Kakarating ko lang sa bahay namin. Bakit ganon? Kung sino pa yung minahal mo nang sobra sila pa yung sasaktan ka. Gino di talaga kita maintindihan! Ugh! Aliyah stop na please? Please lang kung ayaw mong masaktan, tigilan mo na 'to! Hayy nababaliw na ba ako?! Pati sarili ko kinakausap ko na! Aish!
Kinabukasan. Maaga akong nagising kahit walang pasok. Ewan ko ba. Bakit ganon? Kapag may pasok,hindi nagigising ng maaga. Pero kapag walang pasok, nagigising naman ng sobrang aga. Myghad! Ang dami kong pino-problema! Jusko po! Anyways, naghilamos na ako tapos nagbihis ng maayos tapos bumaba na para kumain.
"Good Morning ya! Wow! Ang sarap naman ng mga pagkain! Mukang kailangan ko mag gym after this?Hahaha. Tara po ya sumabay na po kayo sakin kumain.",sabi ko.
"Ay hindi na po Ma'am! Tapos na po kami kumain. Kanina pa po. Enjoyin niyo nalang po yung pagkain. Hehehe",sabi niya.
"Ay ya! Si Macy pala nasaan na? Wala pala siya dito. Di ko pa siya nakikita kanina pa.", tanong ko.
"Ay Ma'am di pa po bumababa. Natutulog pa po yun. Alam niyo naman po si Ma'am Macy. Hindi po yun gumigising ng maaga."
"Hayy. O siya! Kakain na po ako ha?"
Tumango nalang sa akin si yaya. Si besh Macy talaga! Kala mo naman kinaganda niya ng sobra sobra yung pagtulog niya! Hmp! Hahaha joke lang! Tinapos ko na yung pagkain ko at napagdesisyunan ko na manood nalang ng TV habang hinihintay si Macy. Ang tagal naman magising nung babaeng yun! Sleeping beauty ba ang peg niya? Jusko! Nanonood ako ng TV ng biglang lumapit sa amin yung isa pa naming kasambahay at sinabing may nagpadala ng Flowers sakin. Wait. Flowers? Huh? Saan naman galing yun?
"Ate Ail kanino galing itong mga Flowers na 'to?",tanong ko kay Ate Ail.
"Di ko po alam eh. Nung binigay iyang mga Flowers na yan kay Joseph (guard) bigla nalang umalis. Kaya di po namin nalaman kung sino yung taong yun. Pero po sabi ni Joseph lalaki daw po ang nagbigay.",sabi niya.
"Ahh sige po. Salamat 'te Ail.",sabi ko.
Kanino naman nanggaling itong mga bulaklak na 'to? At lalaki? Pero ang unang pumasok sa isipan ko ay si Gino. Pero imposible. Hindi naman ako bibigyan ni Gino ng mga bulaklak no! Hindi na ako aasa. Si Ford! Baka siya yung nagbigay ng mga bulaklak na 'to?! Well posible ngang siya kasi alam ko namang may gusto yun sakin. Pero hindi naman siya nagbibigay ng bulaklak ng basta-basta. Sino kaya yun? Sa sobrang pag-iisip ko kung sinong nagbigay ng mga bulaklak sakin di ko na napansin na nandito na pala sa harapan ko si Besh Macy.
"Oh besh? Kanino nanggaling yang mga bulaklak? Uyy may secret admirer ka ano? Ayyiiieeeeee. Hahaha", pangaasar ni besh Macy sakin.
" Baliw! Hindi ko alam kung kanino galing eh. Basta ang sabi sakin ni Ate Ail may lalaki daw na nagbigay dun kay kuya joseph(guard).Sino kaya yun?",pagtatanong ko sa sarili ko.
"Hay nako besh hayaan mo na yan. Punta tayong mall. Tara na dali gusto kong bumili ng mga dress saka sandals. Iwanan mo muna yang mga flowers mo at wag mo munang problemahin. Saka hayaan mong sila ang magpakilala sayo at personal na magbigay ng mga bulaklak. Jusko naman magbibigay lang ng bulaklak ang dami pang arte. Myghad!",sabi ni macy.
Arte naman neto ni Macy! Bigwasan ko 'to eh kapag di ako nakapagpigil! Hahaha joke! Pero ang arte niya today ha. Besh Macy why so arte? Hmm?
"Arte mo besh! Sapakin kita eh! Hahaha!",tatawa-tawa kong sabi sa kanya.
"Edi wow. Tara na magbihis na tayo para makaalis na dahil mabo-bored na naman ako dito sa bahay niyo kasi sobrang tahimik. Dalian mo ha?"
YOU ARE READING
Breaking the Rules Just For You
FanfictionBreak the rules often and you'll gain a huge advantage over those too afraid to risk it.