Chapter 33

7.3K 144 3
                                    

Pagod na nakauwi si Andy, mag-aalas tres na ng madaling araw.

Natagalan ang dalaga dahil sa may isyung umuusbong patungkol sa bagong boutique na pinapatayo nya sa Japan. Ang mga kasamahan nito ay pilit na nililinisan ang pangalan ng dalaga, para kay Andy noon ay hindi naman sya naiinis sa mga taong may galit sa kanya pero ngayon? Mismong sumabog na sya sa galit dahil sa palala na ng palala ang mga taong iyon.

Pati social media ay nilinis nila, pero ang iba naman ay gumagawa na lang ng kwento. Hindi nila matukoy-tukoy kung sino ang taong may pakana ng lahat. May mga tao talagang gagawin ang lahat makasira lang ng kapwa, even though they don't know the reason/truth. Tama ang ginagawa mo pero para naman sa kanila ay mali.

Nang nakapasok na si Andy sa loob ay nakita nyang si Verne ay nagsisimula ng magpunas.

Yumuko na muna ang ginang ng nalamapasan nya ito. Sa sobrang pagod ay hindi na nagsalita pa ang dalaga at naglakad ng deretso papunta sa kanyang kwarto.

Nagpaalam na sa kanya si William kasama na ang anak nito, dahil sa biglaan ay hindi na ito nakapagpaalam kay Newena. Napaisip ang dalaga, kung susuriin ay may nararamdaman si William para kay Newena pero bakit ganun? Napailing na lang ang dalaga dahil siguro ngang mahal pa ni Ranewena ang asawa nito.

Napadaan sya sa pintuan ng kwarto ni Ranewena, hindi naman sya galit kundi nagtatampo ito dahil sa nangyari. Kung sa ibang tao ay marahil hahayaan na lang nila na ang karma ang gumawa sa mga nanakit sa kanila.

Pero sa nakikita nya kay Newena ay talagang determinado itong gagawin ang lahat makaganti lang kay Cheska. Kung ganun rin ang mangyayari sa dalaga ay baka mapatay nya ng wala sa oras yun.

Nang nakarating na sya pintuan ng kwarto nya ay nagtaka sya kung bakit hindi man iyon nakalock, pagkabukas nya ng ilaw ay nabigla sya sa kanyang nakita. May blueberry cheesecake na nasa tabi ng alarm clock nya, dagdagan pa si Ranewena na nasa kama nya at natutulog.

Dahan dahan nyang ibinaba ang shoulder bag at dalawang sketch book nito sa sahig at lumapit sa cheesecake.

Napatingin sya ulit kay Newena at ibinalik sa cake. Nagkataon lang ba na paborito nya ang ginawang peace offering?

May nakita pa syang papel na nakatuklip da tabi nito, kinuha nya iyon at binuksan.

Binasa nya iyon at ilang minuto ay krinumple nya iyon at ibinato kay Newena na saktong sa noo nito tumama. Nagising naman ang dalaga dahil sa bagay na tumama sa kanyang noo, nang makita nya na nasa harapan nya si Andy ay nanlaki ang mga mata nito.

"Andy pasyen---" hindi natapos ng dalaga ang sasabihin nito ng biglang tumalon sa kanya si Andy, nawala naman ang pagod ng dalaga dahil sa nakita nyang cheese cake.

"Kyaaaaah~" tumili pa ito at nag-unat ng katawan. Tumingin sya kay Newena na nagtatakang nakatingin sa kanya, nagtaas na lang ito ng kilay at nagsalita.

"Balak mo na talagang umalis mamaya huh?" tumango-tango naman si Newena.

"Pero bago yun nandito ka at kinakausap ako." dagdag ni Andy tumango ulit ang dalaga. Sinapak nya ito sa ulo.

"Nakakailan ka na ah~" nakakunot na si Newena habang hawak hawak ang ulo kung saan nya ito sinapak.

"Baliw ka eh, may pacheesecake ka pang nalalaman." pagkatapos ay napahikab na lang si Andy At pumikit.

Habang si Newena naman ay hindi na alam kung ano ang sasabihin, gumawa sya ng sulat at isinulat na lang ang lahat ng gusto nyang sabihin para kay Andy.

"Andy..." tawag ni Newena, hindi sumagot si Andy kaya inaakala ng dalaga na tulog na ito.

Akmang aalis na sya sa kama ng may binti na pumatong sa kanyang balikat.

The Revenge of a Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon