Summer and Stars

2 0 0
                                    

I always wonder how it is to wake up in a sunless morning or a starless night. That would be weird. Nakakatakot. Nakakagimbal. I will totally break down. Pero lagi kong sinasabing imposibleng mangyari sa’kin ‘yon. Bigla akong napatingin sa kanan ko at nakita ang sagot. Oo nga pala, I have Summer with me, my sun and my star; the one who was giving me light everyday and magic every night. Tinitigan ko siya habang pinagmamasdan niya ang mga bituwin sa langit.

“Birthday mo na bukas ah.”

Summer looked at me with a smile. “Oo nga ‘no?”

“Bakit parang hindi ka naman masaya?” tanong ko nang mapansing naglaho rin ang ngiti niya. Napahinto ako sa pag-ugoy sa duyan at napatitig sa kanya.

“Because it would just be normal like the other days, ang pinagkaiba lang, mas maraming pagkain,” she answered then she mischievously laugh, trying to hide those sadness.

“Let’s see and feel the sun on your eighteenth birthday,” I declared without hesitations.

“Alam mong imposibleng mangyari ‘yon.” Bumuntong hininga siya.
Summer suffers from polymorphous light eruption, it is an allergy reaction to sunlight. Hindi siya pwedeng maarawan, magrereact kasi ang balat niya dahil sa ultraviolet light.

Madalas niya na lang pinagtatawanan ang kundisyon niya, sabi niya, bampira daw siya. Kulang na lang daw ay uminom siya ng dugo. Pero kahit na gano’n, alam kong may nararamdaman pa rin siyang kalungkutan. Summer sometimes said that she’s dying to feel the warmth of the sun, to walk under the sunshine, to swim while the sun is at its peak. Funny that she’s named after Summer when she herself cannot enjoy the season, given that she was also born during this season.

“What if I found a way?”

“Then let’s go for it,” sagot niya at napatawa. We both look at the stars above us and let the time pass for a little bit more.

Dati pa man nagtataka na ako kung bakit hindi siya lumalabas ng bahay nila tuwing umaga. Our first meeting was at night. Then I got to know her better, she told me stories, her aspirations, her greatest downfall, and her condition. Habang lumilipas ang mga gabing magkasama kami, unti-unti akong na-attached sa kanya. I always want her to be happy, and I wouldn’t mind if it cost me anything, as long as I’m able to see her smile.

Pagkatapos kong ihatid si Summer sa bahay nila ay umuwi na rin ako sa’min. Dumeretso ako sa kuwarto ko at napatingin sa mga paintings na nakasabit sa dingding. Everything was about the sun, sunflower and Summer then I fell asleep staring at them.

I left the house seven in the morning bitbit ang picnic pasket na may laman ng mga gamit na hinanda ko. I brought sunflower for starters, it’s her favorite flower. May malapit na beach dito sa lugar naming at doon kami pupunta. Habang nagda-drive ng motor ay hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang ini-imagine ang ngiti ni Summer. I pursed my lips to hide that crazy smile dahil baka akalain ng mga makakakita sa’kin na baliw na ‘ko. They’ll be right at some point, baka nga baliw na ako… kay Summer. Aysh, ang baduy mo Franc!

Pagkarating ko sa tapat ng bahay nila ay agad akong bumaba sa motor. Bitbit ang isang pirasong sunflower ay lumakad ako papunta sa pinto nila at kumatok. Lumakad ako paatras at hinantay si Summer na magbukas nito. I’m positive that it will be Summer, nasa trabaho kasi ang Mommy niya tuwing umaga. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at bumungad sa’kin ang napakagandang si Summer na naka-tshirt at jeans at halatang kakagising niya lang. Kita sa kanyang ekspresyon ang pagkagulat. Guess what, this is the first time that we are seeing each other by day. And I must say, she shines beautifully with the sun.

“Happy birthday, Sunshine.” Ngumiti ako. “Come here,” I teased her.

“Loko, alam mong hindi pwede,” aniya at umatras nang bahagya. Napangiti siya at matalim na tumingin sa’kin. Natutuwa talaga ako sa tuwing naasar ko siya. Hindi siya ‘yong tipo ng babae na kapag inasar eh naiinis at nagagalit. Madalas, ngingiti siya nang nakakaloko tapos tititigan ako nang masama.

Tales In The CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon