin papuntang Singapore dahil aalis na kami bukas. 6:30 am ang flight namin kaya dapat maaga kami. Hanggang ngayon ay wala parin akong natanggap na message mula kay Lee simula nung pinatay niya ang phone call ano kayang nangyari sakanya? Tinext ko narin siya na aalis na kami bukas pero hindi parin siya nakapagreply.
Kinabukasan ay maaga akong nagising para maghanda sa sarili ko. Kinusot ko ang mga mata ko at naghilamos ng mukha ko. Pagkatapos nun ay umupo ako sa kama ko at tiningnan kung anong oras na, it's 4:15 in the morning, lumabas ako ng kwarto para uminom ng tubig nauuhaw kasi ako.
Pagkalabas ko ng pinto ay dumeretso ako sa kusina at kumuha ng tubig pagkatapos kong uminom ay lumabas ako ng bahay, madilim at tahimik ang naabutan ko sa labas,pero buti nalang ay may mga posteng nakailaw sa labas kaya medyo mailaw ang kalsada.
Binalot ako ng malamig na hangin kaya mas hinigpitan ko ang kapit sa jacket ko. Medyo nagpapakita na rin ang araw kaya napatingin ako sa orasan, 5:25 na halos 1 hr na pala ako dito sa labas, kaya pumasok na ako sa bahay at sinirado ang pintuan.
Tamang-tama ay nakita kong kakalabas lang ni Yaya Ayesha sa kanyang kwarto at nagulat naman siya nang makita niya ako.
"Oh, Kyle gising ka na pala. Ano ka ba oras nagising?" Tanong ni Yaya.
"Mga alas-kwatro po ng umaga,nauuhaw kasi ako tapos dinala ako ng mga paa ko papunta sa labas" sagot ko naman.
"Aga ha,o sige na magluluto pa ako ng pagkain,mamaya na diba flight niyo?"
YOU ARE READING
Just the Two of Us
Teen FictionMinsan kailangan natin ng kaibigan, Yung kaibigan mong kinukulit ka, kung malungkot ka pero nandyan siya para mapasaya ka ulit pero what if if yung kaibigan mo ay mapupusuan mo? Eto ang storya ng dalawang magkaibigan na sa huli ay nakatali parin ang...