Chapter 1: First Day

50 7 1
                                    

Briseis

First day is like getting into a new dimension where you don’t know everyone, not even familiarize in its place. In a year, I’ve been many schools. I entered a lifetime war and will be no peace.

“I’m Briseis, 15 years old.” At such a young age, I did a lot of mistake and I worship no one. Naglakad ako para bumalik sa likod kung saan ako uupo.

“Wala ka na bang gustong sabihin?” saglit akong napahinto nang magsalita ang teacher namin. Pero imbes na lumingon sa kanya ay nagdire-diretso na lang ako sa upuan ko.

Para saan pa ang introduction? In the end, only the greatest, the perfect, the kind will be remembered. And people like me who did nothing, but despair will be forgotten, too soon.

Katulad lamang ng ginagawa ng ibang guro, nagsimula na lang siyang mag-lesson. Ang malas lang dahil napunta ako sa section na math ang adviser. Hindi naman ako naiiba sa lahat, ayoko rin ng math. Madali naman ang quizzes at activities pero hindi ko lang talaga malaman kung ano ang nangyayari pag exam.

“What will be the next geometric sequence of 6, 12, 24, 48?” nagkunyari na lang akong nagso-solve para hindi ako matawag, naglakad pa ito sa gitna at para bang namimili kung sino ang magiging bihag nya. Naphinto ito, “Why not try the new student?” kinalabit nito ang likod ko, tumayo ako at tinignan siya.

“The next geometric sequence at 48 is 96, the common ratio is 2 and you’ll just multiply the common ratio to get the next term.” Sagot ko at agad din naupo, nakita ko naman tumango-tango ito at bumalik na ulit sa harapan.

“She’s right. You just need to get the common ratio then multiply but there’s a formula in getting the geometric sequence…” sambit ng guro namin at hindi ko na siya inintindi dahil nagsulat na lang ako ng poem.

“Galing! Paano mo nalaman yung sagot? I mean, paano mo nalaman nag ano yung technique?” bulong ng katabi ko sa akin, tumingin naman ako sa kanya, mukhang napaka-girly nya dahil ang daming kung ano-ano sa ulo niya ta sang dami nya rin bracelets, may necklace, ring at earrings.

“It is obvious.” Nag-aalangan kong sagot habang nakatitig pa rin sa kanya.

“Ang talino mo!” nakangiti nitong sambit, “Ako nga pala Prime.” Inilahad nito ang kanyang kamay at kinuha ko na lang ito at nakipag-shake hands sa kanya. “Briseis,” pakilala ko naman, nakangiti pa rin ito na medyo creepy na dahil kanina pa siya nakangiti sa akin.

Binalik ko na lang sarili ko sa pagsulat ng tula at hindi na pinansin ang creepy kong katabi, maya-maya rin naman ay breaktime na. Napag-isipan ko na, na papasok na lang ako sa café na pagmamay-ari ng uncle ko since under-age pa lang ako at wala naman ibang tatanggap sa akin kaya tatanggapin ko na lang ang offer ng uncle ko para naman may pera ako.

***

Pagtunog ng bell lahat kaming nasa room ay nagmadali na rin lumabas, gutom na gutom na ako dahil wala pa akong almusal kasi muntikan na akong ma-late kanina.

“Briseis, saglit!” napalingon naman ako sa tumawag sa akin at nakita si Prime na tumatakbo papalapit sa akin, sinamaan ko siya ng tingin. “Sabay na tayong kumain.” Halata pang hinihingal ito pagkalapit sa akin.

“Ayoko.” Sagot ko at nauna na ulit maglakad.

“Dali na, ‘seis.” Naririnig kong pagpupumilit nito ngunit hindi ko na siya nilingon pa, ramdam ko rin ang pagsunod nito sa akin. “Briseis,” tawag nito “Sabay tayo, please!”, pumunuta ito sa gilid ko at hinawakan ang braso ko.

THE CORPSE OF THE PASTWhere stories live. Discover now