Entry 1; Kasiyahan

135 0 0
                                    

*Poetry*
'Kasiyahan?'

Haha. Tunog pa lang alam ng masaya
Yun bang feeling na ika'y malaya?
Yung ha-halakhak ka ng di nahihiya?
Yung bitbit mo ang ngiting di dinaya?

Ngunit bakit naging ganto ngayon?
Pati ngiti pini-peke na ang layon
Layon na pag-takpan iyon
Iyon! Yung damdaming na parang binabaon.

Binabaon sa limot ng kahapon
Mga naranasang dapat itapon
Ngunit nagbigay kaligayahan noon
Noon, kaya pilit na dinadala hanggang ngayon.

'Paano maging masaya?' Tanong ko ngayon
Ngingiti? Tatawa? Pero mga mata'y iba tinutugon
Paano na nga ba tayo babangon
Babangon sa mundong di na magiging mahinahon

Mundong pinuno ng hinagpis at takot
Na sa isang iglap kasayaha'y hinakot
Parang isang duming dinakot
Sino-sino nga ba ang naging sangkot?

Mga tao'y naging mapag-panggap
Wala na yung damdaming parang nasa alapaap
Binalot ng gulo na kailan man di katanggap-tanggap
Maging masaya'y isa na lamang... pangarap

POEM FestivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon