Chapter 17 ♥ Bebang and Friends

21.9K 278 21
                                    

-

Kinabukasan

*achoo achoo*

Kagabi pa masama pakiramdam ko at hanggang ngayon wala pa rin si Papa at Mama nag overnight swimming pala sila 'di pa sinabi kahapon kasama din nila yung mga employers sa company namin, Company Outing daw.

Hindi ko pala nasabi sainyo na may company kami .

Hindi ko sinabi kay Mama na masama pakiramdam ko mag aalala na naman yun, e alam ko namang busy 'yon.

Buti nalang andito si Ate Yolly at yung iba pa naming kasambahay. Remember si Ate Yolly? sya yung pinaka close ko sa mga kasambahay namin dito sa bahay.

Andito ako ngayon sa sala wala nanonood na naman ako ng koreanovela kahit masama ang pakiramdam ko.

Maya maya biglang tumunog phone ko si bespren natawag sinagot ko.

"Hello? bespren? bakit ka napatawag?"

[Luka luka ka talaga bespren no? sabi mo wag kong kakalimutan tapos ikaw naman ang nakalimot , Biba may photoshoot tayo ngayon? Asan ka na ? 9 na oh]

Shocks! Oo nga pala may photoshoot nga pala kami.

"Sorry bespren hindi ako makakapunta ngayon masama pakiramdam ko, e"

[Huh? masama pakiramdam mo bespren? Gusto mo ba puntahan kita dyan sainyo? okay ka lang ba dyan?]

"Okay lang ako bespren wag mo na ko puntahan. Punta ka na sa photoshoot mo pasabi nalang kay sir na hindi ako makakapunta ha?"

[Okay sige bespren pagaling ka]

Pinutol ko na yung tawag. First photoshoot ko pa naman nako lagot ako nito. Yaan na nga, e ano pa ba magagawa ko masama pakiramdam ko, e.

"Elize eto pagkain mo oh tapos eto gamot mo kumain ka na ha? Para gumaling ka na bukas" May dala si Ate Yolly na tray tapos dun nakalagay yung pagkain at pinatong nya sa may table dito sa sala na katapat ko.

"Okay po Ate Yolly pakitawagan naman si Mama at Papa tanong nyo po kung kelan uuwi"

"Okay sige "

Tinatawagan na ni Ate Yolly sila Mama at ako naman eto kumakain na.

Habang kumain ako nabulunan ako kasi naman pag tingin ko sa pinapanood ko saktong kissing scene. Napa-inom tuloy ako ng tubig.

"Elize sa Monday pa daw sila makakauwi "

Loner ako dito sa bahay. Buti nalang hindi sinabi ni Ate Yolly na may sakit ako alam naman ni Ate Yolly na ayaw kong ipasabi, e.

Natapos na kong kumain. Umakyat ako sa kwarto ko dahil tapos na rin naman yung pinapanood ko sa baba.Nagfacebook muna ko wala akong magawa e.

My Bullylord Boyfriend (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon