-
Bahay
ELIZE'S POVKakauwi lang namin nila Mama at Papa dito sa bahay masyado kaming napagod andun sila sa kwarto nila tulog na nakapag-dinner na din naman kami sa labas kanina at nagkaroon pa ng party dito sa bahay kanina. Andito ako ngayon sa kwarto ko nakahiga lang hindi pa kasi ako masyadong inaantok. Naaalala ko parin yung sinabi ni Mich kanina, hindi pa ba sya nagsasawa na sirain kami ni Thunder? Bakit ayaw nya pa kami tigilan kahit alam nya hindi sya mahal ni Thunder nakakainis lang.
*Phone rings*
Sinagot ko yung tawag nang hindi tinitignan kung sino yung natawag.
"Hello?" bungad ko.
[Oh Hi Elize!] napantig ang tenga ko dahil sa boses na narinig ko sa phone ewan ko ba bigla akong nainis. Sino pa bang tumawag? Edi si Mich gabing gabi na natawag pa.
"Anong kailangan mo?" tanong ko.
[Haha. Chill girl! Gusto ko lang sabihin sayo na alagaan mo si Thunder ha? Baka mamaya maagaw ko na sya sayo] sabi nya.
Lalo akong nainis dahil sa sinabi nya."Wala akong pakialam sayo Mich. Hindi mo ba maintindihan na hindi ka mahal ni Thunder? Ayaw mo pa bang tanggapin na ayaw nya sayo? Hindi mo pa ba kami titigilan? Wag mong ipilit yung sarili mo sa taong ayaw sayo" mataray na sabi ko.
[Alam kong hindi ako mahal ni Thunder pero kapag nakuha ko na sya sayo matututunan na din naman nya kong mahalin at hinding hindi ako titigil hanggat hindi ko nakukuha sayo si Thunder] sabi nya tapos pinutol na nya yung call.
Aish. Nakakainis talaga sya basta kahit ano anong mangyari hindi nya maaagaw sakin si Thunder natatakot ako na baka mamaya may gawing masama si Mich lalo tuloy akong hindi makakatulog nito.
Nagpagulong-gulong na ko sa kama ko wala parin matawagan nga muna si Thunder baka gising pa siya.
Isang ring palang nung phone nya sinagot na nya agad.
[Bebs] bungad nya.
Ay jusko! Bakit ang gwapo ng boses ni Thunder? Bigla tuloy akong kinilig."G-gising ka pa pala" sabi ko.
[Hindi bebs tulog pa ko kaya nga kausap mo ko, e] namilosopo pa nga daw ayun na e kinilig na ko tapos namislosopo.
"Pinipilosopo mo ba ko?" sabi ko.
[Haha joke lang yun bebs. Sorry na. Gabi na ah bakit ka pa tumawag?] tanong nya.
"Gawa kasi ni Mitch tumawag sya sakin kani-kanina lang" sabi ko.
"Bakit anong sinabi nya sayo?" seryosong tanong nya.
"Aagawin ka daw nya sakin" sagot ko.
[Tss. She's Obssess. Wag kang mag alala bebs hindi ng hindi yun mangyayari . Kaya ba hindi ka pa natutulog? Don't worry that will never happen. Okay?] sabi nya. Medyo gumaan yung pakiramdam ko dahil sa sinabi nya.
"Okay" sagot ko.
[Matulog ka na diba may pupuntahan pa kayo ng bestfriend mo bukas? Kaya wag mo nang isipin si Mich. Goodnight. I love you] sabi nya.
"I love you too. Ikaw din matulog ka na. Goodnight"
Pinutol nya na yung tawag. Makakatulog na din ako ng maayos ngayon. May gala nga pala kami ni Bespren bukas aalis na kasi sya e. Nakakalungkot lang.
-
KinabukasanMaaga akong nagising dahil maybpupuntahan kami ni bespren. Naligo na agad ako at nagbihis na agad. Nag-ayos lang ako ng konti at ready to go na.
Bumaba ako at dumiretso sa sala nagulat ako kasi andun na pala si Bespren wala manlang nagsabi sakin. -_-
"Bespren kanina ka pa ba dyan?" tanong ko.
"Hindi, kararating ko lang" sabi nya.
"O sige tara na dali" sabi ko.
Nagpaalam na ko kay Ate Yolly wala naman kasi sila Mama at Papa nasa company lagi silang busy buti nga pag may mahalagang okasyon napunta sila e at nabawi naman sila sakin kaya minsan gusto ko magkaroon ng kapatid e. Magrequest kaya ako Haha.
Sa kotse ni bespren kami sumakay.
"Bespren tuloy na tuloy ka na ba?" tanong ko.
"Oo naman bespren. Wag kang magpaka senti dyan kung gusto mo puntahan kita lagi e diba aalis ka na din?"
"Oo malapit na pero hindi pa ngayon" sabi ko.
Napatigil kami ni Bespren sa pag-uusap ng bigla syang tumigil sa park sya kasi yung nagda-drive nung kotse.
"Andito na pala tayo" sabi nya.
Bumaba na ako ng kotse at pati si bespren bumaba na din.
"Eto kasi yung favorite place natin kaya nandito tayo ngayon" sabi nya.
Sa Park kasi kami lagi nagpupunta ni bespren dito kami nagkukwentuhan tapos dito pa nga kami nag-away dati e at dito din namin inayos yung away namin. Memorable samin tong park na to.
"Alam ko Haha." sabi ko.
"Tara bespren dun tayo!" sabi nya tapos tinuro nya yung dun sa may malaking puno.
Tumakbo kami papunta dun mastado kasing malaki tong park at kung lakarin man namin baka bukas pa kami makarating dun sa may puno kasi medyo nasa dulo ng konti yun Haha.
At dahil may pagka tanga ang bestfriend ko muntikan pang madapa.
"Shunga nito e! Haha" sabi ko.
"Sorry na alam mo namang may pagkatanga ako" sabi nya.
"Buti alam mo Haha"
Naupo kami dun sa may ilalim ng puno. May dala si bespren na tela na malaki atsaka mga pagkain nilatag nya yun at humiga ako ang sarap kasi talagang matulog dito ay wait parang may naaalala ko nung natulog ako dito ah. -_-
Yun yung may nagdikit sa damit ko ng papel na nakalahay 'Mahal ko si Thunder' Haha inis na inis ako nun alam kong si Thunder nagdikit non sino pa ba?
"Uy bespren! Ano bakit nangiti ngiti ka dyan? Nababaliw ka na?" napatigil ako nang biglang magsalita si bespren.
"Hindi no! May naalala lang ako nung natulog ako dito" sabi ko at umupo ako.
"Yieee nako ano naman yun? Ay hindi pala sino naman yun?" tanong nya.
"Haha basta mahabang kwento" sabi ko.
"Ay sige bespren ganyan ka naman" sabi nya.
"Ikukwento ko nalang kapag binisita kita sa America Haha" sabi ko.
"Sige. Mamimiss kita bespren" sabi nya tapos biglang lumungkot yung mata nya.
"Mamimiss din kita bespren" sabi ko.
"Etong lugar na to memorable to oara satin mamimiss ko to. Hindi ko alam kung kelan ako babalik pero sana pag alis ko bestfriends parin tayo ha?" sabi nya.
"Tanga mo bespren bakit ko naman kakalimutan na bespren kita" sabi ko.
"Na-tanga pa Haha. Ano ba bespren basta mamimiss talaga kita" sabi nya tapos niyakap nya ko. Ewan ko ba nung niyakap ako ni bespren bigla akong naiyak tapos sya din naiyak na din mga ilang minuto kami magkayakap tapos kumalas na sya sa pagkakayakap.
"Ano ba bespren wag mo kong paiyakin" sabi ko.
"Oo nga bespren e parang mamamatay na ko kung makaiyak ka dyan" sabi nya.
"Bakit ba? Ikaw din naman e Haha" sabi ko.
-
Nagkwentuhan lang kami ni bespren atsaka umuwi na hinatid na ko ni bespren samin tapos ayun umalis na sya bukas daw 10:00 pm yung flight nya.
**
A/N: Hi guys! Sorry ngayon lang ako nakapag-update sobrang busy ko po kasi talaga sa school e sorry po talaga.
BINABASA MO ANG
My Bullylord Boyfriend (UNDER EDITING)
Novela JuvenilAng storyang ito ay masyadong komplikado kaya siguraduhin mong maiintindihan mo bago mo ito basahin. Haha.