November 18, 2015
Salamat sa idea Dada!**********
Brittany
@YhoanPyreMyLabs Bakit kaya mas nagkakagusto tayo sa taong alam nating hindi mapapansin ang nararamdaman natin? And dadaya ninyo.
"Nagtitwitter ka na naman." Napairap ako nang ibaba ni Louise ang cellphone ko mula sa harapan ko. Bastos lang?
"Eh, ano bang paki mo? Dito ko na nga lang inilalabas lahat ng hinanakit ko doon sa Yhoan na 'yun eh," sagot ko naman at nagtype muli.
"Para namang mababasa niya," aniya at tumabi sa akin.
@YhoanPyreMyLabs Ganyan ka ba? Hindi mo lang alam sa kahit anong ginagawa mo ay tumatalon ang puso ko. Kinikilig ako sa'yo. Nakakainis ka. Napakaeffortless mong tao!
"That's the point! Kaya ako sa twitter naglalabas nga mga feelings ko sa kanya ay dahil wala siyang twitter. Hindi niya mababasa kahit magtweet pa ako na patay na patay ako sa kanya. Gets?"
"Oo na. Pero hindi mo rin ba naisip na wala rin namang saysay 'yang mga ginagawa mo dahil hindi ka niya mapapansin dahil hindi naman niya 'yan nababasa," sagot niya naman at napalumbaba.
Sandali akong napatigil sa pagtatype at napaisip. Oo nga ano? Ah basta! "Hindi mo kasi ako maiintindihan dahil hindi ka fangirl," sagot ko.
You read it very clear. Isa akong fangirl, baliw na fangirl actually. To give you some background 'bout kay Yhoan(yohan) isa siyang 3rd year student na nakilala dahil sa galing niyang maglaro ng apoy. Iba sa iniisip mo. Hahaha. Nagpeflare siya ng bote at kadalasan, may involve na apoy ang performance niya. Lagi ko siyang sinusundan, alam ko na nga kung saan siya nakatira eh. Tapos binabayaran ko pa ang tropa niyang ai Dan para lang bigyan ako ng mga solo pictures ni Yhoan. May pillow din ako na may mukha niya, pati wall paper ng cellphone ko mukha niya. So... yeah, I consider myself as a fangirl. Pero kahit na sikat siya, wala siyang social media accounts busy kasi siyang tao. May roon man, puro mga poser lang, kaya unreliable din. 'Yung @YohanPyreMyLabs naman, gawa-gawa ko lang, wala talagang nag eexist na ganun, at ang username ko naman ay @BrittanyMilesMyLabs. Hahahah.
@YohanPyreMyLabs Mula sa malayo pinagmamasdan kita, alam mo ba yun? Siguro hindi. Baka nga hindi talaga.
Umayos na ako sa pagkakaupo ko nang lumabas na ang emcee na magpapakilala kay Yhoan. Magpeperform kasi siya dahil may program ngayon sa university namin. Hahaha. Ang saya-saya ko lang. Mapagmamasdan ko na naman siya.
"Ladies and gentlemen, are you ready to feel hot? Grab some cold drinks because this is gonna be a hot, hot performance! Set fire on stage... Yhoan Pyre!" See? Pati pangalan niya literally means FIRE!
Syempre nagtititili din ako kasabay ng iba pang mga babae. Nagningning ang mata ko nang makita ko ang pag-apoy ng stage. Oh my gosh! Paghupa ng apoy ay lumitaw na ang imahe ni Yhoan with sizzling hot costume! Naka-white sleeveless na polo siya, tapos may bowtie, at may strap pa! Argh. His muscles. Sabayan mo pa ng supper-hot background music na mapapaindak ka talaga.
Bawat hagis niya ng bote ay nasasalo niya walang palya. At kada masasalo niya ay ngumingiti siya sa mga nanonood. Dinadagdagan niya pa ng pagkembot ng katawan na lalong ikinabaliw ko at ng iba pang mga babae at woman at heart.
"Ghad ang gwapo niya!" sigaw ko at nagtatatalon pa sa pwesto ko.
"Aray ko naman, sayang naman 'yung hair braid ko Brittany!" reklamo naman ni Louise. Paano ba naman, halos kalbuhin ko na siya dahil sa kilig na nararamdaman ko.
"Okay lang 'yan, bibilhan kita ng wig," sagot ko nang hindi man lang tumitingin sa kanya.
@YhoanPyreMyLabs Sana ako na lang 'yung boteng hawak mo! Gawin mo ang lahat sa akin. Hahahaha.

BINABASA MO ANG
Tales In The City
HumorThis is how love moves in different ways, maybe your story is as same as others but there is no such thing as cliché, there is some unique on you which made your tale special.