Kamalasan Version 2.0

12 7 0
                                    

December 30, 2014

Dedicated sa kanya! Haha, alam mo na 'yan :P

**********

Kitkit's Point of View

Good morning Philippines, Good morning World!

Umaga na naman at huwebes ngayon. Napakaganda ng gising ko dahil ang ganda rin ng panaginip ko. Kaya naman nakakasiguro akong seswertehin ako.

Pagkatapos kong maligo ay tinext ko na ang mga kaibigan ko na paalis na ako. Nag-reply naman sila na ready na sila.

"Ma, alis na po 'ko," sabi ko kay mama at inilahad ang palad ko.

"Wala akong pera, may natira ka pa naman d'yan diba? 'Yun muna ang gamitin mo," sagot ni Mama.

Ngumiti lang ako, ayokong masira ang araw ko dahil sa kawalan ng baon. Maliit na bagay lang 'yun at malaki pa ang araw ko.

Naglakad na ako palabas ng bahay at sinalubong ang mga ka-klase ko. Nagdaldalan lang kami saglit at umalis na. Dahil nga napaka haharot namin at apat kame, nag-uunahan pa kaming umupo sa tricycle. Ayokong umupo sa maliit eh, at sa kamalasan nga naman (Hindi, bawal ang word na malas ngayon) naunahan nila ako. So, wala akong choice kundi umupo sa likurang parte ng driver.

Habang nasa biyahe, ni-rerecall ko ang lahat ng ni-review ko kagabi. May quiz kasi kami ngayon sa computer subject, at siyempre todo review ako Roon, ayoko kasing bumaksak.

"Ay! kuya naman," reklamo ko. Paano ba naman kasi grabe 'yung humps na dinaanan namin, parang onti na lang malalaglag na ang cell phone ko. Teka...

"Kuya sandali 'yung cell phone ko nalaglag!" sigaw ko kaya napahinto naman agad si Kuyang Driver.

Buti na lang at katabi ko 'tong kaklase kong Gentle man na si Melo. Ang gwapo niya at gentle man pa. Sorry na lang siya at may boyfriend na ko, haha.

Tinakbo niya 'yung daanan para lang makuha 'yung cell phone ko. Pinara niya pa 'yung mga dumadaang sasakyan para malayang niya 'tong makuha.

Pagbalik niya sa'kin ay tumatawa siya, "Kitkit, nasagasaan 'ung cellphone mo. Hahaha!" Inabot niya sa'kin 'yung divided into 3 kong cell phone. Nakakainis naman oh.

"Hayaan mo na 'yan. Mamaya ayusin ko na lang," sabi ko at itinabi na 'yung lasog-lasog kong Cellphone.

Matapos naming bumaba ng tricycle ay sumakay naman kami sa Jeep. Inhale-exhale lang at ngumiti na ako ulit.

"Ay, umaambon?" sabi ni Kath nang mapatingin siya sa labas ng jeep na sinasakyan namin.

Teka, bakit parang pumapasok ang tubig sa loob? Bakit nababasa 'yung palda ko?

Inangat ko ang bag ko at nakita ang tumutulong tubig. Binuksan ko ang bag ko at nakita ang naglalawang tubig galing dito. Naku kamalasan naman oh!

"Ellah, tulungan mo nga 'ko," sabi ko kay Ella at inabot sa kanya ang mga basa 'kong gamit.

Nakaka-bad trip naman oh, at nakakahiya. Paano ba naman, umaagos na mula sa bag ko hanggang sa sahig ng jeep 'yung tubig ko.

"Para po." Hala, may pumara nang schoolmate ko. Argh! Nandito na pala kami.

Nagkukumahog akong inayos ang bag ko at bumaba na rin. Buti na lang at Computer lang ang subject ngayon. Kung 'di mababaliw na ako.

"Jennie, mag review na tayo," sabi ko kay Jennie habang umuupo sa tabi niya.

Okay na ko, alam ko naman na 'tong lahat eh. Haha, sure na 'kong makakapasa 'ko.

"Okay class, get one half lengthwise, and number it 1-30," pag-aanounce ng teacher namin.

Dictation ang quiz namin, nalilito lang ako dahil sa mga spelling kaya puro bura ako. Haha, hayaan ko na 'yun alam ko namang tama 'tong sinasagot ko.

Natapos na kaming mag-quiz at nakipagpalit na sa kabilang row. Wooh! Confident naman kong makakapasa ako eh.

1-30 halos tama ang sagot ko, though may mali siguro eh natural lang naman 'yun.

"13?" Nagulat ako sa naging result ng test ko, bakit 13?

"Sira, no erasures kaya," sabi ng katabi ko.

"Huh? Wala namang sinabi ah," sagot ko.

"Sira, kakasabi lang nun kanina," sagot niya at tumalikod na.

Ano ba 'yan ang malas!

Umuwi ako nang dismayado, pero hindi ko hinayaan ang mga bagay na 'yun. Sumakay kaming lahat ng Jeep, ganito naman palagi eh.

"Para po," sigaw ni Ella, dito kasi siya bababa eh.

"Kitkit, flat na 'yung ulong," sigaw ni Julius sa'kin.

"Heh! Nang-aasar ka na naman." Alam na kasi nila ang lahat ng kamalasan ko eh.

"Baba na kayo, na-flat-an tayo eh. Babalik ko na lang ang pamasahe niyo," sabi ng driver ng jeep at inabot samin ang binayad namin.

"Kitkit, ano ba 'yan nahahawa na kami ng kamalasan mo! Haha oh, umuulan na," reklamo ni Melo habang tumatawa ng malakas.

Sa wakas nakasakay na ulit kami ng jeep at bumaba kami sa SM sa over pass, may bilihan kasi doon ng hamburger at lagi kaming bumibili doon.

"Melo nasan 'yung catsup?" tanong ko sa kanya.

"Doon oh," sagot niya pero hindi nakatingin.

Kinuha ko ang isang squeezing bottle naglalaman ng catsup at nilagyan ang burger ko ng napaka-rami. Gusto ko kasi ng maraming catsup.

"Oh Kitkit, hot sauce 'yan ah," sabi ni Melo.

"Huh?" sabi ko na lang. Bakit ko nilagyan ng hot sauce? Ayoko sa maanghang!

"Sabi ko ayun 'yung catsup!" sigaw ni Melo at tumawa ng malakas.

Binasa ko ang poster sa tindahan. Oo nga, nakalagay "Red is Hot, Yellow is catsup." Bakit hindi ko 'to napansin?

"Hahaha, ang malas mo talaga!" sabi ni Jennie at tumawa rin. Lahat sila tumawa.

Nakakainis.

Umuwi na ako, at habang pauwi ako may bwisit na lalaking nag-babike ang muntik ng makasagasa sa'kin.

Sa gulat ko ay natapilok ako at naputol ang heels ng sapatos ko.

Nakakainis, ang malas naman ng araw ko!

Buti na lang at magkikita kami ng Boyfriend ko ngayon. Anniversary kasi namin eh at may date kami. Oo, ang swerte ko sa boyfriend ko. Napaka-swerte, maputi, chinito, matalino, malalim na dimples, mabango at maganda ang ngipin.

Matapos kong magbihis ay pumunta na ako ng restaurant kung saan kami laging nagdedate. Eksaktong 6 PM nandito na 'ko.

"Ma'am, may order na po ba kayo?" tanong ng waiter.

"Wala, may hinahantay pa 'ko eh," sagot ko habang nakangiti.

Oo, napaka swerte ko talaga sa boyfriend ko, at alam kong ito na ang pinaka masayang araw ko.

6:30, wala pa siya. Hintay lang, baka nagpapagwapo pa siya para sa'kin.

7:56, wala pa rin ang text niya. Okay lang, baka bumibili pa siya ng gift na para sa'kin.

8:47, wala pa 'kong nare-receive na tawag niya. Okay lang, malay ko kung mas may malaking surpresa siya para sa'kin.

"Ma'am, magsasara na po kami," sabi no'ng waiter.

"James! Sira ka, akala ko 'di ka na sisipot," sabi ko at nag-pout.

"Pwede ba 'yun? Eh, first anniversary natin ngayon eh, Happy Anniversary Mahal," sabi niya at niyakap ako.

Sinong nagsabing malas ako? Hindi ah, sadyang gan'yan lang talaga ang buhay. Malas ka sa ibang bagay pero may mga pagkakataon din namang mararamdaman mong swerte ka in other way. By the way, siya nga pala si James Red, ang boyfriend ko!

END

**********

#KJ<3

Tales In The CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon