Chapter 22

8.1K 163 2
                                    

Cheska's POV

"Ma'am, natapos na po ang pinapatahi nyo pong blazer."

"Ma'am?" napahinto ako sa pag-aayos ng mga tela at tumingin sa aking assistant.

"Ibigay mo kay Lea, Inform her na i-ready na ang mga models, even the other designs ako na ang mag-aayos ng mga iyon." I said, ayoko sa lahat na pinapakealaman ang mga bagay-bagay. Lalong lalo na dito nakasalalay ang career ko. Mabilis itong lumabas sa aking opisina, kaya itinuloy ko na ang pagsusukat ng mga tela. My Summer Collection is must to be done, Ilang buwan kong ginugol ang pag-aayos nito.

Dapat ay nasa tamang posisyon, oras at lugar. Para sa akin lahat ng bagay ay dapat nasa tamang ayos at ang pinaka ayaw ko talaga ang mga taong humaharang sa dinadaanan ko.

Binitawan ko na muna ang tela at kinuha ang sketch pad ko. Kung lahat ng mga gawa ko ay magugustuhan ng mga panels ay paniguradong mas uunlad pa ang career ko.

Because I'm Cheska Hio Lee the famous international fashion designer.

At pagdating kay Zane, tanging kumpanya lang ang habol ko sa kanya. I loved Zane but my career is more important, simula ng magkakilala kami alam kong matutulungan nya ako. Naging maayos ang lahat ng nagpakasal na ito kay Ranewena, alam kong gusto lang ng lola ni Zane na maghiwalay kami dahil alam na nyang kumpanya lang nila ang habol ko.

Ginawa ko ang lahat para magustuhan ako ng lola ni Zane, pero mas lalo nya lang ako pinapahiwalay sa apo nya. I cursed that woman, until one day malalaman kong magpapakasal na si Zane sa ibang babae. Nakilala ko si Ranewena ng sumama ito sa Party ng kumpanya.

She looked innocent, naive and pure at iyan ang mga pinaka ayaw ko sa lahat.

Naiinis ako na pinahiya nya ako mismo sa harap ng mga maraming tao, kinuha na nya ang atensyon at malapit na rin si Zane. Gusto ng humiwalay sa akin ni Zane na mabilis ko naman tinanggihan.

Kung mawawala sa akin si Zane ay tuluyan na rin akong babagsak.

Saktong sakto sa oras na iyon ay malapit ng bumagsak ang kumpanya and until now hindi nya parin alam na ako ang nagnanakaw ng mga perang napopondo sa kumpanya.

Matalino nga si Zane pero bulag naman...

Nakipagdeal ako sa kanya na kapag tutulungan nya ako ay tutulungan ko ring bumangon ang kumpanya nya.

Nagkaroon kami ng tagong relasyon sa puntong nagpanggap akong cheap nyang sekretarya para lang magalit si Newena sa kanya. Totoong may nangyari sa amin noong araw na birthday ni Zane at anniversary nila, sinandya ko talagang mangyari yun.

Kitang kita ko kung gaano nasasaktan ang munti nyang asawa, but she deserved it. Lumipas na ng tatlong taon ay patuloy parin syang nagmamanhin-manhidan.

I don't really liked her, humaharang sya sa mga plano ko. Hanggang sa araw na kinutuban na ako dahil nalaman ko ng buntis sya, paano ko nalaman? Nang makita ko syang lumabas sa mercury drug kasama narin ang isang babae at tinanong ko ang cashier kung anong binili nila.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil pag nalaman ni Zane ay baka hiwalayin na nya ako.

But my luck, I'm pregnant too.

I dunno kung sino ang ama at hindi ko na pinansin pa iyon dahil kailangan kong maunahan si Ranewena.

At humingi ako sa pinsan ko ng tulong, If Ranewena is out of the picture then wala ng humahadlang sa akin.

She deserved to die, ako ang nauna kay Zane. AKO at hindi ako papayag na basta basta nyang kukunin sa akin si Zane.

Yeah, as I said I loved Zane...

No one can stop me...

Even magmumukha na akong baliw, dahil para rin sa akin 'to.

And now? Monica is here in the picture, my planned is used her for Zane but it failed and I think wala na ring saysay ang batang iyon.

Kapag nalaman ng mga tao na may anak ako sa ibang lalake ay paniguradong magkakaroon ng threat sa career ko.

I don't want na masira ang pinaghirapan ko ngayon ng dahil lang sa batang iyon. Hindi ko lang sya iniluwal sa mundo para sirain lang ang buhay ko.

Kinuha ko na ang bag ko at ang dalawa kong sketchpad, kailangan ko ng umuwi dahil gumagabi na. I was planning to get rid of that child just like Ranewena.

Lumabas na ako sa opisina at nagsimula ng lumakad.
"Ma'am Cheska! I have the message from the panels. And I think m-may bago po tayong kalab---." habol sa akin ng assistant ko, pero tuloy parin ako sa paglalakad

"Dear even we have rivals, remember our collection are more precious. So keep that to your little brain." I said with the word sarcasm. Tumango na lang ito at huminto na ito sa paglalakad.

Tss...

3rd Person's POV...

Sa madilim na kwarto, nakakandado ang mga bintana pati na rin ang pintuan may isang batang babaeng hirap ng gumalaw.

She's weak because she's starve...

She can't sleep because she need water to drink...

She can't open her eyes anymore, she can't shout, talk and even whisper para lang magmakaawa sa kanyang ina. It's been 4 days, apat na araw syang walang kain maski hindi pa ito umiinom ng tubig.

Sa napakamurang edad ay ganito na kahirap ang dinadanas nya.

She slowly opened her eyes kahit nahihilo na ito ay ginawa nya pa rin, because she heard a noise, nakarinig sya ng pagkalampag ng kadena. Unti-unting napangiti ang batang babae sa kanyang iniisip. Iniisip nyang makikita nya ang kanyang ama at ililigtas sya.

Napapikit na lang ulit sya ng unti-unting bumukas ang pinto kasabay non nagbigay ng liwanag ang kinaroroonan nyang madilim na kwarto. Nakarinig sya ng mabilis na pag-akbang kasabay non ay ang dahan dahang pagbuhat sa kanya.

Sa natitirang lakas ay sinubukang yakapin ng bata ang bumuhat sa kanya.

"T-taddy..." halos hindi na nya kaya pang bigkasin ang salitang iyon dahil sa tuyo ang lalamunan nito.

Binilisan ng binata ang paglalakad hanggang sa makalabas na sya sa bahay ng kanyang amo.

Lumapit sya sa sasakyan at binuksan ito gamit ang isa nyang kamay. Dahan dahan nyang inupo ang walang malay na batang babae sa passenger's seat, inilagay nya na muna ang seat belt at mabilis na umikot para sumakay na driver's seat. Bago nya paandarin ang sasakyan ay tinawagan nya na muna ang kanyang amo na si Zane.

"Sir, nakuha ko na po si Monica," napatingin sya sa bata.

"Good, is she okay?" tanong ng kanyang amo.

"I think Ms. Cheska is really torturing her daughter. Nakita ko po syang nakakulong sa basement at nanghihina po ang bata." paliwanag ni Clyde.

"What?! Dalhin mo agad sya sa hopital!" sa boses ng kanyang amo ay bakas dito ang galit.

Pinatayan na sya ng tawag kaya mabilis nyang pinaandar ang kotse papuntang hospital.

~~~~~~~~~~\\\

Sorry for grammatical errors...

Leave Vote and Comment ( comment if necessary 😅)

The Revenge of a Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon