Isang babae
Humarap ako sa salamin, nakita ko ang isang imahe.
Imahe ng isang babae, babaeng di masabi kung mabait o salbahe.
Mga magulang sa tabe, sa tabe na parating maraming sinasabe.
Mga mata sa gabe, tumutulong tubig diyamante hindi maisantabe.Hindi maintindihan, ano nga ba kanyang nararamdaman.
Walang masandalan, pagiging masaya laging hinahadlangan.
Saan ba tamang lugaran, ang isang babaeng sa kanila'y talunan?
Sa iisang kamalian, buong buhay niya siya'y sinumbatan.Siya'y pinag-diskitahan, sa kanya mismong paaralan.
Na kung saan, saan, dapat kanyang pangalawang tahanan.
Pangyayaring hindi kagustuhan, ngunit siya pa rin sa huli ang may kasalanan.
Sinapit na kapalaran, hanggang huli ninais labanan.Pinilit itinago, itinago ang damdaming hindi na mabubuo.
Mga tao, mga taong akala mo kung sinong perpekto.
Kay-raming sumbat ang ibinato, pilit ipinapakita pagka dismayado.
Akala nila siya'y bato, pilit kinukumpara sa mga ginto.Siya daw ay isang bigo, bigo na nararapat ng magbago.
'Walang kwentang tao', paulit-ulit na binabato.
Isinaksak sa sentido, salitang tagos-tagos sa puso.
Ganito ba ang mundo? Hindi patas, at hindi makatao.
