Entry 2; Takot

42 0 0
                                    

Takot

Isa, dalawa, tatlo
Oh buhay ko,
Palagi na lang ganto,
Susuko na ba ako?

Inay at itay,
Pwede bang umalalay?
Prolema'y akay-akay,
Ngiti ay di na sumilay.

Nanginginig sa sulok,
Tulala tila nabubulok,
Nalaglag mula tuktok,
Napapakamot sa batok.

Luha ay patagong umagos,
Nagtatago't humahangos,
Hiningay ayan na nauubos,
Sa pag iyak na lang binuhos.

Yakap at pang-unawa,
Labis-labis ng ikatutuwa,
Mahalin niyo naman sa gawa,
Hindi ko kailangan ng awa.

Nakakasawang buhay,
Wala naman umaagapay,
Iniwang lupay-pay,
Kailangang lang karamay.

Ina at Ama,
Pahalagan niyo naman ako,
Mahalin kayo'y nakakasawa,
Nagsimula ng maging bato,
Itong nananahimik na puso.

POEM FestivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon