KETH
Tinitignan ko lang sila habang ginagawa nila iyon, wala ako sa mood ngayon ei.. Hayyy!
Nagulat nalang ako ng napadaing si Sandy at nagkaroon ng pagsabog. Ngunit ang nakapagtataka nung nawala ang usok ay nakaupo lang ang Lower Class na parang nangyari.
May mga sinasabi pa sila at ang iba ay nagtataka, syempre sinu nga naman ang hindi magtataka kung wala man lang nasaktan sa kanila sa lakas ng pagsabog.
Biglang nagsalita si Knox sa likod, hindi ko siya naramdaman, o dahil sa nasa malalim akong pag iisip?
"Hindi naman ata tamang pagsamantalahan ang kahinaan ng Lower Class, always remember they are known for their strategies baka iyan ang ikabagsak niyo. I'll assure you, one day magmumula sa sinasabi niyong Loser at mahina ang magliligtas sa inyo and when that time comes, I'll laugh to all of you because on that time you can not do anything but to plead and cry" wika niya at umalis na naglakad sa gitna namin habang pinagtitinginan siya.
Tama naman siya na pinagsamantalahan nila ang Lower Class, hayyy.
"I bet someone is protecting them" wika ni Gabe kaya napaisip ako, no one can defeat us lalo nat nagsamasama kaming royalties!
"Only the chosen which is the PRINCESS can counter attack us. She have the four elements and she can summon the all kinds of swords." Wika niya.
They are so happy. Nakakapagkulitan sila, nagtatawanan, nag aasaran, nagbabangayan ngunit masaya sila. They think they own the field. Wala silang paki alam kahit na may nanonood sa kanila. I felt jealous to them because we never did that because of our reputation.
Umalis ako don sa field at nagtungo sa sleeping place ko. This place is my relaxation place.
KNOX
Today is the day! The judgement of the highest rank of who will have a high level para sa mga klase.
Hayyyy, sana hindi sila panghinaan ng loob.. But i know, they can do that. I believe in them.
"Today, we will witness the four classes with their presentations. How far would you go in breaking those barriers? Did you know now how to control your powers LOWER CLASS?"
"OF COURSE WE CAN! WANNA TRY?" sigaw ng isa sa kasama namin kaya nagkatinginan kaming lahat at ngumiti sila. Nagtawanan naman ang ibang mga klase. Maliban sa Royals.
"Save your powers and try to focus. We will need that later for now, ill be the one to do the dare." Wika ko at nagnod sila habang nakangiti..
"Sure! Make your blow lower class!" Wika ng emcee. After 5 sec. Ay wala pang lumalabas kaya nagkantyawan ulit sila ngunit bigla nalang may nagliliyab na apoy at kulay asul na nagtungo pataas at nagform ng 'GO LOWER CLASS, PROVE THEM WHAT WE'VE GOT' at biglang sumabog ito na parang fountains na nagiging bulaklak na sumabit sa mga leeg ng kalalakihan at naging korona ng mga kababaihan.
Napasinghap silang lahat, nagbulungan ang iba at nakatulala ang iba. Pati ang emcee ay natulala.
"Okay so lets move on to our main program which the ranking of classes" wika niya ng mahimasmasan na siya.
"The first performers are the Lower class" wika niya na nakangiti ng malademonyo kaya nagsitayuan kami.
"Ano man ang mangyari, wag kayong mawalan ng pag asa ha? Basta ang isipin niyo kaya niyo. Focus, relax and feel your power. Good luck" wika ko
"Yes Master!" Wika nila kaya napangiti ako.
Nagtungo kami sa harapan at tumayo. Syempre alangan na humiga e walang higaan? Haha..
"That's an inch, and break that in 5 minutes. Your time starts now!" Wika ng emcee habang nakangisi. I want to remove that smirk on her face, nakaisip ako ng maganda. I freeze her mouth using my attribute which is ice. At ako naman ang napangiti ng malapad haha.
"So anong plano?" Tanong ni Sandra.
"Suggestions?" Tanong naman ni Rix.
"One way to break a barrier is through blades and knives" sagot ni Bea.
"Okay so guys, form a circle- wait. Knox okay lang?" Tanong ni Drei
"Naman, iyon ang lamang natin sa ibang klase, strategy kaya go na plan and perform dont worry, ill watch you and guide you guys" sagot ko kaya ginawa na nila.
"Form a circles, then make a blades inside it. Levitations, help us in hitting the middle of the barrier, help us okay? And for the other like healer and other stay 2 steps away from us, para hindi kayo masaktan." Wika ni Rix.
"Okay lets do it. At the count of three... One..... Twooooo...... Threeeee....." Wika ni Amy at they hit the middle of the barrier at konti nalang at mabebreak na ito kaya I made an invisible knives and throw it there, kaya nabreak ito at papunta na sa other class kaya I freeze their blows and they all look at me, I smiled and nod kaya pinunta nila ito sa taas and form a word. 'Determination'.
"We made it?" Tanong ni Kaye
"Reaally?" Tanong naman ni amy at nagyakapan na kami.
"Hmmmmhmmmmmhmmmm" wika ng emcee kaya napatawa ako at tinanggal ang nakalagay na yelo doon..
Ang middle class naman ay nagkagulo sila, kaya nagcrack lang ito.
Ang upperclass naman ay hindi nagtulungan dahil may isa doon na gustong magmagaling, tsk. Nabreak naman nila ngunit lumampas sa oras.
Ang royal class naman ay tig isa nilang pinatamaan ang mga ito at si walsh ang final blow. Nabreak nila ito ngunit kinunsumo nila ang limang minuto.
Masaya ako dahil nagawa nila iyon.