Chapter 4: Red Ballpen

11 4 2
                                    

Briseis

"Buti na lang hindi pa ako nakakalayo." Buti na lamang at hindi pa nga talaga nakakalayo si Ilaw kundi hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. "I think Bri, you need to move na. This place is not safe anymore for you." Napatingin ako sa kanya dahil sa mga sinabi niya.

I don't know but why I feel like dying? Ang bigat sa pakiramdam.

"Ilaw, 'wag kang OA. Baka may nant-trip lang sa akin." I said jokingly.

"Sana nga ganon, Bri. Pero paano kung hindi?" Napahinto at napaisip ako sa sinabi niya. I know naman na hindi lang 'to trip.

"Ganon naman talaga, Light." I smiled. "No matter where I go, susunod at susunod sila. Light, hahanap-hanapin nila ako." Light looked worried.

"Hoy, patulugin mo ko rito." tinitigan ko siya ng mabuti and dropped my jaw. Is he serious?

I pushed him hard as I can through the door; it just...he is so heavy. "Ilaw! May bahay ka at baka tumaas lang bayad ko sa tubig kaya umalis ka na." tinutulak ko pa rin siya palabas ng pinto.

"Babayaran na lang kita!" napahinto ako sa pagtulak nang sabihin niya iyon. Bigla rin nagliwanag ang mata ko sa sinabi niya. "Oh, tignan mo 'to, mukha ka talagang pera."

"Malamang! Ang hirap kaya ng buhay pag wala kang pera." pangangatuwiran ko.

"Ganito, think of this, I'll rent your home for tonight." napangiti ako nang malaki at pinapasok na siya.

Habang papasok ng bahay ko ay agad ko naman siya tinanong sa kung magkano ang renta niya. "Magkano naman babayad mo sa akin?"

Nag-isip pa ito at naupo sa may sofa ko, "Pwede na ba sayo yung limang-daan?" napasimangot ako kaya naman nag-isip pa ito. Kilalang-kilala talaga ko nito, "Isang libo?"

I smiled, playfully. "Oki, Ilaw! Umalis ka rin bukas ng maaga, ha?"

"Oo na! Bigyan mo na lang ako ng blanket at unan, dito na lang ako sa sofa. Magbabantay." I just said 'okay' at tumakbo agad ako sa loob ng kwarto at kinuhanan siya ng blanket at unan. Sinadya ko na ibato sa kanya ito nang malakas kaya naman napa-aray ito. Ibabato niya na sana sa akin yung unan pabalik kaso sabi ko ay walang magpupulot non at hindi ko rin pupulutin.

Pumasok na ako sa kwarto at narinig ko naman siya na nagsisigaw, sinisigaw ang pangalan ko. Sumisigaw pa ito ng "ang panget mo!" hindi ko na siya pinansin at tumawa na lang.

Sinuot ko ang earphones ko at nagpatugtog ng random music, nakapikit lamang ako at dinadama ang musikang pinapakinggan ko. Nagulat na lang ako nang may tumulong luha sa mata ko at tuloy-tuloy na tumulo ang mga luha ko. I tried to stop but, I can't. I cannot deny that my heart is really heavy. I feel like I will die, soon--I cannot predict when but, soon.

Huminto ang music at napalitan ito ng ringtone ko, tinignan ko kung sino ang caller at unregister ito sa phone ko. Kinakabahan man--na baka isa sila sa gustong pumatay sa akin--ay sinagot ko pa rin ang tawag.

I didn't answer first and I'm waiting for the caller to speak.

"Briseis?" Para bang nabunutan ng tinik ang puso ko nang marinig na ang boses ng caller, it is Achilles.

THE CORPSE OF THE PASTNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