"Danna mamaya na ang Party." Galak na sabi ni Tita nanay nang madatnan niya ako sa sala na nakatunganga na naman. Ito talaga ang pinakaayaw ko tuwing summer na-bo-bored na ako sa ganitong set up, kung di lang talaga ako pangit siguro I can miggle with so many friends. Bakit ba kasi may discrimination pa sa aming mga pangit eh pare-pareho lang naman tayong mga tao dito sa mundo.
"Alam ko po at ano naman po kung may party mamaya diyan sa labas. Di naman ako welcome dun." Walang gana kong sabi.
"Wala lang, nagpapa-remind lang naman ako sa'yo. Tsaka sinong may sabi na di ka welvome doon?" Sabi nito.
"Yun nga eh, kung sana pwede ko ng gamitin yung lip tint edi sana ngayon palang ginamit ko na yon." Pag-rereklamo ko. Nakakainip na kasi eh, kung sana lang talaga kung sana lang.
"Wala tayong magagawa, eh sa kung ano ang mangyari sayo kung padadaliin masyado yung timelaps bago mo gamitin yun." Pumasok ito sa kwarto.
Tama nga naman si tita, nagdududa na nga ako kung effective ba yun, yung hindi pa kaya pagsunod sa nakalagay na do's and don't's baka kung ano pang mangyari sakin.
I took a deep breath at inisip na lilipas din ang dalawang araw na paghihintay, maghintay lang talaga sila.
Lumabas si tita na may dalang box. Di ko alam kung anong laman nun at kung gagawa na naman ba ulit siya ng potion para may gagamitin ako mamaya kahit 30 mins lang, sana nga. Tiningnan ko lang siya habang papalipit sa kinaroroonan ko at bumakat ang ngisi sa kanyang mukha na nagpakaba sakin.
"Wag niyong sabihin.." Naputol ang pagsasalita ko ng iharap niya ang kaliwang kamay niya at iwinawagayway niya ito tanda upang di ako magsalita.
"Di tayo gagawa ng potion ngayon, make over muna ang gagawin natin." Sabay ngisi ng nakakaloko.
"Nako kung iniisip niyo po na pupunta ako mamaya sa party na yan pwes nagkakamali kayo. Wag niyo po akong e-make over wala rin namang mangyayari tsaka hintayin ko nalang matapos ang dalawang araw." Pagtatanggi ko, eh sa kung mapahiya naman ako mamaya.
"Well, well, well... nag-aral kaya ako na maging make-up artist noong hindi ka pa nabubuhay. And I was being the top 1 sa paraalan namin dahil sa pag-me-make up nung mga araw na yun." Pagmamalaki nito.
"Talaga ba? Impressive naman pala." Kunyare gulat kong sabi. "Wag na po tita, mas mabuti ng matulog ako ng maaga mamaya kesa sa magkipaghalubilo sa mga plastikada at pakialamero diyan sa labas." Tanggi ko ulit.
"Sa ayaw at sa gusto mo gagawin na tin to."
At ayun na nga sinimulan na niyang plansyahin ang buhok ko. Hindi ko talaga alam na may mga gamit si tita na pang make over, sa bagay di naman talaga ako nangingialam sa mga gamit dito sa bahay kaya wala akong nalalaman dito ng kung ano anu.
Matapos niyang planshahin ang buhok ko ay inahitan niya ang kilay ko. Pagkatapos niya akong ahitan ay tumingin muna siya sa mukha ko na parang nay dumi. Di ko lubos maisip kung anong reaksyon ang nakita ko sa mukha niya pero parang talaga nakakita siya ng multo.
"Mamaya na muna ang make-over, wag masyadong excited."
Nagkakamali ka tita, hindi talaga ako excited, kinakabahan pa nga ako sa kung anong mangyagari mamayang gabi. Eh, kung sana tutulungan niya ako sa kahihiyang mangyayari mamaya at kulamin niya yung mga plastikada at mga pakialamero dyan labas masaya na sana ako ngayon. Hmmmmp! Kainis.
----
Eksaktong 2:00 pm, maglalaro ang team ni Michael at ang kabilang baryo. Final match mamaya at kung sino man ang manalo syempre ang siyang panalo. MVP pa naman siya palagi sa team nila. Minsan di ko na pinapansin ang laro nila, basta makita ko lang siyang naglalaro buo na araw ko.Nagsimula na nga ang laro. Mainit na mainit na ang labanan ng dalawa grupo sa unang set pa lang.
Bawat dribble at pasa ng bola, tinitingan ko siya. Ang pawisan niyang katawan, gusto ko siyang bigyan ng tubig at punasan ang buo niyang katawan kaya lang nahihiya ako at hindi ko magawa, baka mas mapahiya pa ako.
