Prologue

20.3K 350 7
                                    

"Salamat po lola," pagsasalamat ng dalaga sa kanyang lola.

"Walang anuman yun apo basta mag-iingat ka, oh sya mamamalengke pa ako para sa ulam natin mamaya." pamamaalam ng matanda sa dalaga bago lumabas sa sementadong bahay. Malaki pero makikita mong napakasimple lang nito.

Agad napahawak ang dalaga sa kanyang tyan. Kahit anong gawin nya ay hindi na mababalik pa ang panahong naging masaya sya...

Ang panahong naramdaman nya bilang isang ina pero sa isang iglap ay biglang naglaho na para bang bula.

Dahil sa taong dati nyang minahal at pinagkatiwalaan na ngayo'y pinandidirian na nya.

Unti unting nagsitulo ang mga luhang kanina pang pinipigilan ng dalaga. Sa oras na ito ay sya lang ang naroroon sa bahay ng kanyang mahal na lola. Umalis sya upang ipakita sa taong nanakit sa kanya na kailangan nya na muna ng pahinga at babalik upang maghiganti...

Iniisip pa lang ng dalaga na habang sya ay nagpapakahirap dahil sa pagkawala ng kanyang magiging anak ay sa kabila naman nun tingin nya'y nagpapakasaya ang kanyang  'asawa'.

Napakuyom ang dalaga, hindi na sya magpapakita pa ng awa lalong lalo na't hindi na sya magiging katulad ng dati.

Ang dating 'Newana' ay wala na...

At ang paghihiganti ay magsisimula palang.

"Your new wife is coming home...my dear husband."

The Revenge of a Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon