V - Accept
Hindi ko alam kung anong gagawin ko nang sinabi ni Stella ang nangyari kay Lee. Ayaw ko nang mawalan ng kaibigan. Hindi ko nalang alam ang gagawin ko pag nawala siya sa buhay ko. Bigla akong bumangon sa aking higaan at dali-dali akong lumabas ng kwarto,ngunit walang katao-tao ang bahay nang lumabas ako ng kwarto.
"Mom? Dad? Yaya?" Wala talagang tao, echo lang ng boses ko ang naririnig ko sa bahay. Lumabas ako ng bahay,pero wala ring sasakyan ang dumadaan sa tahimik na kalsada. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at tinawagan si dad. No answer. Tinawagan ko ulit si dad pero Wala paring sagot. Where are they? Si mom naman tinawagan ko ng ilang beses pero walang sagot ang nakuha ko.
Sa office nila! Tumakbo ako ng mabilis nang may bumisina sa likod ko, dahan dahang paparating ang kotse habang nakatingin lang ako sa paparating na kotse. Ba't hindi ako pumapagilid?..magpapaalam na ba ako sa mundo? Bigla nalang lumabo ang aking mga mata at biglang dumilim ang paningin ko.
-------
"DADDDD!!MOMMM!!!" bigla akong nagising sa katotohanan. Pawis na pawis ako pagkagising ko. " Oh,Kyle are you alright?" si Yaya ang pumasok sa kwarto ko. "Where's mom and dad?" Tanong ko sakanya. "Uh..they left. Around 7 am to buy groceries." Sagot niya naman. Tumango naman ako, panaginip lang pala yun.
Si Lee..kinuha ko agad ang phone ko sa lamesa na katabi lang ng higaan ko at agad kong tinawagan si Lee at mabuti naman ay sinagot niya ang tawag.
"HELLO? HELLO LEE?" Kinakabahan kong tanong.
"Hello?" Sagot niya naman.
"LEEE!! OKAY KA LANG BA? MAY NANGYARING MASAMA BA SAYO?" diretso kong tanong.
Narinig ko namang tumawa siya.
"Anyare sayo Kyle? Ano kaba,okay lang ako syempre" nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya.
"Ahh..ganun ba..sige yun lang byee" at inend ko naman ang tawag baka ano pang sasabihin niya sakin.
__________
Lee's Pov
Maaga akong nagising para maglinis ng bahay, wala kasi kaming katulong kaya ako ang naglilinis dito sa bahay paminsan,at nakapagtapos naman ako sa pag-aaral. Bestfriend ko si Kyle. 13 years na kaming magkasama at magbestfriends. Minsan nga tumatakas kami ng bahay kahit walang permission sa mga parents namin haha. Pero ngayon nasa Singapore siya, nag-apply daw kasi siya ng trabaho at sadyang nakapasok rin siya kaya masaya na rin ako sakanya.
Meron naman akong kuya,Kayden Matthew Forteleza ang full name ni kuya. Nakatapos na rin siya ng pag-aaral,bale isa siyang Chef ngayon sa isang restaurant. Matangkad, medyo maputi,at gwapo si kuya. Halos dumugin nga siya ng mga babae sa kagwapuhan niya eh tsaka may respeto si kuya sa mga babae, pero may isang swerteng babae ang nakita ni kuya, nililigawan niya na nga eh. Buti nalang pinayagan siya nila mama at papa pero ako binabawalan pa. Meron akong crush syempre pero mas masakit iba crush niya or wala nga yun crush.
Meron rin akong kapatid na babae. Si Kathleen Mae Forteleza. Nag-aaral pa siya ngayon. Isa siyang highschool student. 13 years old palang si Kathleen. Mabait at masunurin si Kathleen maputi rin siya kagaya namin dalawa ni kuya. Nagmana kami kay papa sa puting balat niya ngunit ang ugali naman namin ay nagmana kay mama.
Pagkatapos kong maglinis ng bahay ay dumeretso ako sa kwarto ko. Wala akong ibang gawin kundi magguhit ng kahit ano,mahilig akong gumuhit naging hobby ko rin ang pagsasayaw. Ginuhit ko ang isang puting rosas. Bakit puting rosas? Dahil ito ay sumisimbulo ng pag-ibig at balang araw mabibigay ko ito sa napupusuan ko.
Nag vibrate ang phone ko at nakita ko ang name ni Drea. Si Drea ang kaibigan ko rin dati since college pero mas close nga lang kami ni Kyle. Niyaya naman ako ni Drea na lumabas, sabagay gusto ko namang lumabas tsaka mainit din dito sa bahay gosh.
Susunduin daw ako ni Drea dito pero bago mag 5 ay dapat nandito na ako sa bahay dahil dadating si kuya at si Kathleen. Tamang-tama nang lumabas na ako sa bahay ay nakita ko agad ang katawan ni Drea na naghihintay sa labas ng bahay.
"Kanina ka pa ba dyan?" Tanong ko habang binubuksan ang gate.
"Hindi naman,mga 9:45 ay nandito na ako. Tiningnan ko naman ang oras ay 9:50 na so 5 minutes na pala siya andito okay.
"So Tara na?" Excited niyang tanong.
Tumango naman ako sakanya at sumakay sa sasakyan niya. Habang bumabyahe kami ay bigla niya akong tinanong.
" So um girl,kamusta na feelings mo dyan?" Panimula niyang tanong.
"Anong feelings?" Nagtatakang tanong ko.
"Yung feelings mo kay Mr. Gwapo inshort si Kyle" nakangisi niyang sabi.
Namula ako saglit bago magsalita sa kanya. Matagal ko nang tinatago ang mga feelings ko kay Kyle. Bestfriend nga turing niya sakin pero ang turing ko sakanya ay lampas pa ata sa bestfriend.
"Ah..here okay lang,naglalaban parin" walang gana kong sabi.
"Okay lang yan girlll, may chance ka pa sakanya, ipasayo mo siya kaya mo Yan!Wala diba siyang girlfriend? So may chance ka pa sakanya!! Nandito lang ako girl if you need me." Nakangiti niyang sabi habang nasa daan parin ang kanyang mga mata.
Speaking of chance. May chance pa ba nga ako sakanya? Would he accept my true feelings towards him? Paano kung Hindi? Paano kung..paano kung bestfriend lang talaga ang turing niya saakin? Paano kung..nakahanap na siya ng iba doon sa Singapore? Ughh..sumasakit naman puso ko dahil lang sa isang lalaki. Ang importanteng tao na nakilala ko. Nasanay na kami sa isat-isa kaya natakot kaming may bibitaw sa amin dalawa.
Sana kung babalik ka dito Kyle. Sana masabi ko na ang totoong nararamdaman ko sayo. Mahal kita Kyle pero sana mahalin mo rin ako kagaya ng pagmamahal ko sayo,yung mas sobra pa sa kaibigan. I hope you Accept it.
YOU ARE READING
Just the Two of Us
Teen FictionMinsan kailangan natin ng kaibigan, Yung kaibigan mong kinukulit ka, kung malungkot ka pero nandyan siya para mapasaya ka ulit pero what if if yung kaibigan mo ay mapupusuan mo? Eto ang storya ng dalawang magkaibigan na sa huli ay nakatali parin ang...