Nakita ko sa gilid ng mata si Tita at alam kong tinitingnan niya ako.
"Gusto mo ba siyang lapitan?" Tanong nito. Naku may iniisip na naman itong hindi maganda. "Bigyan mo ng tubig, alam kong uhaw na uhaw na siya."
"Naku tita nag-abala ka pa. Nakakahiya naman, baka...." Di na niya ako pinatapos sa susunod kong sasabihin ng abutan niya ako ng isang bote ng mineral water.
"Alam mo talaga tita kung anong mga iniisip ko. Galing!" Kunyari na amaze ako.
"Hay nako alam ko kung anong dumadaloy dyan sa utak mo lalo na't kanina ka pa nakatitig sa kanya, malapit ng matapos ang game nila dalian mo baka maunahan ka pa." Paalala nito.
Ayy, oo nga pala malapit ng matapos at nangunguna ng 10 points ang team nila sa score. Galing talaga ng Michael ko.
Lumabas ako ng bahay at di na ko nag-isip na lumapit kay Micheal, di ko na alintana ang mga taong nakatingin sa akin.
Nakatalikod siya sa akin at ako naman nakatingin sa kanyang likuran na sobrang basa. Nakita ko ang kasamahan niyang ngumunguso sa akin na pinapatunguhan si Michael na may tao sa likod niya. Di naman siya na bigo dahil lumingon nga siya sa akin. Para akong natutunaw sa mga tingin niyang di ko inikala. Ito ang unang pagkakataon na napansin niya ako. 10 seconds na pagtititigan namin na halos matunaw na ako. Yuyuko na sana ako nag magtanong siya sa akin."Anong kaylangan mo?"
Yung boses na yun. Tunaw na tunaw na ako gusto ko nang mamatay dahil sa wakas napansin niya na rin ako.
"T-t-tubig." Nauutal at tangi ko nalang nasabi. Inabot ko sa kanya ang bote ng malamig na mineral water.
Ngumiti siya. Oo ngumiti siya ng pagkatamis tamis. Parang huminto ang mundo ko sa nakikita ko ngayon. Nginitian niya ako sa wakas. Patayin na sana ako ikalawa.
"Salamat." Nakangisi niyang sabi at kinuha niya sa'kin ang bote.
Tiningnan ko muna siya habang iniinom ang tubig ng bigla umeksena si Divina. Hay panira moment talaga. Tumalikod nalang ako at di ko na sila pinansin. Iniinggit na naman ako ng bruhang to.
"Salamat nga pala sa tubig." Bigla sabi ni Michael nang eksaktong tumalikod na ako.
"Y-You're welcome." Tangi ko nalang nasabi at di lumingon. Letcheng bibig to, parati nalang nauutal.
Tumungo na ako sa bahay at tiningnan si tita. Binigyan ko nalang siya ng malaking ngisi at umupo sa upuan.
"Sana matapos na ang dalawang araw na yan para naman magamit ko na ang Lip Tint." I murmured.
"Patience Baling, patience." Pagpapaalala niya.
"Tinawag niyo na naman akong Baling."
"Wag ka nang umangal diyan."
Natapos na ang game at nanalo ang team ni Michael. As usual naman.
"Ready ka na ba para mamaya? It will be a great experience of yours. Hehehe." Sabi ni tita habang may ginagawa sa may lababo, naghuhugas ng plato.
"Ang totoo nga po kinakabahan ako." Matamlay kong nasabi.
"Nandyan mamaya si Michael, di mo ba gusto yun?"
"Ano namang silbi nun kung eeksena na naman yung Divina na yun." Nakakainis lang kasi yun ehh, sana mamaya di ako sumpungin na patulan siya kundi Goodluck nalang sa kanya.
"Hay naku, wag mo nang intindihin yun inggit lang yun sa'yo."
Di na ako nagsalita pa at pumasok nalang sa kwarto at humiga. Tiningnan ko ang kesame, inisip ko kung kapag gaganda ba talaga ako magkakagusto kaya saakin si Michael? Di na siguro mang-iingit si Divina at di na ako kukulitin nung unggoy doon sa labas. Mas confident na ba akong lumabas at makipaghalobilo sa mga tao?
Siguro nga oo.

YOU ARE READING
Lip Tint
FantasíaSabi nga nila mas maganda pag-natural beauty lang daw. Wala nga raw ginawa ang Diyos na pangit dito sa mundo. Well, well, well not with Danna na ugly since birth. But when she discovers her Tita's great witch power na naging Genie at Fairy Godmother...