Lip Tint: Teaser

23 1 0
                                    

"Tumabi ka nga, nakakasira ng araw yang pagmumukha mo!"
----
"You really need therapy for your face."
----
"Hay nako sa mukha mong yan? Baliw nalang siguro ang papatol sayo! Hahaha!"

Sanay na ako sa mga salitang binabato nila tungkol sa mukha ko. Oo alam kong pangit ako at alam kong wala nang lalaking papatol sa akin. Sa buong buhay ko wala na akong narinig kundi, "Ang pangit mo naman!" Naku! Wala nabang bago diyan?

Ano ba kasing mali sa pagmumukha ko? Dahil ba dito sa dalawang balat na tig 4 inches ang haba at 2 inches ang laki, sa ilong kong flat at sa malalagong kulot kong buhok? Maputi naman ako at ang pantay naman ng mga ngipin kong maputi rin.

Sabi nila wala daw pangit na ginawa ang Diyos, asa na asa ako roon pero sa sitwasyon kong ito? Its very imposible.

Payo naman ng kaibigan kong di ko alam kung totoo ba sa akin na magparetoke na raw ako 50k lang daw! Pero pa'no? Aabutin na siguro ako ng ilang taon makaipon lang ng ganon kalaking halaga, ni pambili ng cellphone wala nga ako.

Hay! wala na ba talagang pag-asa tong pagmumukha ko? Saan ako hahanap ng 50k gumanda lang?

Kung nandito nga lang sila mama at papa siguro maganda na ako, sabi kasi ng butihing tita ko na ang yaman daw  mga magulang ko noong nabubuhay pa sila. Malamansyon raw ang bahay nila mama noon pero noong maipanganak ako bigla raw namatay si mama pagkaluwal sakin, si papa naman nalagutan ng hininga ng atakihin sa puso nung malamang patay na si mama. Lahat ng yaman nila mama at papa napaghati-hatian ng mga makasarili naming kamag-anak pero si tita mas piniling ampunin ako. Matagal na raw kasi si tita na gustong magkaanak nung mga araw na yun at laking biyaya naman daw na nakuha niya ako. Hindi na raw naglakas ng loob si tita na kunin ang parte niya sa yaman ng mga magulang ko kahit alam nilang nasa kanya ako.

Habang sila nagpapakayaman at nagpapakasaya sa ibang bansa heto kami sa Pilipinas naghihirap at kapos sa pera, pero hindi naman gaano. At kahit ganun ang swerte swerte ko parin naman tita ko masaya na nga ako kung makapunta kami sa mall at bumili ng groceries. Pensyonado kasi si tita kaya heto swerte parin at may panggastos kami.

"Baling, bat ang tamlay tamlay mo naman ata ah, ano ba yang iniisip mo?" biglang bungad ni tita ng makalabas siya galing sa cr. Tinawag na naman akong Baling, kainis.

"Tita nanay naman ehh wag niyo naman akong tawaging Baling. Di na po ako bata." Reklamo ko.

"Aguy! Ikaw bataa ka, sa ayaw at sa gusto mo Baling ang tawag ko sayo hanggat nandito ka sa pamamahay ko." Ayan maninirmon na naman siya.

"Sege tita nanay, alam kong panenermon na naman yan hahantong, wala ako sa mood ngayon na makinig." Sabay salpak ng daliri ko sa dalawa kong tenga, pero rinig ko pa rin talaga nung magsalita siya ulit.

"You really need to tell me what's the matter, tunganga ka ng tunganga diyan tatakbo ang swerte." Umupo siya sa tabi ko at nakatingin parin sa akin. Di talaga ako lulubayan neto hanggat di ko sinasabi.

"Wow naman, ito na naman tayo sa pag-eenglish mo."

"Bawal ba? Tsaka no one says na bawal mag-English, huh." Taas kilay nitong sabi. "Sabihin mo na ano ba talaga?'

"Wala, iniisip ko lang kung gaganda pa ba ako. Ano, happy ka na?" sabi ko nalang at tinanggal ang dalawa kong daliri sa tenga ko at tumingin sa kanya.

"Maganda ka naman ahh, pero beauty is in the eye of the beholder nga naman depende na rin yun sa tao kung big deal ba sa kanila ang kagandahan sa pisikal na anyo kesa sa kagandang loob ng tao. Di mo naman kase sila masisi kung ayaw nila sa k-katulad mo at...." Putol niya sa sinabi niya sabay tingin sa pintuan na nakabukas.

Akala ko magpapatuloy pa siya sa sinabi niya ng bigla nalang siyang tumayo at naglakad palayo sa kinaroroonan ko. Pero akala ko di na siya magsasalita ng marinig ko ang huling habilin niya bago makapasok sa loob ng kwarto.

Lip TintWhere stories live. Discover now