Chapter 17

9.7K 171 0
                                    

Chapter 17

Mother Marissa's POV

"Iiwan mo na kami?" tanong ni Sasha kay Myle. Alam kong malungkot ito maski naman ako dahil napalapit na ang loob namin sa kanya.
"Hija, Gusto mo ba talagang mangyari ito?" nag-aalalang tanong ko sa kanya, nasa opisina kami ngayon at pinag-uusapan tungkol sa balak ni Mr. De Vincire.

Alam ko namang mabait si Mr. De Vincire, kaya kung gusto talaga ni Myle na sumama sa kanya ay payag naman ako dahil alam kong matutulungan nya si Myle.

Nakita kong napayuko na lang si Myle at nagbuntong hininga.
"Pero Mother Marissa, matutulungan nya po ako."

Napatingin sa akin si Sasha at tumango na lang ito pinapakitang tama ang desisyon na gagawin ni Myle.

Marami na syang pinagdaanan, kaya tama lang na malaman nya ang matagal ko ng tinatago. "Sasha, Hija iwan mo muna kaming dalawa. " sabi ko at pumunta sa isang cabinet na gawa sa kahoy.

"Ano pong hinahanap nyo Mother Marissa?" narinig kong tanong nya ngunit hindi ko sya sinagot dahil abala ako sa paghahanap ng puting folder.

Ilang saglit pa ay nahanap ko rin at tumingin sa kanya. Umupo ako sa aking upuan at inilagay ang puting folder sa lamesa.

"Hija, may dapat kang malaman. Bago ko sabihin sayo huwag ka sanang magalit sa akin, itinuring narin kitang anak. Mahal na mahal ka namin Myle..."

"Hetong puting folder ay naglalaman ng dokumento patungkol sa hospital records mo." pagsisimula ko, nakatingin lang ako sa kanyang mga mata na makikitang nagsisimula na itong maguluhan.

"Nakita ka nilang duguan kaya dali dali nila akong tinawagan at agad ka naming isinugod sa hospital ng bayan. Malubha ang kalagayan mo noon hija, ang akala namin hindi ay hindi ka na mabubuhay pa. Kahit hindi ka pa namin noon kilala'y sobra talaga ang pag-alala namin sayo." Hinawakan ko ang nanlalamig nyang mga kamay at ipinisil ang mga ito.

"Naghanap hanap kami kung sino ang mga kamag-anak mo pero wala kaming nahanap marahil hindi ka taga dito at dayuhan ka. Tatagan mo loob mo hija..."

***FLASHBACK***

"Doc, ano pong nangyari? Magiging maayos po ba sya?" nag-aalalang tanong ko sa kanya, kakalabas lang nito sa E.R at kasama ko ngayon si Sasha.

"Naging maayos ang kinalabasan ng operasyon at nagawa naming sagipin ang buhay nya pero..."

Nakita kong napakunot si Sasha sa aking tabi at nag tanong na rin.

"Ano po yung pero dok?" nagtatakang sambit nito. Napabugtong hininga na muna ito bago nagsalita.

"Hindi namin nagawang iligtas ang dinadala nitong bata. Marahil na rin maraming nawalang dugo ng pasyente at asahan na lang natin na may mga sanhi na darating pagkagising nya. Maraming salamat sa pagtulong nyo Mother Marissa, ilang saglit pa ay ililipat na namin sya sa isang maayos na kwarto maiiwan ko na po kayo."

"W-walang anuman po." sagot ko at dahil sa nalaman namin ay naramdaman kong matutumba na ako kaya napahawak ako sa braso ni Sasha. Inalalayan naman ako nitong umupo sa mga upuan,

"M-mother Marissa, papaano na po? Paano natin ito sasabihin sa kanya? Lalong lalo na sa ganung kondisyon?" sa boses ni Sasha ay kinakabahan na ito.

"Maraming tanong na hindi ko kayang sagutin at hindi ko rin alam kung ano ang mangyayari sa kanya Sasha. Pero kailangan nya tayo hija, at buo na ang desisyon kong tutulungan natin sya." sambit ko.

***END OF FLASHBACK***

"Hinintay ka naming magising, at sa sobrang pasasalamat namin sa diyos ay ilang araw ang nagtagal ay nagising ka at napag-alaman naming wala kang maalala. Ang sabi ng doktor ay may Traumatic Stress/Amnesia ka. Kaya nabigo kaming humanap ng kamag anak mo dahil hindi naman naming alam kung ano at saan ka nakatira."

The Revenge of a Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon