19 Pages of Confession

143 23 4
                                    

♥♥ 19 Pages of Confession ♥♥

[one-shot]

Published: September 6, 2012 by Elemow

A/N: wahh, first one shot story here. Kahapon ko lang sya ginawa *0*.

Please vote and comment.

PLAGIARISM IS A CRIME

ENJOY

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Kathleen POV

Sobrang busy ako kaka fb makita lang ang aking crush. Sya si Axel, ang crush ko. Hay ang cute nya talaga, ang ganda ng mga mata yung matangos na ilong hayy Axel ang gwapo mo. Ako naman si Kathleen, ang babaeng magpapaligaya kay Axel, haha kinikilig talaga ako sa kanya. Magka-school mates kame kaya araw araw ko sya nakikita pero hindi sapat ang isang buong weekdays kaylangan pati weekend makikta ko sya. Sikat si Axel sa school gwapo, hot, talented, matalino kasi nga honorable mention. Sya yung tipo ng lalaking pag nakita mo ay hindi mo maiiwasang hindi ulit lumingon, kasi nga ma-appeal. Sino ba namang hindi mahuhulog sa kanya?

"Pa-print nga."

"Hay ano bayan pati boses mo naririnig ko." Pati boses nya ang gwapo.

"Ehem, pa-print nga."

"Ah.. hehe sowry." Nginitian ko sya at klinose yung tab na naglalaman ng fb wall nya. Di naman obvious na stalker nya ko diba? Nakakahiya yung sinabi ko kanina. wahhh >.< namumula na ko...

"Pa-print... oh." Tas inabot nya sakin yung flash drive nya. Ah syempre inabot ko yun ng dahandahan para mahawakan ang kamay nya. And the 'Para-paraan awardee' is...

"Alin dito?" seryosong tanong ko habang kinakalikot ang laman ng flashdrive nya

"Yung Nat Sci 1 dyan 3 copies," sagot nya pero hindi nakatingin sakin. Hmp if I know nahihiya lang sya sa kagandahan ko!

"Ah," sabi ko matapos makita yung files na pinapahanap nya. Bawat labas ng papel na pinapa-print nya todo basa naman ako, pero kahit anong gawin ko wala akong maintindihan. Hay gwapo na nga matalino pa.

"12 pesos." Habang inaayos ko yung mga papel na pinaprint nya.

"Oh," sabay abot nya sakin ng bayad, ayan nanaman at nahawakan ko nanaman kahit sandali lang yung kamay nya.

"Bye... Axel my labs..." eeiii... syempre sinabi ko yan nung malayo na sya. Pagkaalis nya pinagpatuloy ko na yung pag i-istalk ko sa kanya sa FB wahh, ang gwapo nya talaga evah! >.<

Di ko naman namalayang gabi na pala at kaylangan nang magsara ng Computer shop namin. Pinatay ko na lahat ng computer at isinara na yung pintuan. Bago ko patayin yung computer na gamit ko naglagay muna ako ng mga pictures ni Axel sa Cellphone ko. Oo ganon ako ka patay sa kanya hanggang sa pagtulog gusto ko makikita ko yung mukha nya. Bukas sabado at ako nanaman ang magbabantay dito sa shop, kaya lang naman ako pumapayag na magbantay dito kasi unlimited na FB at unlimited din na Axel ang makikita ko wahh.

"Good night Axel my love muah!"

---

Bago ako pumunta sa computer shop namen naisipan ko munang bumili ng burger dahil nga gutom ako. Isa pa gusto kong dumaan sa bahay nila Axel. Kaya naman kumikita tong burger-ran na to kasi kapit bahay nila si Axel at isa ako sa masugid na tagabili dito. Kung pwede lang bilhin kasama si Axel nako pag iipunan ko yun. Dapat nga binabasyaran nila si Axel eh, haha.

Tales In The CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon