KNOX
"Nay aalis na kami, mag ingat kayo." Wika ko kay Nay
"Ganoon ba anak? Hindi man lang kita napagsilbihan ng matagal. Gabi na kasi tayong nakauwi." Sagot niya
"Wag mo ng isipin yun Nay. Ang importante nagkita na tayo ulit" wika ko.
"Ehem ehem" pagpaparinig ni Keth.
"Psh, panira ng moment hmp" wika ko namn.
"Ingatan niyo ang batang ito ha? Mahal na mahal ko ito. O siya alis na at ng mahanap niyo na ang hinahanap niyo" wika ni Nanay.
"Sige po gogora na kami Nay babush" nakangiting wika ko. Habang palakad na
"Sige nak, ingat sila sa iyo haha"
Sigaw ni Nanay"NAY!" sigaw ko pabalik ngunit nagthumbs up lng siya.
LEI'S POV
Hellllooooo there! Btw im LEILA JOBES. And andito kami ngayon sa isang walang kwentang misyon. Hayy.. Anyway.
Nang matapos magpaalam si Knox ay umalis na kami.
Hindi ko nga maintindihan ang huling mga winika nila ei.
Lumulan nga kami sa isang nakakahilong sasakyan ei, samantalang si Knox ay nakatulog lang buong biyahe.
Yung totoo, hindi ba ito nahihilo? Hayy, pinikit ko ang mga mata ko para hindi mahilo ngunit parang mas lalo ata, lalabas na ang kinain ko kanina..
"Wag mo kasing isiping nahihilo ka. Kung gusto mo naman matulog ka na or gagawa ako ng paraan para makatulog ka" wika niya habang nakapikit parin.
"Paano ba?" Nasusukang wika ko.
At hindi ko alam kung anong ginawa niya sa akin at wala na akong alam sa nangyayari sa aking mundo.
'Mag iingat kayo. Hindi basta basta ang mga kalaban niyo' wika ng isang magandang babae. Magsasalita na sana ako ng bigla siyang nawala.
Hinanap ko siya ngunit parang may yumuyugyug sa akin. Ano ba! May hinahanap ako e!. Kainis.
'Psh kung ayaw mong gumising edi bubuhatin kita' wika ng tinig ng isang babae.
Nakaramdam ako na parang binubuhat ako. Parang nakalutang ako.
"LEILA!" sigaw nila kaya napabangon ako.
"Naman ei, kailangang sumigaw?" Naiinis na wika ko.
"Mukhang napapasarap ang tulog natin ah, kung hindi mo napapansin buhat ka ni Knox no?" Mapang asar na wika ni Cass.
"Enjoy na enjoy ei" wika naman ni Mel.
"Ay sori." Nahihiyang wika ko.
"Ok lang, ako naman ang may kasalanan kung bakit nakatulog ka e." Nakangiting wika niya.
"Salamat ah" nakangiting wika ko at ngumiti lang siya.
Patungo kami ngayon sa North. Sa isang baranggay na wala ng naninirahan. Ang sabi sabi ng matatanda ang lugar daw na iyon ay sinalakay noon ng mga di kilalang tao. Winasak nila ang lahat ng makita nilang bahay, lahat ng pananim at hayop ay pinatay nila.
"Anong alam niyo sa lugar na iyon?" Tanong ni Knox.
"Winasak daw ng di kilalang tao ang lugar na ito" sagot ko.
"And this place... Ay pinaninirahn na ngayon ng mga Katutubong kriminal sa lipunan. Sila ay tinatawag na Seth" sagot naman ni Cass.
"I think i know this place" pabulong na wika ni Knox na umabot sa pandinig namin dahil nasa likuran namin siya.
"Ha?" Tanong ko habang patuloy na naglalakad.
"Ang lugar na iyan....." Wika ni Keth.
KNOX' POV
Ang lugar parang pamilyar sa akin. Napunta na kaya ako dito? Iyon ang nafifeel ko ei. Parang may dapat akong alalahanin..
Biglang sumakit ang ulo ko.
"Ughhh" impit ngunit mahinang wika ko.
Tumigil ako sa paglalakad. Hind ko napansing nahuhuli na pala ako at malayo na sila. Umupo ako sa lilim ng isang puno.
May mga blurred visions akong nakikita tungkol sa isang batang lalaki at babae.
Tinulungan ng babae ang lalaki. Nagulat ako ng mamukhaan ko iyong babae. Ako? Pano nangyari iyon?
KETH'S POV
Nandito kami sa lugar kung saan parang pamilyar sa akin. Hindi ko matandaan ngunit parang yung feeling na nakatapak ka ulit sa lugar na ito? I cant explain.
Nakapasok kami ng walang humaharang sa amin. Parang ang weird naman. Pati na dito sa lugar parang may kakaiba?
"Guys parang may hindi magandang mangyayari." Wika ni Dave at pagkasabi niya ng ganoon ay yumanig.
"Wahhhhhh!"
"Ahhhhhh" sigaw namin dahil ang lakas ng lindol.
Nang humupa ito ay ang mga puno naman ang sumunod.
"Wahhhh! Mga punong naglalakad" sigaw ni Dave.
Pinatamaan ni Cass ng water blades ang puno ngunit lumaki ito kaya nagpanic kami..
"Bakit lumalaki sila?" Sigaw namin ni Jake
"Hindi pwedeng panlaban ang tubig dahil kailangan ng mga halaman iyon!" Sigaw ni Jeff
"Lightning!" Sabay na sigaw namin ni Dave. Biglang ikinumpas ng lumaking puno ang sanga nito at nagkahiwahiwalay kami. Kami ni Sandy ang nagkasama.
Ginamit ko ang ability ko. Naglabas ako ng ball of fires pero hindi parin natitinag ang mga puno. Naglabas din ako ng lightning ngunit hindi ko magamit ng maayos ang kapangyarihan ko dahil yumayanig parin at nawawala ako sa konsentrasyon.
Hindi ko nakita ang paparating na sanga at? BLACK
SANDY'S SHORT POV
Nakita kong natamaan si Keth ng sanga at tumilapon siya sa malayo. Tutulungan ko sana siya ng makita kong hahapasin narin si Jake.
"JAKE!!" sigaw ko ngunit nahampas na siya at kasabay nun ay nawalan na rin ako ng ulirat.
CASS' SHORT POV
Natumba na ang lahat ng kasama ko. Ako nalang ang lumalaban ng biglang may itim na usok na naglabasan at nung nasinghap ko iyon ay nanghina ako at naging blurr ang paningin ko.
Naramdaman ko nalang na nanghihina na ako at parang namamanhid ang buong katawan ko. Biglang parang nakalutang ako.
KNOX' SHORT POV
Nagising ako dahil sa isang lindol. Panaginip lang pala iyon? Teka? Ang mga kasama ko?
Nasan na kaya sila? Saan kaya yung malakas na lindol na iyon? Ano na kayang nangyari sa kanila?
Habang naglalakad ay palinga linga ako sa paligid. Wala kasi akong nakikitang bahay o kuta man lang. Nasan na ba kasi sila? Iniwan na ata nila ako. .
Dahil maggagabi na ay nagtungo ako sa malapit sa batis at gumawa ng bonfire.
Nasan na kaya sila? di man lang nila ako hinitay, balak nga talaga siguro nila akong iwan. Ang sama naman nila.