Chapter IV

17 1 3
                                    

IV - Perfume

Nagising nalang ako nang wala ng music na tumutugtog sa earphones ko. Tiningnan ko naman ang window at nakita ko ang mga nakailaw at matataas na mga building at mga kotseng dumadaan sa mailaw daan. Gabi na pala dito.

"Please prepare your seatbelts cause we are going to land in Singapore Changi Airport." sabi ng isang Flight Attendant.

Nang mag-landing na ang aming eroplano ay mahina kaming tumayo para makalabas dito.

Pagkababa namin ay dumeretso kami sa mga kuhaan ng gamit, nagsihintayan ang mga tao para kunin ang kanilang mga bagahe, pagkatapos naming kunin ang mga gamit namin ay lumabas kami ng airport at sumakay sa nag-aabang na bus. Since two seats ang bus na ito, si mom ay katabi ni dad samantalang ako ay humiwalay sakanila kaya umupo ako sa bakanteng upuan.

Papunta kami ngayon sa bahay nila mom and dad dito sa Singapore, matagal na rin sila dito Kaya napagisipan na rin nila magpatayo na rin ng bahay dito at dito rin naman nakatira mga pinsan ko. Kinuha ko ang earphones ko at pinatugtog ulit ng mga musika.

"Um excuse me sir but do you have any other companion?" Tanong ng isang babae sakin.

Pagkalingon ko sakanya ay parang namukaan ko siya. "Claire?" She's my old classmate nung college pa kami. "Kyle?" Tanong niya ulit na medyo naguguluhan pa kung tama ba ang sinabi niya.

"Claire!!!Halika umupo ka dito." sambit ko. "Musta pala buhay natin dyan? May asawa na ba? Tsaka anong ginagawa mo dito?" Sunod na sunod kong mga tanong.

"Huy ano kaba!! Still single pa kaya ako, humahanap pa kaya ako baka sakaling makakita nga ako dito eh" humahalaklak niyang sabi. "Tsaka mag-vacation ako dito"dagdag niya pa.

"Ahh,akala ko meron na eh" tumatawa kong sabi. "Eh ikaw? May asawa na ba? Tsaka ano rin ginagawa mo dito, wag mong sabihin na naghahanap ka rin ng babae dito?" Tanong niya naman.

"Gaga , magtatrabaho ako dito hindi parehas sayo maglalandi sa lalaki" nakangisi kong sabi. Pinalo niya naman ako sa braso, pati ba naman ikaw papaluin ako.

"Hoy wala akong nagsabi na lalandi ako sa lalaki, Ang Sabi kong maghahanap hindi landi! Bingi." Pagtataray niya saakin. "Uy teka! Malaki na muscles mo ah? Anyare?" Dagdag niyang tanong.

"Naman! Gwapo eh" smirk ko sakanya. "Nag-gygym ka noh?" Tanong niya. Tumango naman ako sakanya. Every weekend kasi nagygym ako kaya gwapo ang dating kahit saan. Gayahin niyo ako boys.

Maya-maya ay huminto narin ang bus sa street ng bahay nila mom and dad. Tatayo na sana ako nang tumayo na rin si Claire. "Dito ka rin bababa?" Tanong ko sakanya. "Oo,dito kaya bahay ko." Nanlaki ang mga mata namin nang narealize namin na magkasame kami ng babaanan. "Seryoso ka??! Dito ka rin bababa??" Gulat niyang tanong. Tumango ako sakanya ng bumaba na kami sa bus. Nagulat siyang may kasama ako na iba.

"Mama at papa mo?" Pabulong niyang sabi. "Oo" sagot ko naman. "Akala ko wala kang kasama!!!" Pinalo-palo niya ako dahil di ko daw sinabi sakanya na may iba akong kasama,bakit ba?anong gagawin niya sakin pag wala akong kasama?

Bigla niyang hinarap sila dad at nagmano.
"Mano po tito at tita, I'm Claire po dati pong classmate ni Kyle sa college." Mahinhin niyang sabi.

"Oh Claire!! Ikaw pala yung katabi ni Kyle kanina,akala ko girlfriend ka niya eh" parang bigla akong tinusukan ng tinik para hindi na ako makakilos sa kinatatayuan ko nang sinabi ni dad.

"GIRLFRIEND?!" sabay sabi namin ni Claire at nagtinginan kami. Nagtawanan naman sila mom and dad dahil sa reaksyon namin dalawa.

"Calm down you two, akala ko lang naman eh, bagay kaya kayo dalawa." Sambit naman ni mom. "Ganda kaya ni Claire, too enough for you Kyle" dagdag ni mom at dahil dun walang sumagot saming dalawa.

Just the Two of UsWhere stories live. Discover now