Lip Tint: The Start

5 0 0
                                    

Rules of using the lip tint:

Do's
√use it after one week starting from the day it is made.
√You can use it anytime anywhere.
√the amount of the lip tint must be level on the size and thickness of your lip.
√effectiveness: 6 hours.
√handle with care.

Don't's
√don't let anyone know about the tint or else the effectiveness will never be experience ever again!

Take note!!!
Di basta basta nauubos ang lip tint, sana naman gamitin mo ito ng mabuti. Wag lang sana lumaki ang ulo mo! Again! WAG NA WAG MONG IPAPAALAM SA IBA AT DAPAT WALANG MAKAALAM NITO.

Love love love,
Tita Nanay ~_~
-----

Isang note ang nakita ko sa may pintuan ng kwarto ko at nang mabasa ko ito, isang 'tsk' lang ang nasabi ko. Simula ng mapasaakin ang lip tint na ginawa ni tita nanay kahapon ay halos di ako makatulog kagabi kakaisip tungkol sa bagay na iyon.

"Simula sa araw na ito magbabago na ang buhay mo." Ang parating paulit na salitang sinabi niya na lumalabas sa utak ko.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at laking gulat ko na walang tita nanay akong nakita sa sala ng bahay namin at tuluyan na nga akong lumabas sa kwarto.

Nakasarado pa rin ang pinto pati bintana sa ganitong alas nwebe ng umaga na kase bukas na ang pinto at pati ang bintana.

Tumungo ako sa binta at binuksan iyon. Doon bumungad sa akin ang mainit at nakakasulaw sa matang paligid ng basketball court. Naku mamayang hapon makikita ko na naman yung crush kong taga ibang baryo. Sobrang gwapo pa naman nun, di talaga ako nagsasawa na mahalin siya araw araw.

"Hi, Leng!" Bati ng lalaking parating nangungulit sa akin. Ke-aga-aga nambubyweset na naman tong letseng to!

Hindi ko nalang siya pinansin at isinarado ang bintana.

"Suplada! Kala naman niya ang ganda niya!" Rinig kong sabi niya.

Gusto ko sanang patulan ehh, kaso wag nalang masisira pa tong gandang taglay ko at pati tong araw na to.

Tumungo ako sa lemesa at nakita kong may nakakulob na palangga sa ibabaw roon. Naku ano kayang inihanda ni tita nanay ngayon? Nang bukasan ko iyon nakita ko ang isang kanin, letchong manok, kaldereta, adobo, at spaghetti. Oh my! Alam na alam talaga ni tita kumg anong paborito ko. Hehehe.

Dahil sa gutom di ko na talaga inisip kung saan galing at kinuha ito at kung saan pumunta si tita. Sunggab dito sunggab doon. Parang may fiesta at may birthday talaga dito ngayon.

Habang kumakain narinig kong may kumakatok sa pintuan and guess who? Si bess na di ko alam kung totoo ba sa kin! Hmmmp! Or shall we call her plastikada.

"Danna! Alam kong nandyan ka sa loob, papasukin mo naman ako parang naman di tayo magkaibigan." pangungunsensya nito.

Naku! Gagamitin na naman niya yang word na 'kesyo kaibigan daw kami' nako di na yan bago bess!

Nilunok ko na muna ang nasa binig ko at tsaka nagsalita. "Teka lang may ginagawa pa ako." Matakaw na kung matakaw itinakip ko ulit ang palanggana sa lamesa at binuksan ang pinto. Sana di niya makita ang nasa lamesa.

"Oyyy! Bess ano ba kase yang ginagawa mo? Pa-share naman." Sabay ngiti nitong klarong klaro na ang plastik plastik!

"Ayan na naman siya." Mahina kong sabi.

"Ha? Ano?" Kyuryos nitong sabi.

"Ah wala hehehe, sege pasok ka."

Hayon nga pumasok siya at umupo sa upuang malapit sa pintuan.

Lip TintWhere stories live. Discover now